Boy in Love

866 15 17
                                    

Kanina pa ako naglalakad sa walang katapusang hallway na to but still no sign of him. Tsk.

Bakit ko nga ba siya hinahanap eh pag kaharap ko naman siya palagi lang akong nakayuko?

Ayun, nakita ko na siya. Shete ang gwapo niya talaga.

Bakit ba ang hot niya pa ring tingnan kahit uniform lang naman ang suot niya? Hay

Agad naman akong yumuko at pumunta sa gilid ng corridor para paraanin sila pero kahit nasa pinakadulo na ako, nabangga ko pa rin siya.

Wait, no!

Siya ang nakabangga sa akin eh.

"Tsk" yun lang yung sinabi niya at nagpatuloy nang maglakad.

Kung itatanong niyo kung bakit kahit nasa pinakagilid na ng corridor eh nabangga pa rin niya ako, eh kasi may kasama pa siyang anim.

Bale pito silang naglalakad at kung makaangkin naman ng corridor akala mo bulldozer sa dami ng space ng ino-occupy.

Inayos ko muna yung sarili ko bago maglakad ulit.

"HI!" ^_^V nagulat ako sa isang babaeng lumapit sakin at binati ako ng hi.

Hmm. Ano bang irereply ko dito? Hi? Hello? H3770 pho3eszs?

Seriously, she's freaking me out. Ang lapad lapad ng ngiti niya at para bang lahat ng kasiyahan sa mundo ay napunta sa kanya.

"H-hi" nag-aalangan kong sagot.

"Kilala mo ba yun?" sabay turo niya dun sa pitong lalaking kakadaan pa lang. Specifically, ang tinuturo niya ay si John, yung nakabangga sa akin.

"S-sino? Si John?"

"OMG! Kilala mo siya?!" halata kong pinipigilan niya yung kilig niya. Tss. Sayang ang ganda niya pa naman pero ang weird niya.

Teka, baka may gusto rin to kay John? No! No way! John is mine!

Hay ang possessive ko naman nang wala sa lugar.

"Tara, canteen tayo. Lilibre kita" bago pa man ako nakareply sa tanong niya hinila niya na ako.

Okay naman pala siya. Sa totoo lang nakakatibo talaga siya. Ang ganda niya, she looks perfect.

Hay. Kung may gusto man siya kay John, wala na akong panama sa kanya. Sa kanya palang talbog na ako eh.

Hindi pala siya weird, I guess? Friendly lang talaga siya at ang gaan nga agad ng pakiramdam ko sa kanya kaya nagshare na ako ng mga secrets ko sa kanya.

Pinag-usapan lang namin buong recess yung ideal guy namin at pinagchismisan na rin namin yung grupo ni John. Parang andami niya ngang alam eh.

***

Uwian na kaya agad akong pumunta ng bus terminal. Maaga talaga akong umuuwi sa bahay (except kung manonood ako sa basketball practice nila John)

Pagkasakay ko ng bus, umupo agad ako sa pandalawahang tao. Sinaksak ko agad ang earphones ko sa ilong ko pero syempre joke lang. Kaya nga earphones diba? Malamang sa bibig ko nilagay.

Joke ulit. Hay. May topak talaga ako pansin niyo ba? Bahala na kayo kung saan niyo man gustong ilagay yung earphones niyo basta sa tenga ko nilagay.

Punuan ang mga sasakyan ngayon dahil ewan. Malay ko kung anong okasyon ang meron ngayon. Mukha ba akong trivia reporter? Masyado na naman kayong bilib sa pagnanarrate ko eh.

Basta punuan ngayon kaya agad ding may umupo sa tabi ko. Matangkad, maputi, mabango, at higit sa lahat, gwapo.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kung matutuwa ba ako dahil si John ang nakatabi ko. Kung matatakot ba ako dahil baka bangga-banggain niya ako habang magkatabi kami (ang weird nito kung sakali, just imagine). O kung mahihiya ba ako na usual ko namang reaksyon pag nandyan siya.

Boy in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon