Tips and Easy Steps on How to Download Watty App in Your Phone

8.2K 25 31
                                    

Author's Note: 'Di ko po alam kung pwede yung mga steps sa isusulat ko sa baba ay compatible  sa ilang units ng cellphones. Nevertheless, sana makatulong ito sa inyo! ^_~

A. TIPS

1. For Globe/TM users, make sure na wala kayong load kasi kakainin lang 'yan pag nag-surf na kayo sa phone niyo. Sa Smart users, dapat may balance kayong piso. Pero sa Sun, pasensya na po dahil 'di ko po alam. Pero i-try niyo na rin na walang load or piso. Haha.

2. For Globe users, gamitin niyo yung myGlobe CONNECT as your access point name (APN) para mas mabilis. Pero yung ibang phone kasi walang nakalagay na myGlobe CONNECT so kailangan niyo siyang i-install chuchu. Eo 'yung site para sa mga wala no'n: http://xaeron.net/x2/topic-25137-1-myglobe-connect-settings.html

a. Sa Nokia users, mahahanap niyo 'yun sa Configurations niyo.

b. Sa my│phone and Cherry Mobile users, mahahanap niyo 'yun sa Settings ng Internet Service niyo. Paalala lang, pag pinatay niyo kasi 'yung phone niyo mababalik yung APN niyo sa myGlobe WAP. Kaya i-check niyo muna bago kayo mag-surf.

c. Sa iba, pasensya na at 'di ko alam kung sa'n makikita. Pero kung mabilis naman 'yung pag-access niyo without using myGlobe CONNECT e wag na natin pahirapan sarili natin. Haha.

3. Pag sobrang bagal i-process ng phone niyo yung kinlick niyo, go to Options at hanapin niyo 'yung Clear Cache. Tadtarin niyo ng click kung mabagal pa rin. Haha.

B. STEPS

1. Input this address sa address box niyo: m.wattpad.com. And then, mag-explore na kayo ng mga stories or compilations na gusto niyong ma-download sa phone niyo. Just type it sa Find. Natural. Haha.

2. If nakapili na kayo ng story niyo  and andun na kayo mismo. Basta! Alam niyo na 'yung ibig kong sabihin, haha, hanapin niyo yung read offline. Naka-underline po 'yan at iba ang text color.

a. For my│phone and Cherry Mobile users, 'yung una niyong makikita sa screen pagka-click niyo ng read offline ay ganito:

   Select your phone type

   Java (MIDP 2)

   Java (MIDP 1)

   Blackberry

   Blackberry Storm/Torch

   See other parts

Rinerecommend ko po na piliin niyo 'yung Java (MIDP 2) kasi mas maganda 'yun. Haha. Pero 'yung ibang unit at storya kasi ay di compatible 'yang MIDP 2 kaya no choice tayo kundi MIDP 1 'yung piliin.

Yung Blackberry at Blackberry Strom/Torch, epal lang po 'yan. 'Di, joke lang. 'Di ko po alam e. 'Di kasi kami richnesses. Haha. Tapos 'yung See other parts naman, i-explore niyo nalang! Matatalino naman kayo e! Haha.

b. For Nokia users, eto naman 'yung unang lalabas sa screen niyo at eto na rin 'yung pangalawang lalabas sa screen for my│phone at Cherry Mobile users:

  Choose a file size and download

  128kb│Full

  64kb│Part 1│ Part 2

  See other parts

As you can see, may ibang categories din 'yung pagda-download. Depende 'yun kung gano ito kalaki. Pero 'yung iba lalabas nalang e Full (karaniwan ito sa per Chapter ang pag-downoad o yung mga one-shot short stories) at wala na 'yung mga pagpipilian tulad ng nasa itaas.

3. Pagkapili niyo, lalabas na sa screen niyo kung ok daw bang i-download o kung anong kaechosan. Basta! Haha. Yes lang kasi ako ng yes. Lol. Hmm, bale ito na 'yung last step kasi dina-download na nito yung Chapter o Compilation o One-shot sa phone niyo.

a. For Nokia users, makikita niyo 'yung dinownload niyo sa Games.

b. For my│phone and Cherry Mobile users, sa Java Games naman.

C. OTHERS

1. Kung 'yung phone niyo ay tulad ng Nokia Xpress Music na walang Input Address or something na pwedeng ilagay 'yung mga addresses at may Bluetooth ay kayang-kaya niyo parin i-download and Wattpad App sa phone niyo.

a. Magahanap lang kayo ng pwedeng i-send via Bluetooth 'yung address ng Wattpad sa phone niyo.

b. Pagka-send ng Bookmark, i-Go To niyo at i-Add Bookmark niyo na para di na kayo mahirapan pa.

That's all for now. Enjoy reading! b(^o^)d

 And please, refrain asking questions na obvious naman ang sagot. Thanks! :)

- Vee.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tips and Easy Steps on How to Download Watty App in Your PhoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon