Apat na taon na ang nakakalipas... hindi parin siya nabalik...
*flashback*
*beep*
From: Potpot
Punta ka na sa tagpuan. :)
Yung tagpuan namin, malapit siya sa dagat, pero medyo tago siya kasi maraming puno bago makapunta dun.
Mabilis akong pumunta dun at nakita ko siyang seryosong nakatayo sa tapat nung paborito naming puno. Doon kami lagi nagkukulitan at nag-uusap.
"Anong course mo sa college?" tanong niya sakin.
"Uhhh... IE. Ikaw?" Yun kasi yung course nila mama tsaka nila tita. Yun nalang din daw kunin ko.
"Ewan ko lang. Eh saan ka mag-aaral?" tanong niya ulit.
"Sa La Salle Lipa ata or Letran Calamba nalang para malapit-lapit." sagot ko naman. Ano ba to? Interview? Tanong ng tanong si Pot e.
"Ako kasi... sa ibang bansa. Bukas na yung alis ko," Bigla akong napaiyak. Mawawala na kasi yung best friend ko. May mga kaibigan naman akong iba pero super mamimiss ko lang talaga tong mokong na to. "Lelai, babalik ako. Pag-aaralin lang ako ni papa ng kolehiyo sa ibang bansa. Mabilis lang yun. Apat na taon lang naman eh."
"P-pero, potpot! Ang d-daya mo naman! S-sabi mo, w-walang iwanan.."
"Hindi kita iiwanan, Lelai. Babalik talaga ako. Pangako." tapos hinalikan niya yung noo ko at hinigpitan ko lalo yung hawak ko sa kamay niya.
"May sasabihin sana ako sa'yo bago ako umalis."
"Ako rin eh." huminga ako ng malalim. "Pero ikaw muna."
"Lelai, mahal na mahal kita."
"Nakakainis ka! Gaya-gaya ka nang sasabihin! Mahal na mahal rin kita. Wrong timing ka nga lang, dapat sinabi mo nang mas maaga, hindi yung aalis ka na bukas."
"Na-torpe kasi ako nun dati. Marami kayang may gusto sa'yo nun." tapos bigla siyang napakamot ng ulo. Tumayo siya tapos inabot niya yung kamay niya sakin. Inalalayan niya ko tumayo tapos may nilagay siya dun sa puno.
G ♥ C
"Kapag nakabalik na ako, dito tayo magkikita ha?" Nag-nod ako tapos yinakap niya ako nang mahigpit. Sana wag na matapos tong araw na to. Hinatid niya na ako sa bahay. Bago ako pumasok, sumigaw ako.
"I LOVE YOU POTPOT!" Buti nalang, wala na masyadong tao. 11 p.m. na eh. Pasaway kami pareho ni Pot, kaya kami naging mag-bestfriend niyan eh.
"I LOVE YOU TOO LELAI!" tapos, umuwi na siya. Magka-subdivision lang naman kami, kaso nga lang phase 2 kami, sila phase 3.
Kinabukasan, maaga kaming pumunta nang airport. Ihahatid namin si Potpot eh.
"Gelpot, babalik ka ha?" sabi ko sa kanya habang umiiyak.
"Oo, Lelai. Hintayin mo lang ako. Babalik ako." Hinalikan niya ako for the last time, tapos pumasok na siya dun sa boarding area.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories by littlemissrainbow
Teen FictionCompilation of sobrang korning one shots ni littlemissrainbow.