CHAPTER 1- NERD

10.2K 166 1
                                    

"Nak, tanghali na!!! gising na!male-late ka nanaman sa school niyan. Naka-ready na sa mesa ang almusal mo." That's her cool and beautiful nanay. Lagi siyang ginigising tuwing umaga dahil sa lagi siyang PUYAT..........


........puyat sa kaka-review at kaka-solve sa mga formulas na out of this world. She love numbers, in short she really really loves mathematics.


Yes she is a nerd. 'Di marunong mag-ayos sa sarili, baduy manamit, weird kumilos, super talino pero clumsy at higit sa lahat nangunguna sa listahan ng madalas i-bully sa kanilang eskwelahan. Siya ay si Zia Wynter Miranda. Ang binansagang "Betty La Fea"ng Angelus University.


"Opo nay..Give me five minutes tapos babangon na po ako." Inaantok na sagot niya sa kanyang nanay. She always demand it everytime her mother wake her up early in the morning.


"Ayan nanaman yang five minutes mo Wynter! Hindi na natatapos yang kaka-five minutes mo sa umaga. Bumangon ka na d'yan, maligo ka na at kumain para hindi ka ma-late sa Iskul!" Halos araw-araw siyang nasesermonan dahil sa hindi niya pagbangon ng maaga.


Umayos siya ng upo sa kanyang higaan habang pinipilit imulat ang kanyang mga magagandang mata. She is beautiful tulad ng kanyang ina. Maputi at makinis ang kanyang balat, Kulay brown ang kanyang mga mata, mahahaba ang kanyang mga eyelashes, mapula at maliit ang kanyang labi,maliit at matangos ang kanyang ilong, matangkad at may shape ang kanyang katawan, mapuputi ang kanyang mga ngipin na nabakudan ng braces at mahaba ang kanyang buhok na laging wala sa ayos.


"Aye! aye! nanay!" sabay hikab. Nagtungo agad siya sa kanilang banyo para maligo.


Pagkatapos niyang naligo, isinuot niya ang kanyang turtle-neck long sleeves at ipinatong ang long-purple dress. She also wear her white rubber shoes together with her green socks. Hinding-hindi din niya makakaligtaang isuot ang kanyang yellow-rounded eyeglass na may gradong 300. Ganun siya pumorma...


BADUY pumorma. Doon siya kumportable eh kahit na pinagtatawanan siya palagi. Bumaba siya at agad na nagtungo sa kusina.


"Nak naman,bagong taon na..please! It's time for change. I think it's already time to change your fashion nak. Hindi bagay sa maganda at maamo mong mukha at sexy mong katawan yang out of this world mong fashion. Dapat tularan mo ako oh, kahit matanda na ang nanay mo, mukha parin akong dalaga oh." totoo iyon. Mukhang dalaga pa rin ng kanyang nanay at madalas silang napag-kakamalang magkapatid.


"Nay, hayaan mo na ako. Dito po ako kumportable eh." Sagot niya habang punong-puno ng pagkain ang bunganga niya.


"Wynter! will you please stop talking when your mouth is full?!" Isang values education slash english teacher ang kanyang ina kaya sobra nalang itong dumisiplina sa kanya. Agad agad niyang inubos ang pagkain sa kanyang bunganga.


"Yes nay. sorry po." kilalang kilala niya ang kanyang ina, lalo na pag nagagalit na ito. Her mother is cool pero dragon naman kung magalit kaya naman natatakot na siya everytime na napapa english na to sa galit.





_____________________________________________________________

// I'm back guys :) Pasensya na kayo kung ngayon pa lang ako nakapag-update ng chapter 1 ha. Super dami kasi ng Purchase order ngayong araw eh. Kelangang maprocess.

Pasensya na kayo kung maikli ang chapter 1 ko.. Dont worry, I will assure you na hindi kayo mabibitin sa story na ito:)

Medyo mabagal lang talaga akong mag-update.hihi.

My Baby Boss(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon