Chapter 8: LQ

592 18 9
                                    

[Shianne's Pov]

Nandito ako ngayon sa dorm ko.Grabi lang, sakit kaya ng sinabi sa'kin ni TJ.Totoo naman kasi eh easy to get naman talaga ko pero kailangan talagang ipamukha sa'kin.

Anyways,simula no'ng sagutin ko si bryan minsan ko nalang siya makita at makasama kasi lagi siyang busy.Sana pala diko nalang siya sinagot, pero siempre charot lang.

Lumabas na 'ko ng dorm para pumunta sa room namin, siyempre papasok na 'ko. Nasa pinto palang ako ng room namin nang nakita ko si TJ nakaupo na sa upuan niya.

Ano ba yan?  Bakit kasi magkatabi kami ?pa'no ko siya maiiwasan kung magkatabi kami? Saka oo iiwasan ko muna siya kahit na alam ko na tama sinabi niya HUHU

Namalayan ko nalang nakaupo na pala 'ko sa tabi niya.Tumingin naman ako sa kanya at sakto naman na napatingin siya sakin.Nagkatitigan kami pero ako na unang umiwas.

"Laah?  LQ  sila oh "-sabi ng epal 'kong kaklase

"Kaya nga first time lang nilang mag-LQ"-sabi naman ng katabi niya

Nye. Nye. Nye.  Bahala sila diyan.

Magbabasa nalang ako.

Nilabas ko nalang yung libro ko. Wala lang trip ko magbasa eh.Baka kasi mamaya tanungin ako at hindi ko alam isasagot.

Basa lang ako ng basa nang biglang dumating si sir.

"Good morning class"-sir

Tumayo naman kami.

"Good morning din po sir"-sabi namin

So ayun na nga nagdiscuss na siya. Blah.. Blah.. Blah

Maya-maya lang nagtatawag na siya at napatingin sa katabi kong.. mukhang inaantok kaya hindi na ko magtataka kung tatawagin ni sir yan. Haha science pa naman ngayon.

"Terrence Jones Lorrex"-sabi ni sir

Sabi na eh puyat pa kasi.
Napatayo naman siya. Pft.  Natatawa ko sa epic ng mukha niya HAHA

"Po? "-sabi ni tj

"Answer my question then if your answer is wrong , lalabas ka sa room na 'to.  Okay? "-sabi ni sir

Mukhang kinakabahan si mokong base sa itsura niya.Kumuha naman ako ng kapiraso ng papel.

At hinintay ang sasabihin ni sir. Malay mo alam ko sagot. Wala naman masamang magtry eh! Hihi WAFAKILLS kayo

"It is the Ray of light approaching the mirror represented by an arrow approaching an optical element like mirrors "-sabi ni sir

Waaaaah alam ko sagot diyan. Agad kong kinuha ang papel at sinulat ang sagot sa tanong ni sir.

Buti nalang talaga at nagbasa ako. Kakabasa ko lang kasi niyan. Science book kasi binabasa ko kanina.

[TJ's Pov]

Nyeta!  Diko alam sagot diyan .

Bigla naman may nangalabit sa'kin. Pagtingin ko sa kanya, si Anne pala. Tapos may ipinakita siyang papel.

Incident ray ang nakasulat. Ah ayan pala.

"Incident Ray po sir"-ako

"Good ! Akala ko hindi ka nakikinig sa klase ko okay umupo ka na"-sir

Hindi naman talaga 'ko nakikinig sir eh kasi inaantok talaga ako kasi naman..

Teka oo nga pala tinulungan ako ni Anne. Thanks to her!  Pero alam ko galit siya sakin kaya nga hindi niya ko pinapansin kanina eh.

Teka baka bati na kami.

Cringggg.. .

Oh recess na pala.

Tumingin  naman ako kay Anne,nakaupo lang siya habang tulala. Ano na naman kaya iniisip nito?

Kinalabit ko siya pero walang epek!  Tulala pa rin.

Ah alam ko na. Kiniliti ko siya.

"Hahahaha tama na TJ sakit sa tyan"-sabi niya

Tinigilan ko na nga siya

"Uhmp anne sorry nga pala sanasabi ko kahapon hindi k-----"-diko na natapos sasabihin ko kasi nagsalita siya

"Okay lang yun!  Tama ka naman eh"-sabi niya

"Ah anne may sasabihin sana ako sayo, about kay bryan"-ako

Yeah. I tell her what I heard last day. Kailangan niya ng malaman yun.

"Ah kasi Anne pinag---"-diko na naman natapos sasabihin ko dahil...

"Shianne! "-tawag ni..

Bryan?

Tss nyeta nasa labas pala ng room namin ang lalaking yun!

Damn that man!

"Ah TJ iwanan muna kita ha tawag ako eh"-anne

Tsss panira. May araw ka din sa'king lalaki ka

"K"-cold na sabi ko at nilayasan na siya

At naglakad papuntang pintuan at nando'n si bryan.Pagkadaan ko sa kanya, sinamaan ko siya ng tingin.

Pag sinaktan mo lang talaga si Anne humanda ka talaga sa'kin .

Nilagpasan ko na siya.Kainis talaga yun! Nyeta!

______________________________[A/N]
So ito na po nakapag-UD na din ako ngayon! Hihi apat na chapters po ang ginawa ko para hindi naman masayang ang paghihintay niyo sa UD ko hihi sorry po if natagalan.
P.E.A.C.E?

LOVE LOTS <3

may update din po ang iba kong story 4 chapters din I hope na mabasa niyo rin yun KAMSALAMAT

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ms Umaasa Meets Mr PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon