Part Three (Finale)

337 14 8
                                    

 Kei's Note:

Ito na po ang last part ng kwento. Comment na lang. I'm not satisfied with what i did dito pero sana hindi kayo madisappoint, kahit expected ko na mangyayari yun. hahaha..

--------------------

Isang taon.

Isang taon na ang nakalipas noon simula ng umalis ang pamilya ni Jong Hoon kasama sya.

Isang taon na ang nakalipas simula ng huli ko syang makita.

Isang taon na ang nakalipas ng iwan nya ako, nang hindi man lang nagpaalam.

Isang taon na ang nakalipas, pero hanggang sa mga panahong iyon, mahal na mahal ko pa rin sya.

Walang komunikasyon. Walang balita.

Nagulat din sila mama at papa sa pag alis nila, hindi daw kasi nila man lang sinabi ang pag alis nila. Bakit nga ba? Bakit nga ba hindi man lang sila nagpaalam sa amin, si Jong Hoon sa akin? Parang biglaan naman yung pag alis nila, pero kahit na.

Nakipaghiwalay si Jong Hoon kay Yewon. Biglaan nya lang itong sinabi. Nakipagbreak sya dahil ayaw nya daw ng long distance relationship. Iyak ng iyak noon si Yewon. Syempre, masakit iyon eh. Kung ako nga na bestfriend nya nasasaktan sa biglaan pag alis nila ng walang paalam, paano pa kaya yung minamahal nyang babae? Di ba? Bakit ba hindi nila sinubukan ang ganoong klaseng relasyon? Baka naman may pag asang mag-work yun di ba?

Pero hindi man lang nila sinubukan. Hindi man lang sinubukan ni Jong Hoon. Basta basta na lang nakipaghiwalay.

Isang taon na ang nakalipas noon. Marami akong katanungang gusto kong itanong sa kanya.

Bakit hindi nya sa akin sinabi na aalis sya? Bakit ihindi man lang sya nagpaalam? Hindi man lang nila ipinaalam. Bestfriend naman nya ako eh. Bakit hindi nya sinabi.

 Bakit nakipagbreak na lang sya ng ganon ganon nal ang kay Yewon? Di ba kung mahal mo talaga ang isang tao, kahit gaano man kayo kalayo sa isa’t isa ay dapat maging matatag kayo para kahit hindi kayo magkasama, nandyan naman ang tawag, messages o sa skype eh para may communication kayo, tama naman di ba? Pero hindi man lang nya sinubukan.

                Isang taon na ang nakalipas noon, naging okay naman ang buhay ko, siguro?

                Ano nga bang nangyari sa akin sa loob ng isang taon na hindi ko sya kasama?

                Nag aaral na ako ng kolehiyo. Isa akong Information Technology student sa isang kilalang unibersidad dito sa bansa. Okay naman ang pag aaral ko, matataas ang grades ko. Ngayon alam ko na kung bakit sinasabi nila na mahirap daw ang college. You should be an independent at talagang dapat magsipag sa pag aaral. Pero kahit marami talagang ginagawa sa college, masaya pa rin naman. I experience bunch of new things.

Marami na rin akong bagong kaibigan, mga taga iba’t ibang lugar. May foreigner, may kababayan din. Tapos marami pa ring nagtatangkang ligawan ako, but I rejected them all. Speaking of courting thingy, si Kim Sung Je? Ayun, isang HRM student dito din sa unibersidad na pinapasukan ko. Isang taon na ang nakalipas simula ng pag alis ni Jong Hoon, pero etong si Sung Je hanggang ngayon nandyan at nandito pa rin para sa akin. Dalawang taon na nya akong nililigawan. Ang tiyaga nya. Kahit anong pilit kong itigil na nya, eto pa rin sya, nililigawan ako, sinusubukang mapaibig ako, at hinding hindi nya daw talaga ako titigilan. Hay naku.

Paminsan nga naiinis at inaaway ko na sya. Halos ipagtabuyan ko na sya, sa bahay man namin o kahit dito sa university. Pero ayaw talaga akong tantanan. Eh wala na akong magawa, hinayaan ko na lang sya.

Hindi ko naman sya masisisi kung bakit ayaw syang tanggapin ng puso ko. Hangga na nga ako sa Kim Sung Je na iyon eh, saludo na talaga ako sa mga pinaggagagawa nya. Pero kahit ano talagang gawin nya, hindi nya matalo talo si Jong Hoon. Si Jong Hoon pa rin kasi hanggang ngayon. Si Jong Hoon lang talaga ang mahal ko. Hindi ko na talaga nagawang maka-move on pa.

I'm Sorry, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon