Textmate

83 1 0
                                    

I wake up early just to greet her.
Once na nakuha mo na ang cellphone number nya start to call her up. Don't be jerk though, limit your call to at least once a week.

text message:

Me: Hi good morning, pretty girl:)

Medyo matagal syang nakapag reply siguro nag iisip pa kong ano ang sasabihin nya.

Sya: good morning din.

Reply nya hanggang sa medyo naging close na kami sa text.
Hindi ko naman minamadali ang ganitong ginagawa ko pinaghihirapan ko din to. Bakit ko ba 'to ginagawa? Iwan basta ako masaya lang.

"Me:Wala naman tayong pasok ngayon diba? pwede ba'kong pumunta dyan sa bahay nyo?"

"Sya:Segi "

Agad akong nag drive sa kanila.
Pagkarating ko sa bahay nila sinalubong agad ako ng mama nya.

"Iho napadalaw ka?" tanong nya sa'kin

"Magandang araw po Tita, wala po kasi akong magawa sa bahay kaya dumalaw na lang ako dito." nag mano pa'ko sa kanya.
"May dinala po akong mga pagkain"

"Naku!! nag abala ka pa. Nakakahiya naman"

'' Tita maliit na bagay lang naman yan"
Agad ko nang dinala ang mga pagkain sa loob ng bahay nila sakto naman na kakababa lang ni L-Yanah.

"Hi" bati ko, ngumiti sya sa'kin

"Ano yang dala mo?"

''Pagkain para sayo"

"Ha? Bakit may pagkain naman kami dito" pfft ganito pala sya pag close muna sya.

"Edi idagdag mo na lang"

"Sus nag abala ka pa"

"So sinasabi mo na ayaw mo?"
kunwaring nalulungkot ako

"Hindi naman."

"Iho nandito ka pala" sabat ng papa nya.
"L-Yanah hindi mo lang ba papaupuin ang bisita mo?"

Nilingon ko sya at nag smile ako at suminyas din syang umupo na'ko.


"Ano palang mga paborito mong pagkain?"


"Kahit ano, pero mas gusto ko yong street foods e"


"Talaga? Hindi pa 'ko nakakain ng mga ganyan e"


"Anak mayaman ka kasi"


"Not like that!! it is just....." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nag salita sya


"Nadudumihan ka"  sabi nya. May point sya, nadudumihan ako. STREET FOODS nga diba?

Hindi ako sumagot kaya tumayo.

"Tara" alok nya



"Saan?" nagtaka ako kong bakit.


"Sa tyangi-tyangi"
Hindi agad ako nakasagot. WHAT ? yuck ayoko.



"Anong gagawin natin?"


"Kakain"


"Pero....."


"Papatunayan ko sayo na hindi madumi."

Hinila na nya 'ko hindi na lang ako pumalag naalala ko pala ang mission ko Let her enjoy every moment of your company by giving in to what she wants.

Dumating na kami, nandidiri talaga ako. Maraming tao, maraming maduduming bata ang nag tatakbuhan, yuck!!!


"Dito tayo" hila nya sa'kin sa may cart.


"Ano to?"


"Hindi mo yan alam? Fishball yan, tikman mo masarap yan" Hindi na'ko nag inarte pa mission ko'to.
Nang tikaman kona.....masarap pa la naman.


"Ano masarap ba?" I just nooded at nag smile din sya ng sobrang lapad.
"Sabi sa'yo e"

Gumala pa kami at pumunta kami sa park. Makikita mo naman na sobrang enjoy nya.
Marami akong kinain na feel ko isusuka kona tulad ng balot at taho. Grabe mababaliw ako.

Gabi na kaming bumalik sa kanila.

"Bukas gala ulit tayo" alok ko sa kanya" Pero ako na naman ang pumili ng lugar...OKAY?"



"Okay" nag thumbs up pa sya bago bumaba.

Mahuhulog ka rin sa 'kin.



THANK YOU!!!! AGAIN

~KOREYANFUNGURL




Breaking a Girl's Heart(one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon