Kei's Note: Thanks sa naglagay ng kwentong ito sa reading list nila. Mauna magcomment sa kanya ko ide-dedicate itong part.
enjoy reading. kayo na ang humusga sa kwentong ito.
----
Nandito kami ngayon sa isang coffee shop malapit lang sa school na pinapasukan namin. Kinuwento na ni Sung Je lahat lahat.
Noong gabi kung kelan ang JS Prom. Nasaksihan nya ang nangyari sa amin ni Jong Hoon. Ang pag-amin ko sa nararamdaman ko para kay Jong Hoon at ang pag-reject nya sa akin, lahat ng nangyari noong gabing iyon ay nakita nya at narinig nya.
“Niligawan mo ba ako upang maging paraan para makalimutan ko na ng tuluyan ang nararamdaman ko kay Jong Hoon?” tanong ko sa kanya na may tonong pagkainis.
Naiinis ako. Ayokong kinakaawan ako. Kung iyon ang dahilan ni Sung Je kaya nya ako gustong ligawan ay wag na lang. Salamat na lang. Pero, hindi ko kaylangan ng awa nya.
“Hindi iyon ang dahilan kung bakit kita nililigawan Hyo Rin. Pero, isa nga ito sa mga paraan para makalimutan mo na si Jong Hoon, I mean, yung nararamdaman mo para sa kanya. Hindi mo ba talaga nararamdaman ang sinseridad ko para sayo? Na seryoso ako sayo? ” tinignan nya ako ng maigi sa mata habang sinasabi nya ang mga nahuling sentences.
Hindi ko alam ang isasagot ko. Siguro nga seryoso sya sa akin pero hindi ko lang siguro nararamdaman iyon dahil na rin kay Jong Hoon. Na kay Jong Hoon lang naman kasi lagi ang isip ko eh,at ang puso ko. Kaya kahit na nanjan si Sung Je lagi sa tabi ko ay parang wala lang din sya.
Humigop muna ako sa paboritong kapeng inorder ko bago magsalita nang nakayuko, “I’m sorry. Sung Je, pero kahit gaano ka pa kaseryoso sa panliligaw o sa nararamdaman mo sa akin..” huminto ako sa pagsasalita at saka iniangat at ulo ko para titigan sya sa mata, “hinding hindi maalis si Jong Hoon dito..” itinuro ko ang sintido ko gamit ang hintuturo ko, “at lalong lalo na dito” itunuro ko naman ang ang hintuturo ko kung saan naka-locate ang puso ko. “kaya ayaw kitang ligawan ako o kahit sino mang lalaki. At ayoko ring magpaligaw dahil may nagmamay ari na ng puso ko, si Jong Hoon lang. At kahit anong gawin mo at gawin ko, si Jong Hoon at si Jong Hoon lang ang lalaking iisipin ng utak ko at mamahalin nitong puso ko, kahit na ibang babae pa ang nagmamay ari ng puso at isipan nya” nararamdaman kong may luhang tutulo ano mang oras sa mga mata ko.
Nakatingin lang sa akin ng diretso sa mata ni Sung Je. Hindi ko mabasa ang nararamdaman nya dahil blangko lang ang ekspresyon ng mukha nya, at hindi ako sigurado kung pain at sadness ba ang ipinapakita ng mga mata nya. Katahimikan. Nabalot kami sa nakakabinging katahimikan habang nakatitig kami sa isa’t isa.
Ilang segundo ang nakalipas nang umiwas na sya ng tingin sa akin then he cleared his throat. “Ngayon alam ko na. Alam ko na na kahit ano pang gawin ko ay hinding hindi ko makukuha ang pagmamahal mo. Na iisang tao lang talaga ang nagamamay ari ng puso mo..” muli syang tumingin sa akin.
Para naman akong istatwa sa kinauupuan ko pagkatapos kong marinig ang mga huli nyang sinabi bago sya biglang tumakbo at umalis.
“Pero Hyo Rin, kahit ilang bese mo man akong itaboy palayo sayo, o kahit ilang beses mo pa akong iwasan pagkatapos nitong pag uusap natin ngayon, hinding hindi ako aalis sa tabi mo at hinding hindi kita iiwan, at higit sa lahat, ipapakita ko sa iyo kung gaano kita kamahal at ipapadama ko sayo ang pagmamahal na hinding hindi mo makukuha sa kanya. Ako ang magbibigay ng pagamamahal na nararapat sa iyo, at gaya nga ng sinabi ko sa iyo dati, sisiguraduhin kong mamahalin mo rin ako”
BINABASA MO ANG
I'm Sorry, I Love You
RomanceA story of love and pain. To choose whether to let go or to keep that person. But in the end, love will never fade in their hearts.