“Inayyy waggg pooo!” Nagmamakaawang sigaw ni Lucifer Park habang umiiyak. Wala ng ibang magawa ang kangyang ina kundi punasan ang luha ng anak.
“Magpakalalake ka na anak.” Mas lalung naluha si Lucifer dahil sa binitawang salita ng kanyang ina.
*Blagggg!!*
Natigil sa pag-iyak si Lucifer dahil sa ingay na iyun, may nagbukas ng pintuan with matching dabug pa, nalingun doon ang mag-ina at niluwal doon ang seaman na ama ni Lucifer.
“i-itay.” Halus pabulong na saad ni Lucifer sabay punas sa luha niya. “TOTOO BA ANG NABALITAAN KO?!” Galit na tanong ng Ama nagtinginan ang mag-ina, at tsaka tumango si Lucifer bilang sagut.
Napapikit si Lucifer dahil panigurado siyang bubugbugin o pagbubuhatan siya ng kamay ng ama. Pero sa limang Segundo na pagpapapikit niya ay wala siyang naramdaman na suntok o sakit. Dahan dahan niya minulat ang mata niya at laking gulat nalang niya na akmang tatalun na ang ama nito dahil sa saya.
“YESSS!! LALAKI NA ANG ANAK KO!” Tuwang tuwa na sigaw ng ama, nagtatalun pa nga ito. Napaface palm na lang si Lucifer at tsaka siya umiyak ng umiyak.
“Itay naman! Waggg poo, ayokong magpakasal!” nagmamakaawang sigaw ni Lucifer tsaka siya lumuhod at niyakap ang tuhod ng ama.
“LUCIFER PARK! Ang pagbabakla mo ay pinalagpas ko! Pero ito! HINDE!” Sigaw ng ama tsaka naglakad palayo pero si Lucifer ay pilit niyayakap ang paa ng ama at kinakaladkad na niya ito.
“Bitawan mo ko!” Sigaw ng ama pero ayaw talaga ni Lucifer.
Sa kabilang daku naman...