CHAPTER 13: ANG UNANG GABI SA APARTMENT

70 2 0
                                    

Saktong 3 ng hapon nagising si Gaille, ang tahimik sa apartment, nakatulog din kasi si Justin dahil parehas silang pagod sa byahe at pagaayos ng mga gamit. Tumayo si Gaille para pumunta sa kusina para uminom ng malamig na tubig, bago pa man nya ito marating ay nadaanan nya ang silid ni Justin, nakaawang ang pintuan nito, sinilip nya ito at nakita nya ngang natutulog si Justin, nakakumot ang buong katawan dahil bukas ang aircon, naka white t-shirt ito, yakap nya ang unan nyang kulay blue na may initial na “G”, napansin nya rin ang kagwapuhan nito habang natutulog.

 Sa Isip ni Gaille

Aba! Medyo cute pala si Justin pag tulog tsaka ang payapa ng mukha, sana tulog nalang sya palagi para mukha syang mabait, siguro yung “G” sa unan nya ay “Gwapo” eiw, nako makapunta na nga ng kusina at nauuhaw na ako, at baka mahuli nya pa akong tinitingnan ko sya, baka isiping crush ko sya.

 Pag alis lang ni Gaille ay nagising si Justin, nakangiti itog parang aso

 Sa Isip ni Justin

Sabi ko na nga ba at may crush sakin si Gaille, nakita ko syang sumilip sa pinto ko, syempre nag pretend akong tulog, naku kunwari pa syang ayaw nya akong kasama sa bahay kalokohan lang pala iyon, pasilip silip pa… tsk

 Bumangon na si Justin, nakita nya si Gaille na nasa kusina

 Justin: hoy!

Gaille: hoy kadin! Bakit?

Justin: Sya nga pala pano yung sa gawaing bahay?

Gaille: ewan ko

Justin: anong ewan? Sino magluluto?

Gaille: Alam manlang ipagluto kita?

Justin: MWF ako, ikaw TTHS pag Sunday naman uuwi tayo ng Province

Gaille: Hindi ako marunong magluto (namumula nitong sinabi)

Justin: Ano? Kababae mong tao hindi ka marunong?

Gaille: Hotdog marunong! Turuan mo nalang ako magsaing

Justin: ano bayan! Ayokong magtae dahil puro hot dog papakain mo sakin

Gaille: aba! Edi magluto ka ng sayo! Mag oorder ako ng food ko!

Justin: Hindi pwedeng ganun! Dapat pala isinama mo si aling Lourdes

Gaille: ano magagawa ko eh sa hindi ako marunong eh

Justin: ok pag breakfast ako na bahala, pag lunch naman sa school tayo non kaya pag dinner kanya kanya ok?

Gaille: bahala ka

Justin: hindi pwedeng bahala ka! magalit pa sakin parents mo dahil di kita inaasikaso

Gaille: i don't need a babysitter

Justin: ewan ko sayo

Gaille: ano ba lulutuin mo ngayon?

Justin: wow ha kala ko ba wala kang pakialam?

Gaille: eh joke lang yun

Justin: may food sa ref para sa dinner niluto ni mommy, initin nalang daw natin

Gaille: beef steak yun no?

Justin: alam mo naman pala tinatanong mo pa

Gaille: hind ah! hula lang, yun kasi madalas mong baon nung elememtary

Justin: malamang favorite ko yun

Gaille: i know!

 Lumipas ang ilang oras, naghanda na ng hapunan si Justin, ininit nya na ang beef steak. Nang matapos maghanda ng hapunan ay tinawag nya si Gaille para kumain, sumigaw nalang ito mula sa kusina dahil ayaw nyang puntahan si Gaille

GROW OLD WITH YOU (iLoveYouSinceWeWereYoung)-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon