Kabanata 1

896 11 0
                                        


Kabanata 1

British Point Of View

"British, Please talk to me." Pilit saakin ni Joshua na makapag-usap sa kanya. Hindi ko parin sya pinapansin at diretso lang ako sa paglalakad sa may Hallway ng University, at halos lahat nang nakatambay na Estudyante dito sa Hallway na ito ay nakatingin na saaming dalawa.

"British Scharvin. " Napahinto ako sa paglalakad ng tawagin n'ya ang buong pangalan ko, napatingin ako sa kanya at tinaasan ko s'ya ng kilay. "I'm sorry." Dugtong n'ya. I smirk.

Bumuntong hininga ako at humalukipkip. "Okay. Fine, pero next time wag mo nang gagawin ulit iyon." Sambit ko.

Sumilay ang ngiti ni Joshua at tumakbo ito papunta sa pinopwesto ko rason para yakapin n'ya ko.

"Opo madam, hindi na po." Itinulak ko sya sa pagkakayakap n'ya saakin.

"Libre moko." Yan ang lumabas sa bibig ko.

"Porke't nagkabati tayo British, lilibre kita? Kiss ko muna." Aakmang ilalapit n'ya ang mukha nya saakin para magkiss kami. Kaya itinuro ko ang hintuturo ko sa mukha nya.

"Subukan mo Joshua.. Subukan mo." Banta ko sa kanya, agad n'yang inilayo ang mukha nya sa mukha ko at humalakhak ito.

"Joke lang." Sambit nya. Tinarayan ko nalang s'ya. Aalis na dapat ako, ngunit hinawakan nya ang braso ko. "Lilibre na nga kita eh." Bulong n'ya sa tenga ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko ngayon dahil sa ginawa n'ya. Para bang may kuryenteng hindi ko mawari sa katawan ko... Sinukli ko ang ngiti ko at nagsimula na kaming maglakad.

( Canteen )

Hinihintay ko si Joshua dito sa kinauupuan ko ngayon. S'ya na kasi ang nag order nang makakain namin ngayon. Dahil naboboringan ako sa pinopwestohan ko ay napagisipan kong magfacebook nalang.. Inopen ko 'yung messanger ko na 5 Messange na galing kay Akira.

2:40 PM

Akira Velasquez: Hoy British, Asan ka?

Akira Velasquez: Hoy chat back, hinahanap ka ni Lola Faye.

Akira Velasquez: Punta ka dito sa bahay ng 5:00 Pm.😊 labas mo naman sa school diba? 4:30? Daan ka muna daw dito.

Akira Velasquez: Huwag kang paasa ah?😂

Akira Velasquez: Dala ka pa lang foods HAHAHAHAHA😂 Joke.

British Scharvin: Oo na, magdadala na ako ng pizza dyan mamaya. Lol! Andyan pala si lola faye? Bakit hindi ko alam? Kailan pa?

✔Seen by Akira Velasquez

Akira Velasquez: Kanina lang sya andito. Eh? Ikaw nga unang hinahanap eh.

--

Hindi ko na balak ireply si Akira nang dumating na si Joshua na may dalang pagkain... Nang mailapag na ni Joshua 'yung pagkain sa harap ng lamesa ko ay inilagay ko narin naman 'yung cellphone ko sa bag ko.

"Thankyou." Pacute ko kay joshua.

"Welcome madam cute." Sabay pisil nya sa pisngi ko at umupo na sya.

Hindi na namin balak magsalitang dalawa pa dahil nasa harap kami ng pagkain. Maging ang kutsara at tinidor lang ang maingay...

"Sama ka?" Basag ko sa katahimikan naming dalawa ng bigla akong nagtanong.

Kumunot ang noo n'ya, sumubo muna ito ng pagkain sa bunganga nya bago ito makapagsalita. "Saan?"

"Sa bahay nila tita Brianna. Andon daw ngayon si lola eh, gusto mo pakilala kita sa kanya?" Tanong ko kay Joshua.

ILOVEYOU Since RPWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon