She Will Be Loved

2.9K 66 35
                                    


"Good one, Ricel!" Napabuntong hininga na lang ako. Sa wakas natapos din.

     "Thank you everyone. Pack up na. Magkita-kita na lang ulit tayo next week!" Masiglang sabi ng aming direktor saka ito humarap sa sariling assistant. Para itong hindi nauubusan ng energy. Akala mo, araw-araw nakalaklak ng enervon.

     Dumiretso naman ako sa naatasang kumuha ng litrato ko.

     "Okay lang ba?" Tanong ko dito habang tinitingnan ang aking mga kuha.
  
     He chuckled. "Tinanong mo pa talaga? Wala ka talagang bilib sa sarili 'no?" He smirked. "Don't worry. I'll send you some of your photos. Para naman madagdagan iyang self-confidence mo."

     Ngumuso ako. "Dapat lang. 'Wag kang talkshit."

     "Oo na." Humalakhak ito. Nagpaalam na rin ako na magbibihis na upang makauwi.

Papasok na sana ako sa elevator nang bumukas ito ngunit muntik pa akong matumba nang biglang lumiko sa direksyon ko ang taong lumabas mula dito. Hinawi pa ako nito at walang pagdadalawang-isip na nilagpasan.

     "Sandali." Mabilis ko itong hinarap. I clenched my fists as I came face-to-face with another bitch. Like me.

     She smirked. "Look who's here." And eyed me from head to toe.

     "Wala ka na bang mas bagong linya? Laos na iyan eh... Parang ikaw."

     Take that!

     Pinanood ko siyang kulang na lang ay mahulog na sa sahig ang panga at 'di makapaniwalang nakatitig sa akin. Satisfied with her reaction, I smirked.

     Nagkunwari pa itong tumatawa nang may mapadaang staff sa kinaroroonan namin.

     "And you actually have the guts to talk like that?! Pagkatapos mong ilagay ang pangalan ng kumpanya sa kahihiyan?"

     That's just one mistake. I don't even know if that would be called a mistake kapag nalaman nila ang totoong nangyari.

     Sa industriyang ito, kailangan mong makibagay. Hindi sila ang mag-a-adjust, kundi ikaw. Ikaw ang makikisama. To obey is a must. Ikaw ang titingalain ng mga humahanga sa iyo, pero mayroon ka ding titingalaing mas mataas pa sa iyo. Kung kailangang kumapit sa mas may pangalan, kakapit. Let them hold you back and they'll lead you on top. Lead them and you'll be held back.

     "Walang perpekto sa mundong ito. Lahat may diperensiya. Kailangan ng dumi, para maging balanse. At sa kumpanyang ito... Ikaw ang dumi."

     "Ito?" She gestured to the whole place. "Ito lang ang mayroon ka. Know your place."

     "Lumaki ka sa lansangan." She grimaced. "At nang makaalis ka naman, nanlilimos ka pa rin ng pera ng iba. Ng tira-tira. Wala kang maipagmamalaki. Ni katiting. You're nothing but a piece of dust."

     Kagat ang dila at pigil ang hininga ko siyang tiningnan habang pilit ring isinasantabi ang umiinit at humahapdi nang mga mata. Bahagya rin akong kumurap-kurap upang 'di tuluyang mamuo ang taksil kong mga luha. Maging ang pamilyar na kirot sa dibdib ay 'di ko na rin pinansin.

     "One word from me and you'll be out of this company."

     Unti-unti ay nagawa kong ngumiti.

     "Dumi? Kaya pala ako lagi ang napapansin. Laging sa akin nakatutok ang spotlight. Kasi unique. Nag-iisa." Hindi ko na alam kung ano ang naging reaksiyon niya sa sinabi ko dahil agad ko siyang tinalikuran at tuluyang sumakay sa elevator.

     Kasabay ng pagsara nito ang pagkawala ng hanging kanina ko pa pinipigilan. At ang pagsara ng mata kong pagod nang pumigil sa mga tubig na matagal na ring kumakatok upang makadaloy ng malaya.

She Will Be Loved #JFanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon