[Shianne]
"Ateeeeee!! Gising na sabi ni mama"-sigaw sakin ni alice
Ang kapatid ko
Ano ba naman 'yan istorbo
Kita niyang himbing ng tulog ng tao
"Aga-aga pa sabihin mo kay mama"-ako
Maaga pa para umasa ako
Mamaya nalang inaantok pa 'ko
"Ate naman eh! Sumbong kita kay mama...Mama! Mama! Si ate ayaw bumangon! "-sigaw ng kapatid ko
"Anak bumangon ka na diyan at mali-late ka na! "-sigaw ni mama mula sa baba
Andito kasi ako sa second floor andito kasi ang kwarto ko
Pero Oh my gee..
Mali-late na ko omo!
Agad-agad akong bumangon at dali-daling pumunta ng bathroom para maligo
After 10 minutes tapos na ko maligo agad kong kinuha ang bag ko saka bumaba para magpaalam Kay mama
"Mama pasok na po ako! -ako
"Teka anak kumain ka muna"-mama
"Sa school nalang po "-ako
" ay sige bahala ka basta huwag ka magbabagutom ha!-mama
"Opo ma! "-ako
Sabay halik sa pisnge niya saka umalis na
Nagbike nalang ako papuntang school
Malapit lang naman kasi school namin
Pag dating ko ng school nakita ko si Bryan
Ang Crush ko
Omo! Umagang umaga siya agad bumungad sakin
Kinikilig tuloy ako hihi
Gumanda tuloy ako este 'yong araw ko pala
Napatingin naman siya sakin at ngumiti
"Oh bakit ang tagal mo? "-siya
Bumaba naman na ko sa bike ko saka binitbit ito
Papalapit siya ng papalapit sakin
"Ah kasi.. "-ako
Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko dahil nilagpasan niya ako
At
Akala ko ako 'yong nginingitian niya at kinakausap
'Yon pala hindi ako..
'yong taong nasa likuran ko pala 'yon
Ano ba yan! Kainis naman
Akala ko pa naman ako!
Ano pa nga bang bago?
Lagi naman akong umaasa na papansinin niya ko eh
Akala ko talaga nginitian niya ko
Huhuhu! Saklap ng araw ko akala ko pa naman maganda na 'yon pala hindi!
Narinig ko naman ang tawanan nila
Tss Dalian ko na nga lang
Agad agad kong nilagay sa isang gilid ang bike ko at agad agad tumakbo sa room ko
Pero habang tumatakbo ako may nabangga ko
"Sorry"-sabay na sabi naming dalawa
"Hindi miss sorry it's my fault hindi kasi ako tumitingin sa daanan"-siya
Tinignan ko nalang siya at nginitian
"Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?"-siya
Natumba kasi ako at agad naman niya kong inalalayan tumayo
"Okay lang 'yon sanay naman akong hindi sinasalo pag nahuhulog ako saka sanay na ko masaktan at umasa"-bulong ko
Bigla namang kumunot ang ulo niya siguro hindi niya narinig sinabi ko
"Ah okay lang ako sige una na ko"-ako
Agad ko naman siyang iniwan at nagtungo sa classroom buti nalang at wala pa si sir
Anyway ako nga pala si Shianne Lairez
Ang dakilang umaasa at dakilang tanga pag dating sa aking minamahal kahit na pinapaasa niya lang ako
Patuloy ko parin siyang gugustuhinUmaasa parin ako na darating ang araw na mapapansin niya din ang tulad ko
Wala naman masamang umasa diba?
Try in try lang!
______________________________[A/N]
Thanks po sa pagbabasa
Enjoy reading
Sana samahan niyo ko hanggang dulo
Don't forget to vote
Maraming salamat po sa inyo
Abangan niyo po next chapter!
Remember: if may pasok po ako magiging mabagal ako mag UD pero kapag walang pasok mabilis po ako mag UD
Kaya sana po ay mahintay niyo ang UD ko thanks

BINABASA MO ANG
Ms Umaasa Meets Mr Paasa
Teen FictionAno kaya ang mangyayari kung ang isang babaeng umaasa ay pinagtagpo sa isang lalaking paasa Babaeng umaasa na Patuloy paring umaasa kahit na nasasaktan na umaasa parin at patuloy na nagpapakatanga sa isang tao At Makikilala niya ang isang lalaking m...