Sekreto 2

4 0 0
                                    

Kalansay ng isang tao...

Di niya lubos maisip kung bakit may kalansay ng tao sa loob ng bahay ng kanyang lola, di rin ito artificial na nabibili lamang sa mga pharmacy. Dahil ang kalansay na ito ay parang may uod pa kung ito'y titigan ng mabuti.

"Tara na apo ihatid muna kita sa kwarto mo, alam kong pagod ka sa byahe. Mamaya na tayo kumain kapag di na kayo pagod at kapag gising na ang tita Carol mo upang sabay na tayo kumain." saka ito umakyat sa hagdan. Di na nakasagot si Karellyne dahil sa mga iniisip nito, sumunod lang siya sa paglalakad sa kanyang lola. Pagakatapat nila sa pinto hinarap siya ng kanyang lola

"Karellyne may isang bagay lang ako na dapat ipaalala sa iyo..." nakakatakot ang mukha ng kanyang lola nanlilisik ang mga mata.

"...huwag na huwag mong bubuksan ang cabinet sa gilid ng pinto ng C.R." saka nito binuksan ang pintuan atsaka pumasok. Gulong gulo pa rin si Karellyne sa mga sinasabi ng kanyang lola.

"Amm.. Lola bat di ko po pwedeng buksan? Ano po bang laman non?" nagtatakang tanong nito.

"WAG NA WAG MONG SUBUKAN BUKSAN! Yan lang ang kailangan mong gawin at tandaan. Wag ka nang magtanong, magpahinga ka na" saka ito lumabas ng kwarto. Ibinagsak ni Karellyne ang sarili sa kama dahil sa pagod. Gulong gulo siya kung bakit ganon nalang maka react ang kanyang lola tungkol sa Cabibet na ito. May itinatago ba ang kanyang lola na dapat na di niya malaman?

"What ever dude! Tsk... Such a crazy old hog. Pshh..." umayos ito ng higa saka umidlip.

"eeerrrnngk" tunog ng nabubukas na pinto. Agad naman siyang napaupo saka tinignan kung sino yung pumasok. Pag tingin niya sa pinto laking gulat niya ng makita itong nakasara. Holy fuck! Sino yon?. Di niya ma pigilang hindi matakot. Alam niyang luma na ang bahay nato at ang masaklap pa ay bago pa lang siya dito. Keep calm Karellyne, guni guni mo lang iyon. Pilit niyang pina pakalma ang kanyang sarili. Humiga ito ulit at saka sinubukang matulog. Makalipas ng ilang segundo ay may nararamdaman siyang kakaiba. Ano iyon? Bat parang may humihila ng kumot ko?

Takot, yan ang nararamdaman niya ngayon. Pilit niyang iwinawaksi ang kung ano man ang kanyang iniisip. Pero, nararamdaman niya paring parang may humihila ng kumot niya. Holy fck hindi na'to nakakatawa! Dahil sa kuryosidad dahan dahan niyang tinignan ang kanyang paanan upang malaman kung bakit merong humihila sa kanyang paanan.














Hanggang dito po muna THANK YOUU😊

-angeleepink

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 13, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SekretoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon