Patama 1

1.6K 14 0
                                    

1. "Lahat naman ng tao sumeseryoso pagtinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon."

2.  "Kung maghihintay ka nang ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.."

3.  "Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."

4. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawakan ng iba."

5. "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."

6. . "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."

7.   "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang."

8.  "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"

9. Ilang taon ka ng nabubuhay sa mundo bago mo pa siya nakilala. Kaya, wag mong idadahilan na hindi mo kayang mabuhay ng wala sya.

10. Ni minsan hindi ako naniniwala na kapag ang tanga daw eh natuto eh humanda ka. Kalokohan, eh sa mga nakikita ko… kapag ang tanga natuto, pahinga lang ng konti maya maya tanga nanaman ulit.

11.  Love hurts? Hindi siguro. Yung masakit ay yung ma-reject, mapaglaruan, magamit at yung maiwanan sa ere, yun ang masakit. Hindi yung love.

12. Minsan hindi talaga mapipigilang tumulo ang luha natin kapag masyado na tayong naaapektuhan sa isang sitwasyon.

13. Nakakadepress lang minsan kapag nakikita mong hindi pinapahalagahan yung mga effort na ginagawa mo para mapasaya siya.

14. Wag mong sayangin ang pagmamahal na ibinibigay sayo. Dahil kahit gaano ka pa kamahal ng isang tao kapag napagod yan, kusa rin yan susuko.

15. Mahirap makipaghiwalay sa taong mahal mo sabay sabing “FRIEND” na lang tayo. Pero ang mas mahirap magquit sa isang pagkakaibigan at sabihing “Friend” in love ako sayo.

16. Nasanay kana na anjan siya..kinukulit ka, pinapangiti ka.. minamahal ka..paano kung ma-realize mo, na mahal mo din siya.. kailangan bang mawala muna siya bago mo aminin sa kanya?"

17. Mahirap umasa sa wala, mahirap magmahal ng taong may mahal nang iba, mahirap ipagtanggol ang taong walang pakielam sa nararamdaman mo at higit sa lahat, mahirap masaktan nang wala ka namang karapatan.

18. Heto ako, malapit na sa taas, tapos na sa pag-iyak, tapos na sa lahat. Bakit ngayon, kung kailan nasa dulo na ako, tsaka ka pa dumating? Mahuhulog na naman ba ako nang walang sasalo sakin?

19. Gago ka ba? Iiwanan mo ako tapos babalik-balik ka ngayon? Anong akala mo sakin, tanga na magpapauto ulit sayo? Eh sira ulo ka pala, eh. Pero mas sira ulo ako sayo. Halika nga dito. Tagal ko nang hinintay pagbalik mo, eh.

20. Sabi nila tanga daw ako dahil hanggang ngayon ikaw pa rin ang mahal ko. Nasaktan ako sa sinabi nila pero hindi na ako kumibo. Alam ko naman kasi ang totoo. Hindi ako tanga. Hindi lang sila marunong magmahal.

Quotes. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon