Chapter 1

10 2 2
                                    

Andito ako sa kwarto ko ngayon nakasilip sa bintana habang naka tingin sa langit in short stargazing. Nag iisip ng mga bagay ano kaya ang itsura ng mommy ko o kaya ni daddy ? Baby palang ako wala na akong mga magulang pero thanks to God binigay niya sa akin ang ate ko na walang ginawa kundi tumayo bilang mga magulang ko.

Sabi ni ate namatay daw si mommy pagkapanganak sa akin hindi daw sa kadahilanang may sakit ito o anoman, iniwan daw ni daddy sila nung malaman na nag dadalang tao si mommy pero sa ibang lalaki na sabi naman ni ate ay wala daw katotohanan at yun hindi nakayanan ng aking ina ang depression pero masaya ako kahit saglit nakita niya ako.

12 yrs. old lamang si ate nung isinilang ako wala na kaming ibang kamag anak kaya nagsumikap mag trabaho si ate habang siya ay nag aaral, 7 yrs. old na ako ng makatapos siya hindi rin niya nagamit ang kurso niya na pagiging nurse dahil madaming mas magaling sa kanya, wala siyang nagawa kundi mag hanap ng ibang trabaho naging freelance model siya hanggang sa naging professional model kaya ito kami ngayon nakaka raos sa buhay and thanks to her.

"Yeye! ano naman iniisp mo ? tara na kakain na" si ate talaga di na nagbago yun pa rin tawag sa akin

"Ate hindi na ako bata Junior student na nga ako yeye pa rin?" Kontra ko kay ate

"Nako AYESHA LEINNE DE SILVA oh ayan buo pa tara na at bawal paghintayin ang grasya magagalit si God" oho pati si God dinamay pa

"Oo na sige na eto na nga naglalakad na oh" hinila na niya ako papuntang kusina 

Ang sarap sa feeling na sabay na naman kaming kakain kasi kadalasan ako lang mag isa dahil nga busy ang ate sa trabaho niya, kami na nga lang dalawa ang magkaramay tapos minsan lang kami mag kasabay sa pag kain. Paano kaya kung buhay pa sila mommy at daddy ? siguro masaya kami ngayon at hindi nahihirapan ang ate.

"Hoyy Yeye! nag daydream ka na naman dyan kumain ka na nga lang nako kaya ka pumapayat oh tugnan mo di ka na sexy payatot ka na" nagising na lang ako sa realidad dahil sa mga sinabi niya.

"Ate naman si-" 

"Oo na sige Ayesha kumain ka na lang dami pa sinasabi" ang kulit talaga niya

Si ate lang kilala kong tao oo tama kayo ng nabasa hindi ako mahilig sa pakikipag socialize natuto akong kay ate lang nakatuon ang lahat ng atensyon ko dahil naniniwala akong ang mga kaibigan ay nawawala din yan pero si ate hindi lagi lang siyang nandito para sa akin.

"Ate Ayrish ako na dyan ikaw na nga nagluto kanina eh" nakikipagtalo ako ngayon kay ate sa paghugas ng pinagkainan kakatapos lang namin kumain ang kaso ayaw niya siya na lang daw pero syempre mapilit ako.

"Hay nako mag aral ka na lang sa kwarto mo ako na dito wag mo ng intindihin pa to" tutol niya na naman

"Ate bakasyon ngayon anong pag aaralan ko ? ako na pleaseeeee?" Nakalimutan ata ni ateng bakasyon ngayon at next week pa ang pasukan

"Nextweek na pasukan niyo kaya dapat kahit konting background about sa lessons niyo ngayong junior year may alam kana" ayaw niya talaga magpatalo

"osige na nga pero bukas ako naman wah goodnight ate iloveyou" at ayun dumeretso na ako sa kwarto ko may sarili kaming kwarto dahil medyo malaki naman yung bahay na nabili ni ate.

Hindi naman ako nag review ng mga lessons dahil alam ko na yan halos araw araw yan lang ata ginawa ko ang magbasa dahil wala naman akong ibang mapaglilibangan. 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Add niyo si Ayesha sa fb nasa gilid yung link :)

Long Lost LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon