Kabanata 2

321 5 0
                                    

Kabanata 2

British Point Of View

"Tita Brianna?" Tawag ko sa labas ng bahay nila tita brianna. Pagbukas ng pinto ay agad bumungad saakin si Akira na naka poker face.

"Here's your order." Itinaas ko ang pizza na hawak ko sa kanang kamay ko, ngumiti naman si Akira na nakatingin sa Pizza na hawak ko.

"Teka?! Asan na si Joshua?" Sambit nito saakin, habang hinahanap n'ya si Joshua sa likod ko.

"Hindi ko s'ya kasama, may iba na." Inirapan ko s'ya at sinadya kong banggain ang braso n'ya pagpasok ko sa loob ng bahay nila.

"Aw! Hindi pa nga naging kayo may iba na." Napatingin ako sa kanya at kita ko sa mukha n'ya na iniinis n'ya ako.

"Edi magkagirlfriend s'ya, basta kapag nasaktan s'ya huwag s'yang iiyak sakin." Pagtataray ko sa kanya, magsasalita na sana s'ya ng naglakad na ako papunta sa kusina nila. Ramdam kong sumunod din si Akira saakin.

Pagkarating namin sa Sala at Kusina walang akong taong nakita doon. Mag isa lang ba si Akira sa bahay?

Ipinatong ko muna ang pizzang dala dala ko sa lamesa. "Asan na 'yung mga tao dito?" Tanong ko kay Akira na kumukuha na ng platito.

"Si mama kasama si Kysha may bibilhin lang daw sila sa Mall." Sambit nito, tumango naman ako.

"Eh si lola?" Tanong ko kay Akira na nagsimula nang kumuha ng isang pizza at iniligay n'ya iyon sa platito n'ya.

"Nasa kwarto n'ya, kanina ka pa hinahanap." Aniya. Bago ako makapunta sa kwarto ni lola ay kumuha muna ako ng platito namin dalawa at kumuha narin ng Pizza, habang kumukuha ako ay biglang nagsalita si Akira sa harapan ko.

"Alam mo ba sis. Kamukhang- kamukha mo si Lola faye noong dalaga s'ya, mukha kayong pinagbiyak ng arinola." Humalakhak ito sa sinabi n'ya.

"Huh?"

"Tignan mo doon sa kwarto n'ya may picture frame doon na kasama pa si lolo Jasper." Sambit nya.

"Really? Edi ibigsabihin ang ganda namin dalawa?" Sambit ko na agad s'yang umubo. Ang gaga!walang pagsupport.

"Balakadyan." Padabog akong umalis ng kusina at kinuha ko ang dalawang platito na may lamang pizza para saamin dalawa ni lola..

Nang makapasok ako sa Kwarto ni lola ay agad ko s'yang nakitang nakaupo sakanyang kama. Mukhang tama si Akira na kamukha ko si Lola faye noong kadalagaan n'ya.... tumingin s'ya saakin at sumilay ang kanyang ngiti sa kanyang labi. "Ija, buti nakarating ka ng maaga." Sambit nito saakin.

Ngumiti ako at pumunta sa pinopwestuhan n'ya, bali nilagay ko 'yung platito sa harap ng maliit na lamesa ni lola faye. Habang papaupo ako sa tabi n'ya ay nakatitig lang ako sa picture frame na hawak hawak at hinihimas ni lola.... shit? Walang halong biro Xerox copy kaming dalawa. Kamukhang kamukha ko s'ya.

"L-lola? Ako p-po b-bayan?" Nauutal kong sambit sa kanya. Narinig ko ang pag- ngisi n'ya.. ang creppy naman ng lola ko. Huhuhu.

"Ako yan ija.. talagang magkamukha na tayo at parehong maganda." Wika nito saakin, hindi ko ba alam kung joke lang yun or totoo. Pero sabi nila kapag ang matanda ay pinuri ka walang halong biro yun... basta pataas 50 years old.. pero kapag naman pababa ng 50 years old at sinabihan kang maganda... jusko! Kabahan kana.

"Eh? Hahahaha. Ang gwapo pala ng pinangasawa n'yo noh? Si lolo jasper." Sambit ko, namatay si lolo jasper dahil sa Kidney..

"Ang sarap lang balikan noong 2017, hindi ko akalain na 2056 na pala ngayon." Doon ko napansin sa mukha ni lola na gusto na n'yang umiyak..

ILOVEYOU Since RPWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon