Walking apart. (One Shot Story)

37 1 2
                                    

1 year and 11 months. Halos isang buwan na lang 2nd anniversary na natin. Ang dami na nating naging plano para sa magiging future natin. Yung ikaw yung magdedesign ng bahay natin, yung mga mga dream babies natin na ipinangalan natin sa regalo mo sa aking teddy bears.. Yung mga sweet promises mo na forever tayong magsasama...

Bakasyon noon nang magpakilala ka sakin, hindi ko inisip na magkaroon ng good memories na I would never forget and i will always treasure. Nagsimula tayo sa simpleng "Hi" sa text at kahit hindi kita kilala personally, nakipagtext naman ako sayo kasi schoolmates tayo. Noong una, parang wala lang sakin. Kasi kung kilala ka nila, pwes, hindi kita kilala, tanging pangalan mo lang ang naririnig ko at bukod dun, wala na akong alam sayo kaya wala akong pakialam. Pero nang lumaon, nagkasundo naman tayo.

Natatandaan ko pa na sinabi mong nakita mo akong may ginagawang activity sa harap ng classroom nyo at pinagtanong mo ang pangalan at cellphone number ko. Naaala ko pa din noon kung gaano may kaba sa dibdib ko nung sinabi mong "Magpapalipat ako ng section nyo para magkakilala at magkasama tayo." Hindi ko alam ang mararamdaman noon kasi ex-girlfriend mo ang kaibigan ko. Sinabi pa nga sa akin ng kaibigan ko na saktan ka at gantihan kita para sakanya. Pero hindi ko alam kung bakit sa dahilan mo ako naniwala, siguro kasi ang sweet mo na sa akin noon at galing mo talaga mambola. Sanay ka na ata dahil sa dinami-dami mong past relationship, pero nakuha kong magtiwala sayo. Yun ata ang nagiging kahinaan ko pagdating sa pag-ibig, ano mang sabihin ng iba, mas pipiliin kong maniwala sa mahal ko dahil yun ang binitawan mong pangako sa akin. Ganun naman talaga pagdating sa love. Ano man ang naging past ng mahal mo wala kang pakialam doon basta sa kanya ka lang naka-focus, iba talaga ang magic ng pag-ibig.

Dumating ang pasukan at kabado talaga ako at sinabi sa mga kaibigan ko na lilipat ka nga section namin. Oo, kilala ka sa school at madali lang para sayo na pakiusapan ang Principal kasi madami ka na ding binigay na karangalan sa paaralan.

Noong umagang iyon, nakatitig lang ako sa pinto ng classroom at di nagtagal, dumating ka nga. Ni hindi kita sinusulyapan kasi nahihiya ako. Isa kasing simpleng babae, ligawan ba naman ng sabihin na nating, isang Star sa school.

Nagdaan ang maghapon noon na hindi tayo nag-usap dahil sa nahihiya ako sayo. Pagtingin ko, nakita kong may message na galing sayo.

*Message from Geeno:

"Ano ba nman yan, hindi mo man lang ako kinausap. Para nga sayo kaya ako nagpalipat ng section. :("  *

To Geeno:

"Pasensya ka na, nahihiya kasi ako. " reply ko.

E totoo naman kasi, hindi ako yung tipo na sugod agad at go na go. Mahiyain talaga ako. It takes time bago ako maging komportable sa isang tao. Sa una, oo hanggang sulyap lang pero magkatext naman. Natatawa na nga lang ako kapag naaalala ko yun e. Pero lumipas ang mga araw at nakakapag-usap naman na tayo kahit papaano.

Isang hapon nag-stay pa kami nun ng dalawa kong kaibigan sa school kasi kailangan namin tapusin ang homework namin dahil hindi pwedeng iuwi ang libro habang si Geeno ay nagpapractice ng sayaw. Kasali din kasi sya sa Dance Crew ng school. Nang..

1 message from Geeno:

* Papunta ako dyan sa room.*

Syempre ako nagulat ako. Di ako mapakali.

"Shai, ok lang ba itsura ko? Ayos lang ba buhok ko? " sabi ko sa nagsusulat na si Shai, kaibigan ko.

"Oh? Problema mo? Oo sige. Maganda ka na." sabi nyang hindi man lang ako tinitingnan.

"Naku, wag ka maniwala dyan, tingnan mo oh. Ang gulo ng buhok mo. Uso magsuklay te." singit naman ni Gabi.

Dali-dali naman akong tumayo at humarap sa salamin, inayos ko ang buhok ko at naglagay nag kaunting lip balm sa nanunuyo ko nang labi. Inamoy ko rin ang hininga ko. Baka mamaya nakakain pala ako ng sibuyas! Haha! Baka ma-turn off pa. Hah! Asa naman kayo. Hahahaha. Habang busy ang may toyo kong utak...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 12, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Walking apart. (One Shot Story)Where stories live. Discover now