PAALAM

1.3K 43 7
                                    


Minamahal kita, Minahal mo daw ako, pero di ako nagdamot sayo

Binigay ko ang lahat, aking puso't kaluluwa, pero iniwan parin mo ako

Sinabi ko sa aking sarili na hihintayin kita

Pagkumalma ang iyong utak, sana tayo pa

Siguro ako na lang talaga ang nag-iisip at kumakapit

Sa matulis na pangako mong di ka mawawala sakin

Na kahit papano mahal mo pa ang isang katulad ko

Na nagpapakatanga't naghihintay sa pagbabalik mo


Sa loob ng dalawang taon na tayo'y magkasama

Wala akong inisip kundi ikaw lang oh aking sinta

Pero ngayun na iniwan mo na, di ko alam san pupunta

Siguro kaylangan naring makalimot, kahit mahal parin kita


Kahit gusto't pilit kong ibalik, pero sumuko kana

Anong laban ko, sa puso mong matigas na

Kasing tigas ng bato na parang walang pinagsamahan

Siguro ang dalawang taon na lumipas, yun ay sapat na.

PAALAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon