CHAPTER 12: APARTMENT

66 0 0
                                    

Lumipas ang isang buwan at linggo, Matatapos na ang bakasyon, Abala sa paghahanap ng Apartment si Alice at Helga para sa titirahan ng kanilang mga anak, nais nilang magkatabi ang mga apartment ng mga ito lalo’t iisa lang ang school na papasukan ni Justin at Gaille, hindi man sangayon si Gaille ay wala syang magawa sapagkat ang Mommy at daddy nya ang masusunod, naiinis padin sya pag naiisip nyang makikita nya parin si Justin hanggang Kolehiyo, nawala tuloy ang excitement nya.

Nang makakita ng magandang apartment bumyahe sina Gaille kasama ang kanyang mga magulang, ganun din si Alice at Justin sakay ng revo nila Gaille.Pagdating sa apartment ay nalaman nila na isa nalang ang natitirang bakanteng apartment na may 2 kwarto, maganda ang kusina, salah at may malaking banyo. Wala na silang ibang magawa kundi ang magdisisyon na pagsamahin sila sa iisang bubong, dahil ito ang pinakamalapit at safe na lugar para sa dalawa. Ito kasi ay nasa loob ng isang subdivision, hindi basta basta makakapasok ang sino man sapagkat 24 hours may bantay ang gate at mahigpit ito. Kaya kampante ang mga magulang ng dalawa na magiging maayos at ligtas sila doon.

Gilbert: Basta manang sabi nyo 3 buwan lang ay aalis na ang nangungupahan sa isang apartment na ito.

Manang: opo sir, mero’t mayroong mababakanteng apartment dito

Gilbert: mabuti naman, kasi dalaga na itong anak ko baka hindi sya komportable

Gaille: daddy hanap nalang tayo ng iba, pangit po kasi dalaga na ako.

Gilbert: wala na honey eh! Nahuli kasi tayo ng luwas, sa dami ng studyante sa Pilipinas ay na okupahan na ang mga apartment, pasalamat nga tayo at may natirang isa na 15 minutes byahe papauntang school.

Justin: tito, ok lang naman po siguro tutal 3 buwan lang naman tsaka sisiguraduhin ko pong safe si Gaille dito at magiging ok sya lagi.

Gilbert: sige Justin, usapang lalaki ha?

Alice: basta Justin at Gaille pag magkasama na kayo dito wag na kayo magtalo malalaki na kayo.

Gaille: tita hindi ko po pinapangako iyan

Helga: sige na manang babayaran na po namin ito at next week dadalhin na namin mga gamit ng mga bata at kukunin na din namin ang mga susi ng kwarto nila.

Manang: ah sige po!

 Bago umalis ang mag-anak sa apartment ay naayos na nila ang mga dapat ayusin, nagustuhan ni Gaille ang apartment dahil pwede silang hindi magkita ni Justin dahil napakalaki at maraming harang sa pagitan ng kanilang mga silid.

Sa bahay ng mga Santos

 Gaille: daddy basta 3 months lang ako magstay sa apartment nayun ha?

Gilbert: sana nga mas mapaaga pa doon eh, may tiwala naman ako kay Justin ang problema ko eh pano kung malasing sya diba?

Helga: daddy are you out of your mind? si Jusitin walang bisyo aside from that kaya na ni Gaille ipagtanggol sarili nya, at mabait na bata si Justin

Gilbert: Mommy, of course babae anak natin dapat nakakasiguro tayong ok sya

Gaille: tama

Helga: I know, basta andyan si Justin kampante ako

Gilbert: Basta 3 months lang tiis honey

Gaille: ok po dad

Matapos iyon ay bumyahe na sila pauwi ng Nueva Ecija

 Sa isip ni Justin

Nakakainis ng konti si tito, wala naman akong balak bastusin o patusin si Gaille, wala nga akong alam sa mga ganyan, isa pa anong masama sa lalaki at babae sa iisang bubong? Wala naman kameng relasyon kundi magkaaway! Tsaka feeling naman ni Gaille! Hay naku nakakainis ano ba kasi itong desisyong nagawa ko, hindi ko rin alam kung bakit ko ipinilit ang sarili ko sa course na hindi ko gusto. Makatulog na nga nakakapagod ang byahe.

Sa isip ni Gaille

Are we really destined to grow old together? Erase! Erase! None sense bakit ko yun naisip? Nakakasuka isipin yun at sana hindi yon totoo, ang plastic talaga ni Justin “tito, ok lang naman po siguro tutal 3 buwan lang naman tsaka sisiguraduhin ko pong safe si Gaille dito at magiging ok sya lagi.” Yan pa sinabi nya kay dad para namang hindi ko sya kilala! Kakapikon!

Paglipas ng Isang Linggo ay lumuwas na sa Manila ulit ang Diaz at Santos family dala-dala ang gamit ng mga ito

Gilbert: I’m sorry honey kelangan din namin umuwi agad cause I have a meeting at 3pm

Gaille: It’s ok daddy I understand ang mahalaga kayo po naghatid sakin ngayon

Helga: oh basta anak tawag ka pag may Problema ok?

Gaille: yes mommy

Helga: Justin ikaw na bahala kay Gaille, may tiwala ako sayo

Justin: yes tita

Gilbert: Justin, tawag ka pag may problema kayo ni Gaille

Justin: opo tito

Alice: oh anak, wag pasaway, aalis na kami! I love you son

Justin: I love you too ma

Helga: alis na kami Honey. I love you

Gaille: I love you too mom, I love you dad

Gilbert: I love you too honey

Tuluyan na ngang nagpaalam ang kanilang mga magulang, nalungkot agad si Gaille dahil mamimiss nya ang mommy at daddy nya pati si Gigi at Peachie, dire-diretso sya sa kwarto nya at nilock ito.

 Justin: Grasya! (kumakatok)

Gaille: what?

Justin: we have to talk about sa gawaing bahay

Gaille: (binuksan ang pinto) pagod pa ako eh, hindi kaba napapagod ha?

Justin: excuse me ikaw babae dapat nga ikaw nag seset nito

Gaille: tutulog muna ako, mamaya natin pag usapan kakatapos lang natin maglunch

Justin: ok (sabay alis)

 Sa isip ni Gaille

Wow! Ang iksi ata ng asaran naming ngayon! Baka pagod din ang mokong, haizt sleep na muna ako para makapagligpit mamayang hapon.

 Natulog muna si Gaille nag alarm sya ng 3pm para makag ligpit mamaya

GROW OLD WITH YOU (iLoveYouSinceWeWereYoung)-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon