I am Lillie Tazanna Mariano. Sabi nila, mana ako kay Mama ng kagandahan at mana naman daw ako ng abilidad kay Papa.I'm so happy because even if I grew up in Paris, they always make sure that I know how to be a Filipino. Iba kasi ang kaugalian sa Paris.
Marami ang nanliligaw sa akin dahil sa angking ganda ko raw. But then, I'm still my parent's baby at wala pa sa isip ko ang makipag relasyon.
I love studying, doing my sports, and traveling. Minsan ay natutuwa din ako kapag kinukuha ako ng Ninang Lyka ko na maging model.
My Ninang Lyka is one of a hell gorgeous woman at sobrang bait din.
"Liz" Tawag sa akin ni Ate Cassie.
Liz ang tawag nya sa akin kasi, hindi ko rin alam but I like it.
"Yes, ate Cass?" Agad na sagot ko.
Nakiki tira ako minsan dito sa condo ni Ate Cass. Madalas kasi ay umuuwi ako kay Papa dahil ayoko syang naiiwan mag isa sa bahay. Tumutuloy lang naman ako kay Ate Cassie kapag hindi na talaga kayang umuwi sa amin o kaya naman ay may business trip si Papa.
Ayaw ko pa kasing tirhan yung bahay na binili sa akin nila Mama. Nalulungkot ako dahil mas lalo kong namimiss si Mama.
"The food is ready, sabay na tayo?" Nakangiting tanong sa akin ni Ate Cass.
Nakangiting sumang ayon ako sa kanya at sabay na kaming nag tungo sa dining room. Isang napaka galing na Chef ni Ate Cassie, kaya naman sya ang taga luto dito sa amin.
Sina Auntie Lola kasi ay ayaw iwan ang Cebu kasi wala daw mag babantay sa beach at sa bahay na rin. Habang si Tita Mel naman ay hindi rin maka alis dahil binabantayan at tinutulungan nya si Auntie Lola.
"So, how's your training?" Tanong nya sa akin habang kami ay kumakain.
"Tiring but fun... I guess" Walang ganang sabi ko.
"Buti naman!" Natutuwang sagot nya.
Sobrang bait sa akin ni Ate Cassie. Tinuturing ko na syang parang totoong Ate, naaawa lang ako minsan kapag nakikita ko syang umiiyak dahil sa boyfriend nya.
"Are you ready?" Tanong muli sa akin.
"For what?" Nagtatakang tanong ko.
"You're the Heiress of Mariano, Liz. That's why you're training and studying so you can run the business of Tito Prince in the future" Paliwanag nito.
Natigilan ako sandali.
"What if.." Nag aalangang sabi ko.
"What if, what?" Tanong ni Ate Cassie.
"W-What if I don't wanna be the Heiress of Mariano?" Dugtong ko.
Tumigil sa pag kain si Ate saka hinawakan ang kamay ko at ngumiti ng nakakaunawa.
"I know you're too young to be the next CEO of your Papa's companies. Sa dami ba namang business ni Tito ay kahit ako kung nasa posisyon mo ay matatakot din. But Liz, walang ibang mag mamana ng lahat ng pinag hirapan ng magulang mo kundi ikaw lang. Ikaw lang ang inaasahan nilang mag papatuloy ng pinag hirapan nila ni Mama mo lalo na ng Papa mo" Malumanay na paliwanag nya.
I know, I already understand that part but what if I really don't want this kind of life? What if I want something simple and a more private life?
"I-I know" Tipid na sagot ko.
Sa totoo lang ay naguguluhan pa ako. I don't wanna disappoint Papa by having a daughter who doesn't even want to live the life that they've given me. They worked really hard to provide everything I need. Sobra-sobra pa nga.
Pagkatapos naming kumain ay ako na ang nag ligpit at nag hugas ng pinag kainan. Pinalaki kasi ako ni Mama na hindi palaging umaasa sa mga katulong namin. Kailangan daw ay matuto akong gumawa ng gawaing bahay para daw sa mapapangasawa at mas lalong para daw sa sarili ko.
Nang matapos akong mag ligpit ay pumasok ako sa kwarto ko para mag linis ng aking katawan.
Pagkatapos kong mag linis at mag bihis ay pa bagsak akong nahiga sa kama.
Habang naka tulala sa kisame ay inaalala ko ang mga naging usapan namin ni Ate Cassie. May parte pa din talaga ng pagkatao ko na pakiramdam ko ay nawawala. Pakiramdam ko ay hindi ako buo, parang may kulang?
Matagal ko ng nararamdaman itong tungkol sa pagkatao ko ngunit ayoko lamang mag sabi kela Mama at Papa dahil baka mag alala pa sila. Pakiramdam ko ay nagkaroon ako ng kasagutan at mas lalong may kung anong nabuhay dito sa nararamdaman ko ng malaman kong may mga nawala akong memorya. Na ikwento kasi nina Mama sa akin noon na naaksidente ako at may mga memoryang nawala sa akin noong bata pa ako.
Nawaglit ako sa pag iisip nang biglang tumunog ang phone ko. Agad ko namang tinignan ito at nakita ko ang message ni Aries.
Aries and I are best of friends, but he admitted that he wanted to level up our relationship. Well, he's a good man though. Malapit din sya kay Papa kaya siguro naman ay walang masama kung papayag ako sa gusto nya.
Ngunit sabi naman ni Papa ay buksan ko daw muna ang box na binigay nya sakin. Gamitin ko daw ang susi na ibinigay sa akin ni mama.
Ngunit kahit tignan ko pa lamang ay kinakabahan na ako. Kaya naman ay hanggang ngayon ay nandoon pa din sa ilalim ng kama ko ang kahon na iyon habang ang susi naman ay nakatago sa secret drawer ko.
May tamang panahon naman siguro bago ko buksan yon pero pakiramdam ko ay hindi pa ito ang panahon na iyon. Hindi pa ako handa sa aking matutuklasan. Parang natatakot ako sa kung ano ang malalaman ko kapag binuksan ko ito.
Ngunit napapa isip ako lagi kapag sinasabi sa akin ni Papa na darating din ang taong totoong mamahalin ko.
Nagtataka naman ako sa kanya dahil alam naman nyang pinayagan ko na si Aries na ligawan ako pero palagi nya pa din itong sinasabi sa akin.
May alam ba si Papa na hindi ko alam?
--------------------------------------------------------------
Hello! This is the first chapter! Sana ay nagustuhan nyo.
Thank you for patiently waiting for this to be published.
Please let me know if you have questions or you can comment down if you would like to say something! 💖
Please do vote hehe.
Rainbow. 🌈
BINABASA MO ANG
The Heiress Of Mariano
RomanceA young, sweet, smart, bold, and gorgeous daughter of Alexis Mariano and Madison Isabel Langres-Mariano. Sa kabila ng pag kakaroon ng mabuting puso, paano nga ba nya makakayanang ingatan ang pangalan ng kanyang pamilya? Paano nya mabubuo ang kanyan...