Chapter 1

8 1 0
                                    

"Saying i love you, is not the words i want to hear from you..."

Crying Baby

Keziah's POV





"Kez wake up" naramdaman kong may yumuyugyog sakin.


"5mins." Sabi ko at nagtalukbong ulit ng kumot.





"Yuri ayaw bumaba ni kez" agad na sabi ni kuya kenzo. Kaya napamulat ako at tumayo.

"Nasaan siya?!" Natatarantang tanong ko kaya napatawa siya.



"Hahahaha funny lil sis. Kailan ba pumunta yun dito para sayo?" Pang aasar niya kaya nasuntok ko siya sa braso ng wala sa oras.


"Aray! Amazona ka talaga!" Sabi niya at umalis sa kwarto ko. Pumunta ako sa balcony para makita ko ang bahay nila na katabi lang ng bahay namin. Nakasara ang mga kurtina. Kulay itim na kurtina. Haist.




Simula nung lumipat sila diyang noong mga 4 years old palang kami. Nagpalipat din ako ng kwarto. Ang dati na nasa kaliwa ngayon naman ay nasa kanan na. Malaki ang bahay nila yuri. Isa sila sa mga pinakamayamang pamilya sa mundo. Nangunguna sila. Pumapangalawa lamang kami.







"Maligo kana kez! Papasok pa tayo!" Huh? Monday na pala. Shet! Isang linggo na ang nakakaraan ng magkaroon ng klase.

Ginawa ko ang routine ko at nagsuot narin ako ng uniform namin. Ang cute lang.







"Good morning to all!" Nakangiting sabi ko habang pababa ako ng hagdan. Ngumiti sila mommy at daddy at sabay nila akong binati.

Lumapit ako sakanila at isa isa silang hinalikan sa pisngi. Nakita kong nakasimangot si kuya kenzo.




"Nguso mo. Bakit ka nakasimangot?" Natatawang sabi ko sakanya.






"Asan yung kiss ko? Ang daya matapos kitang alagaan. Pakainin. Patahanin. Patawanin. Eto lang igaganti mo. Ni halik wala." Napatawa naman kami nila mom and dad. Kahit kailan talaga. Ang kulit ni kuya hahaha.




Agad naman akong lumapit sakanya at hinalikan ang pisngi niya.





Ngumiti na ulit ang loko.







"Grade 12 kana Kez kaya behave okay?" Sabi ni mom at tumango ako.





"Wala munang magbboyfriend." Sabay na sabi ni kuya at daddy kaya napahagikgik kami ni mommy.





"Aye aye captain" sabi ko at nagsimula ng kumain.









"Kuya anong feeling ng college?" Tanong ko sakanya. Habang nagmamaneho siya. 3rd year college na si kuya. Kaya kinakabahan ako dahil nakikita ko siya muka siyang zombie pagka gising.





"Mahirap pero masaya. Kung gusto mo talaga ang course mo. Malamang sa malamang. Magiging masaya ka." Nakangiting sabi nito.


"Kuya gusto ko si yuri. Pero hindi ako masaya" sabi ko at nararamdaman ko ang init ng mata ko. Shet kez wag kang iiyak. Nakakahiya.






"Kez hindi sa lahat ng pagpili mo sa gusto mo ang magiging pakiramdam ay masaya. May mga oras na pinili mo ang gusto mo. Pero hindi ka masaya. Yun pala sa dun ka sa iba sasaya." Makahulugan na sabi niya.




Ganun ba yun?





After 13 mins. Andito na kami sa parking lot ng school

"Let's go" sabi niya at binuksan ang pinto ko.






"Naks gentledog kana pala kuya" natatawang sambit ko. Tinignan naman niya ako ng masama. Kaya nagpeace sign ako.






"Una nako pandak" sabi niya at hinalikan ako sa noo. Nakita ko naman ang mga fangirls ni kuya.

'Kung hindi lang sila magkamuka baka napagkamalan kong sila na' girl1


'Tama ka girl. Ang sweet ni fafa kenzo kay keziah.' Narinig kong sabi ng isang bakla.









'Kyahhhhh!!!!! Oppa yuri! "Rinig kong sigawan ng mga grade 7 sa likuran ko. Nakita ko si yuri na bumaba sa kotse niya. Malamig ang aura niya ng lumabas siya sa kotse. Nakita ko din ang mga kaibigan niya na padating.









Lumapit ako sakanila.





'Ang ganda ni keziah kaso desperada' narinig kong bulung bulungan ng tao. Sanay nako sa ganitong sitwasyon





"Hey pretty baby" sabi ni kiefer na palapit sakin. Agad niya akong hinalikan sa pisngi.


"Goodmorning keziah"sabi ni thunder at troy.

Apat silang magkakaibigan. Actually bale lima sila. Pero nawawala si lame. Hind ko alam kung nasaan na siya.






"Tch" napatingin ako sa gawi ni yuri.









"Sige keziah. Baka magkagulo hahaha" sabi ni troy kaya naguluhan ako.




"Eh?" Response ko.





Umalis na sila thunder, troy at kiefer. Tanging si yuri at ako nalang ang nandito.





"Stay away from my friends. You b*tch" sabi niya. This is the first time he called me 'bitch' nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko. Mainit na likido ang umaagos sa pisngi ko





"Crying baby tsk" sabi niya at iniwan akong nakatayo sa parking lot.







Napaka crying baby mo talaga keziah. Lagi ka nalang umiiyak sa harapan niya.





Nagpunas ako ng luha at ngumiti. Naglakad nako papunta sa room namin.





A/n:
Ang 'lame' hahaha

Nasaan kaya si lame?

•Blacklicity📖

More than words Where stories live. Discover now