Planet 2.3: Di tayo Bati!

331 15 0
                                    

Kinaumagahan, maaga akong magising. Lumabas ako para pag cr. pero ang señorito, naka-upo sa couch nanunuod ng tv.

"Good morning" - bati nya saken

Wow ha. Lakas ng loob batiin akong good morning. Samantalang wala namang good! Pagkatapos nya akong pagsalitaan ng masakit? Di ko nga sya pinansin.

"Gusto ko sana ng ginisang corned beef. Ipagluto mo nga ako." Request nya..

Syempre ako, kahit anong galit ko kailangan ko syang sundin dahil Maid parin nya ako.

"Ok po sir." Inis kong sabi.

Pumunta ako sa kusina para maghiwa ng sibuyas at bawang habang naiisip ko yung sinabi nya sakin, naiinis ako.

"Aray!" - nahiwa ako ng kutsilyo. Matalim pa naman tong kutsilyo nila.

Tumakbo naman si Luhan papalapit sakin.

"Uy anong nangyari? Masakit ba? Patingin nga!!"

"Wag mo nga akong hawakan!!" pumiglas ako sa pagkahawak nya sakin, tapos tumakbo ako papuntang kwarto ko ng umiiyak. Masakit kasi ang sugat ko, pati narin yung puso ko dahil siguro dun sa sinabi sakin ni Luhan,

Luhan's POV..

Oo nga pala. Kaya pala sya galit sakin dahil sa sinabi ko sa kanya kagabi. Bakit ko nga ba nasabi sa kanya yun? Yung word na malandi? Wala nga naman talagang malandi sa hawak balikat at harutan pero iba kasi yung naiisip ko. Yung ano, hay. Basta alam nyo na yun. Ibang iba sya ngayon di katulad ng mga nakaraang araw. Dati kasi, makulit, maingay, saka nakangiti. Eh ngayon, tahimik, masungit at nakasimangot. Parang napakalaking bagay yung nawala sa kanya dahil lang sa sinabi ko sa kanya. Ayoko namang magsorry. Ayos ha -_-

Tumawag naman si Baekhyun. Anu namang kailangan nito? Sa tuwing tumatawag kasi to. May irerequest. Tss

"Hyung, si Jaehee?" - baek

"Ewan ko. Hanapan ba ako ni Jaehee"

"Ang cute nya no? Kahit medyo childish at madaldal." - baek

"Hindi ko hinihingi opinyon mo" pinatay ko na yung cellphone. Asar na ako ha.

Teka. Parang ang tagal na nyang di lumalabas ha? Katukin ko na kaya? Kaya lang di naman ako nun pagbubuksan. Kasi nga diba. Galit sya. Bakit ko ba kasi nasabi yun?

Pero ang tagal na talaga nyang di lumalabas eh. Mga 2 hours na.. Haha.. Eto na talaga. Kakatukin ko na.

"Ahm, Jaehee.. Okay ka lang?" tanong ko pero parang wala.

"Jaehee. Huy. Okay ka lang ba?"

"Jaehee Choi? Anong nangyayari sayo dyan?" Teka. nakalock kwarto nya nakakapanibago.

Pumunta ako sa may drawer sa sala. Para kunin yung susi ng kwarto nya. Parang kinakabahan ako ah.

Binuksan ko na yung pinto at yun lang naman pala sya. Nakaupo sa kama. Nilapitan ko sya. At nagsosorry ako wow lu. Ngayon ka lang nagsorry sa babae ha.

"Ah, Jaehee. Okay ka lang?" Tanong ko sakanya. Tulala kasi sya eh. Nakakapanibago talaga.

"Muka ba akong okay?" Pabulong nyang sagot.

"Sssorry dun sa nasabi ko sayo kagabi. Nabigla lang ako" ayana ha. Nagsorry na ako.

"Lu Han pinanganak ka April 20, 178cm ang height mo depende nalang kung tumangkad ka O ang blood type mo. Hometown mo sa Haidian, Beijing. Mahilig ka sa animation, art, video games, computers, water sports, racket sports, nature sports, basketball, baseball, football, music, television, travel, singing, soccer at magaling ka mag rubics cube diba?" Bulong nyang sagot.

UNREACHABLE [EXO FanFiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon