Forever and Always.

356 13 8
                                    

Hello guys! This is another short story brought to you by littlemissrainbow :)

SOBRANG KORNI NITO HAHAHAHAHA

Like // Comment // Vote // Add to Reading List ♥

* * *

< Abigail's POV >

Grabe. Bakit naman kaya hilong-hilo ako? Shinut-down ko yung laptop ko tapos dun na talaga ko nakaramdam ng sobrang pagod. WHAT IS THE MEANING OF DIZZZZZZ?

Hindi rin ako makahinga ng ayos.. ano ba tong nangyayari sakin? Sinabi ko kay mama kung pwede nya kong samahan magpacheck-up.

"Ma, sobrang sama ng pakiramdam ko."

Dali-daling nagbihis si mama ng pang-alis at pumunta na kami sa ospital na pinagtatrabahuhan ni Tito Tristan, ang tito kong doctor. Kinuha nya ang stethoscope niya.. Tinapat niya ito sa may bandang kaliwang dibdib ko.... at nagulat ako nung sabi niya.

"Abby, iha,

Meron kang coronary heart disease. Yun yung narrowing ng small blood vessels na nagsusupply ng blood and oxygen sa puso."

Yinakap ko si mama tapos sabi ko, "Kaya natin yan ma. Tutulungan tayo ni Lord."

Malakas ang faith ko kay Lord kasi many times niya na kong sinave from danger..

"Pero pwede pang masolusyunan ang iyong kalagayan, iha." sabi ni Tito Tristan.

Tinanong ko kay tito, "Papaano po?"

"Magpapa-heart transplant ka. Sasagutin ko ang gagastusin mo dito sa ospital." sagot ni Tito Tristan.

Tuwang-tuwa sinabi ni mama, "Salamat talaga, Tristan! Kahit kailan maaasahan ka talaga." Kaya paborito kong tito si Tito Tristan e. Hihihi.

"Ipapaschedule ko ang iyong appointment mo sa April 28 para mayroon kang panahon para makapag-prepare.. Okay ba yun?" tanong ni Tito. (A/N: April 18 yung date nung araw na yun XD)

Nag-nod ako kay Tito. Nagpaalam na kami.

" Tito, thank you, thank you, thank you!"

***

6 araw na ang nakalipas.. April 25..

Araw-araw akong nagrorosary. Naging malapit ako kay Lord noong nagkasakit ako.. 3 araw nalang bago ako bumalik sa ospital..

Dahil wala akong magawa, napag-isipan ko muna gumawa ng isang letter, para kay Francis, ang boyfriend ko. Wala lang, para sa lahat ng pinagsamahan namin. If ever di ko kayanin yung heart transplant, ipapabigay ko sa kanya yung letter na to.

Tapos ko na yung letter tapos may biglang tumawag...

Calling..

Francis <3

"Hello? Musta na ang abbypots ko na love na love ko?"

"Okay lang ako, bie. Miss you, di na tayo nagdadate e."

"Makakapaghintay ang date, bie. Basta safe ka, masaya ako. Sige, may pupuntahan kami nila mama. See you soon. Pagaling ka..

I love you.. forever.."

"and always. Bie, bye. Love you ulet! Keep safe. ♥"

***

April 28.. the day of the heart transplant.

Nung pagkagising ko, nag-rosary muna ko.

Mga 8am, nag-ayos na kami. Mga 9 daw dapat nandun na sa ospital eh. 

Nung nasa ospital na kami, tinawagan ko na sila Francis. Malapit na raw.. Mga 8:45, andun na sila. Naghug ako sa kanilang lahat.. At pagkatapos nun, tinawag na ako ni Tito Tristan. Sabi niya pupunta na kami sa operating room. Sumunod na kami, at kumaway ako sa kanila.

Pumasok na kami sa operating room at parang tinurukan ako ng pampatulog. Yun nalang ang natandaan ko..

***

< Francis' POV >

Simula nung inoperahan si Abby, 2 araw na ang nakakalipas pero wala pa rin. Nandito kami ngayon sa private room niya sa hospital. Ako ang nagbantay sa kanya noong mga nakaraang araw. Ganyan ko talaga kamahal yan, kahit minsan makulit. Inikot ko yung kwarto niya at napansin kong nakabukas ang bag niya (dinala niya bago ang operation), at may nakalawit na light blue envelope. Kinuha ko ito at nakalagay...

 ---

Francis a.k.a Bie,

supeeeeer salamat talaga sa lahat ha? Salamat kasi kahit anong kulit ko, hindi ka pa rin sumusuko sa akin. Kaya love na love kita e. Kahit palagi tayong nag-aaway, kahit hindi tayo palaging magkasama.. kahit hindi mo na kita makita. Tandaan mo, ikaw pa rin ang minahal ko, minamahal ko, at mamahalin ko. 

Kung hindi ko man kayanin tong pagsubok na to, I'll always be by your side.. tsaka pinapayagan na kita na humanap ng iba.. pero wag mo sanang kalimutan yung mga pinagdaanan natin ha? Mahal na mahal kita, bie. I love you forever and always. Mwah :*

Abbypots :-)

---

Ang sweet talaga ng abbypots ko. Umupo ako sa tabi niya...

"Abbypots. gising ka na.. tama na yung beauty sleep mo.. I love you.." tapos hinalikan ko siya sa pisngi.

"Mahal na mahal kita, Abby. Wala ring saysay kung mabubuhay pa ko kung wala ka na. I will love you forever and always, bie."

"Hinding hindi kita susukuan, bie. Love na love kita eh.." Hinalikan ko naman siya sa noo tapos, pakiramdam ko, may tumulong luha sa mga mata ko. Agad ko itong pinunasan tapos ...

"F...fr...a..ncis..."

"Abbypots?"

"I l-love you.. I told you... I'll always be by your side.. I LOVE YOU.." nakangiti sabay sabi.. "FOREVER AND ALWAYS." Tapos yinakap niya ko ng mahigpit na mahigpit.

One Shot Stories by littlemissrainbowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon