Hi :) kilala niyo ang jaxel? kung hindi manood kayo ng pbb hahaha KV tlaaga silang dalawa. kaya napag isipan kong gumawa ng one shot story hihi fanfic lang tong story na to :) pov lang to ni jane :)
________________________________
Jane's POV
dismissal na pero hindi pa ako umuuwi. nandito ako ngayon sa tambayan ko, umuwi na ang mga kaibigan ko sa mag isa ako ngayon. naka upo ako ngayon sa bench katabi ng malaking puno malapit sa gym. dito ako minsan gumagawa ng assignments o di kaya nag papalipas oras. favorite spot ko to.
nandito ako ngayon kasi may tinatapos ako na report namin. after ilang minutes na tapos narin ako. umupo ako ng maayos at tinignan ko yung mga nag papractice sa gym at nag sightseeing din hihi halos araw-araw ako dito sa bench dahil lagi ko siyang pinapanood mag laro, minsan nga umuuwi ako pag tapos na sila, dumadaan kasi siya dito malapit sa bench.
medyo maaga pa kaya kinuha ko ang diary ko at nag sulat.
Hi diary! :)
guess what? nandito na naman ako sa bench nag sa-sightseeing sa crush ko, the one and only Axel Torres. halos araw araw na ako dito noh? ang hirap talaga magka crush sa isang heartthrob, di ka napapansin :( nakaka lungkot kasi 4th year kami at malapit na kaming grumaduate. baka hindi ko na siya makita pa kaya sinusulit ko na ang pagkakataon haha nag lalaro siya ngayon at pawis na pawis siya ang hot hahahaha ang lakas ng epekto ng lalaking to sakin, imagine dalawang taon na akong secretly inlove sakanya. na aalala ko pa nung 2nd year kami, naging classmate ko siya pero di kami close minsan lang nga kami nag uusap. hanggang sa umabot sa time na nag closing na at dun ko narealize na crush ko na pala siya. ewan ko nga kung bakit ko siya naging crush eh hindi naman kami nag uusap. nalungkot ako kasi hindi na kami classmates nung 3rd year at ngayon 4th year. section A ako siya naman B. pero ok lang, nakikita ko naman siya dito sa bench. hindi nga lang niya ako pinapansin pero bahala na, naniniwala ako na mapapansin niya ako soon :)
-Jane :>
saklap ng buhay pag-ibig ko no? sa diary ko sinusulat lahat ng sama ng loob ko, yung mga kilig moments ko kahit mag kasalubong lang kami ni Axel, kilig na yon hahaha nagulat ako nung may pumatak na tubig sa diary ko, tumingin ako sa langit then nakita ko na grey na ang sky. hala umuulan na! inayos ko na ang mga notebook ko at kinuha ko na ang bag ko. tumakbo ako papunta sa gate at nag para ng taxi.
nung nakarating na ako sa bahay basa na ako
"oh bat ngayon kalang? tignan mo na basa ka tuloy ng ulan" tanong kaagad sakin ni mama
"tinapos ko pa po yung report ko" at sinuportahan ko pa yung crush ko hahaha
"sana dito mo nalang tinapos"
"sa library ko po kasi ginawa, nag hanap ako ng books" liar huhu
"sige mag palit kana tas bumaba ka mag dinner na tayo"
umakyat na ako at naligo. kinuha ko yung report ko para i review yun. habang binabasa ko yun naalala ko ang diary ko, may i susulat pa pala ako. hinanap ko yun pero parang wala. dinoble check ko pero wala parin. so nilabas ko lahat ng gamit ko sa bag pero wala talaga.
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove- JaXel One Shot
Teen Fictionwe're secretly inlove with each other :) JaXel FanFic