Itong tulang 'to ay ginawa ko pa nung first year high school ako para sa isang filipino project. Haha wala lang, share ko lang po. =)))
____________________________________________________________________
Mahiwagang edukasyon
Nagbibigay impormasyon
Upang matapos ang misyon
At maabot ang ambisyon
Ito ay pahalagahan
Nagbibigay kaalaman
Pumapasok sa isipan
Tulong sa pangangailangan
Solusyon sa kahirapan
Susi sa kinabukasan
At tungo sa kaunlaran
Tagumpay ay makakamtan
Ito ay tanging pamana
Ng ating ama at ina
Bigay ng Poong Maykapal
Dapat ay minamahal
BINABASA MO ANG
~ MGA TULA ~
PoesíaTrip ko lang gumawa ng mga tula. Andami-dami ko lang kasing nagagawang tula sa isip ko kapag walang magawa. Kaya ito, share ko lang para mabawasan yung mga iniisip ko. Haha XD