Minsan tinanong ko ang aking sarili
May mga bagay bang maaring manatili?
Lahat ng bagay ay nagbabago
Tila ba'y nawawala sa usoKatulad na lang ng ating pagsasama
kanina lang ay masaya ang natamasa
Ngunit ngayo'y nawalang bahala na lamang
Iniwang parang isang basahang punaglumaan na.Hindi ko alam kung ito ba'y may kapupuntahan
Sa mata kong tila ba'y ayaw tumahan
Tumatangis hanggang ngayon
Hindi makaahon mula sa kahaponNinais kong makahanap ng iba
Ninais kong mawala na siya
Ninais kong makalimot
Ninais kong bumitawNinais ko
Ninais ko,
Ngunit ninais ko lamang ngunit hindi ko magawa
Nakakatawang isiping sa kabila ng kalagayan ko
Patuloy pa ring nakapako
Nakapako sa ala alang patuloy na tumitimo
Sa isipang kong nawala na sa tinoTaon na ang mabilis na lumipas
Ngunit aking pagmamahal ay di pa rin kumukupas
Pinilit kong tumakbo
tumakbo sa ganitong sitwasyonNgunit lagi kong natatagpuan ang aking sariling tumatakbo,.....
Tumatakbo papalapit sayo,
Lahat ng bagay, pati ikaw nagbago na
Ngunit ako ba nasaan na?andito pa rin..
Naghintay
Naghihintay
At maghihintay
Para sayo mahal ko ...