Isang babae ang palinga linga sa kanyang paligid, hindi pa siya pamilyar sa lugar na ito. Kakadating niya lang galing Manila. Isa siyang magandang dilag na nag eedad ng labing pitong taon siya ay si Karellyne Madrigal. Pinadala siya ng kanyang magulang sa probinsya nila sa Villa Trael dahil sa ugali nitong hindi mo maiintindihan. Diring diri siya habang inaaral ang lugar. Matatawag mo talagang probinsya ito dahil sa lugar na ito puro puno ng tubo lang ang makikita mo at sa di kalayuan may makikitang parang isang compound, doon makikita mo ang mahigit sampung bahay. Di niya inaakala na kaya siyang itapon ng kanyang magulang sa lugar na ito. Mayaman sila dahil meron silang naglalakihan at sikat na companya idagdag mo pa ang malawak na taniman ng tubo, palay, at mga prutas sa Villa Trael. Nagiisa lamang siyang anak kaya kung maka asta ay ganun.
"Karellyne tara na at makapag pahinga na tayo, balita ko madaming niluto yung lola mo para sa pagdating natin" pagaanyaya ng kanyang tiyahin na galing rin sa Manila, pero babalik rin ito sa Manila pagkalipas ng ilang araw dahil aasikasuhin pa nito ang kaniyang negosyo doon."My God tita! I don't want to live here! Di ko kakayanin! And see... Yung daan nakakadiri!"
maarteng pagmaktol niya sabay turo niya sa daan na maputik." Stop acting like a brat Karellyne, matanda kana kaya kailangan mong matuto... Kaya bitbitin mo na yang mga gamit mo" utos ng kanyang tiyahin sabay talikod at naglakad patungo sa compound.
"Tita! Help me with my stuff please"
"Bring your own stuff." sagot ng kanyang tiya saka pinagpatuloy ang paglalakad.
"My god! I can't carry all of my stuffs! It's so heavy! Aarrgggh!"
Iritang irita na ang kanyang mukha.
"Kailangan mo ba ng tulong ko binibini?" gulat na gulat siyang napatingin sa lalaking sumulpot na parang kabute sa gilid niya.
"What the hell is wrong with you?! Are you crazy?! My god! Aatakihin ata ako sa puso dahil sayo!" sigaw niya dahil sa gulat. Ngumiti lamang sa kanya ang lalaki.
"Pasensya na miss di ko sinasadyang magulat ka, ako nga pala si Cristian..." sabay lahad ng kamay nito sa kanya pero di nito tinanggap sa halip inirapan niya pa ito, isang matipunong lalaki si Cristian, may angking ka gwapuhan rin ito.
"...ahmmm, tulungan na kita sa mga gamit mo miss?" tinignan siya ni Karellyne.
"Oh sige! Ikaw na mag dala ng lahat ng yan, kaya mo naman diba? Don't worry babayaran kita." saka siya nag umpisang naglakad.
Di inaakala ni Cristian na ganyan ka sahol ang ugali ng babae, parang minaliit nito ang pagkatao niya. Binitbit na nito ang gamit ng babae. Ng makarating siya sa compound di niya alam kung saan yung bahay ng lola niya, dahil simula nong bata pa siya di siya nakakapunta dito.
"Ikaw ba yung apo ni lola Carmela?" tanong ni Cristian sa kanya, di niya ito napansin kaya napatili ito sa gulat.
"Ano ba! Bat ka sulpot ng sulpot!" galit na sigaw ni Karellyne kay Cristian.
"Pasensya na Karellyne pero di ko naman kasalanan kung di mo nararandaman yung presensya ko hindi ba?" makatwirang saad ni Cristian.
" Whatever loser!" palinga linva si Karellyne sa paligid baka sakaling makita niya yung tiyahin niya.
"Kung hinahanap mo yung bahay ng lola mo dito, nagkakamali ka. Hindi dito yung bahay ng lola mo, kung ako sayo sumunod ka sa akin at ihahatid na kita doon" sa kabila ng mga ginawa ni Karellyne sa kanya ay nagawa pa rin nito maging magalang at matulungin.
"Then lead the way" maangas na utos ni Karellyne sa kanya. Kahit na sa probinsya lng nakatira yung lalaki pero matalino ito isa rin siyang masipag na estudyante sa katunayan isa siyang top notcher sa kanilang classroom.
BINABASA MO ANG
Sekreto
Horror"Sekreto" Paano kung malaman mo ang tinatagong sekreto ng isang tao? Sekretong dapat ay walang makakaalam, Sekretong kinaiingatan ng taong iyon, At isang sekreto na maaring ikamamatay mo, Gusto mo parin bang malaman ang sekretong kinaiingatan nito...