Chapter 42: The Message

545 12 4
                                    

KEILA'S POV

Hayysss ang dami ko na ngang iniisip dumagdag pa yung panaginip na yun.

Hindi na rin ako masyadong nakakatulog lalo na kapag naaalala mo yung panaginip ko. Pag naaalala ko si Nathan na parang nagpapaalam.

Sa totoo lang, natatakot ako. Natatakot ako na baka magkatotoo yun. Natatakot ako na mawala sya kahit na hindi nya ko minahal.

Aish Keila wag ka ngang magdrama di ba ang sabi nga ni Lola, ang mga panaginip ay imposibleng magkatotoo dahil kathang isip lang ito at nabubuo lang dahil sa malawak nating imahinasyon.

Nababaliw na nga siguro ako dahil kinakausap ko nanaman ang sarili ko.

Nakaupo lang ako sa may railings ng rooftop nang may tumawag sa sa'kin.

"Keila?"- tawag nya.

Boses pa lang kilala alam ko na kung sino pero hindi ako limingon.

Narinig ko yung mga footsteps nya na naglalakad palapit sa'kin. Naramdaman ko na lang na umupo sya sa tabi ko.

Ilang minutong nagkaroon ng katahimikan. Pero binasag nya rin ito nang magsimula syang humikbi.

"K-keila wala n-na ba t-talagang pag-asa na m-apatawad mo 'ko? W-wala na ba talagang p-pag-asang b-bumalik tayo sa d-dati? Keila M-miss na miss na kita eh. Miss na m-miss ka na na-min eh. P-please Keila"- umiiyak na sabi nya.

Hindi ko na rin napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko pero dali dali ko itong pinunasan.

I realized, panahon na ba para pababain ko ang pride ko?

I admit na ma-pride akong tao and that is the one of my personality I hate from myself.

Nakatagilid lang ako sa kanya pero sinisilip ko sya sa gilid ng mata ko.

Nakita ko na nakatingin sya sa'kin but after a minute narinig 'kong bumuntong hininga sya.

"I thought this is the great time to talk to you. But I am telling you this earlier, Hindi ka namin susukuan. I'm willing to do whatever you want para lang mapatawad mo 'ko, kami. See you again Keila"- naramdaman ko na tumayo sya at nagsimula nang maglakad kaya agad agad akong tumayo at hinabol sya.

"Jennica"- tawag ko sa kanya dahilan para mapahinto sya.

"I'm s-sorry"- at nagsimula na namang magbagsakan ang mga luha ko.

Humarap sya sa'kin at niyakap ako.

"Ano ba Keila kami nga ang dapat nag-so-sorry eh. I'm sorry sa lahat ng nagawa ko"- sabi nya habang yakap yakap ako.

Now I feel relieved. How I missed this girl.

"Tss tama na nga to ang drama na natin eh"- natatawang sabi nya habang kumakalas sa yakap.

Nagkatinginan kami at...

"HAHAHAHA"- sabay kaming natawa.

*******

Pagkatapos namin sa rooftop ay bumaba na kami.

Habang naglalakad nakita naman namin si Sheanne na naglalakad at mukhang shunga lang sya dahil literal na nanlaki yung mga mata nya.

Nagkwentuhan pa kami ng konti habang naglalakad atsaka naghiwalay na ng daan kasi may dadaanan pa daw sya si Jennica, si Sheanne naman pupunta sa library maghahanap daw ng pocket book na pwedeng basahin. Ako naman ay papunta sa locker room para kunin yung naiwan 'kong cellphone.

Pagkabukas ko ng locker ko, kukunin ko na sana yung notebook ko nang may mapansin akong isang papel na ngayon ko lang nakita sa locker ko.

Agad ko itong kinuha at binuksan.

Bumungad sa'kin ang isang sulat na hindi ko maintindihan.

KEILA,

MOUKGMGGAAT ASNONAIALHH GAGNAGBNAAE KFSAWSAMMTF IOAKAAKOAGO TRAIGSANNIR AENTKAIAARE TSMAAMLNNLS ATOWNAAGGIT YKAAGNNMLN

                                --(FRIDAY, 10:00PM)

P.S: Wag mong ipagsasabi kahit kanino ito. --KVS

Ano 'to? Hindi ko maintindihan.

Atsaka sino naman 'to? At bakit ayaw nyang ipagsabi ko sa iba?

Ilang minuto din akong nag-iisip dun nang biglang may maramdaman akong malamig na bagay sa may batok ko.

Bigla akong kinabahan at dahan dahang humarap sa likod ko.

Pagkaharap ko ay napasigaw ako....


....sa inis!

"Sheanne, Jennica sasabunutan ko talaga kayo!"- sigaw ko.

Pano ba naman pagkaharap ko sa kanila nakita ko na may hawak hawak silang bottled water na nagyelo at yun yung dinikit nila sa batok ko tsaka sila dali daling tumakbo.

Bago ko sila hinabol ay nilagay ko muna sa bulsa ko yung cellphone ko at yung sulat tsaka sinara yung locker ko at dali daling tumakbo para habulin sila.

I think I made a right decision to forgive this two crazy girl. I hope wala ng mangyari pa ....

...but I think hindi mangyayari ang gusto ko dahil sa iisang rason--- ang killer.

============
Chapter 42: The Message -- done✔

Sorry kung ngayon lang nakapag-ud tapos lame pa 😂✌✌ Mian🙏🙏👫

Next Chapter:
Chapter 43: ----

The Secret Of Pantaleon HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon