Prologue

38 2 0
                                    

Chained by Food.

Josary's POV

        "Josary Cervantes it's your turn." Nagising ang diwa ko ng marinig kong tawagin ako ng secretary ng pinag aapply an kong restaurant.

Dali dali akong tumayo at naglakad patungo sa pinto ng opisina. Nagbitaw muna ako ng isang buntong hininga bago pumasok.

"Good morning po." Bati ko sa lalaking mag i interview sa akin.

"Maupo ka iha."

"Salamat po."

"So you are applying for a job, as a assistant cook?"

"Yes po."

"May I see your resume?"

Iniabot ko naman sa kanya ang aking resume.

"Oh undergraduate ka pala sa course na Culinary arts. Bakit hindi mo naman natapos yun? Sayang naman."

"Wala na po kasi akong pambayad ng tuition eh. Kaya po napilitan akong tumigil at maghanap ng trabaho."

"Oh I see, pero marami ka ng work experience ha. "

"Yes po, nagtrabaho na rin po ako dati bilang assistant cook."

"Ah ganun ba. Hmmmmmm, okay tatawagan ka na lang namin kung nakapasok ka ba o hindi. Thank you for coming." 

Tch! Hindi pa sabihing hindi ako pasok dami pang satsat.

"Okay poooo, thank you rin poooo." Hindi naman ako ang nawalan. Isang Diyosang katulad ko ang pinakawalan niyo.

Ano ba yan? Pang ilang job interview ko na ito pero puro tatawagan na lang daw nila ako. Aish!

Pakainin mo na ako! sabi nang kumakalam kong tyan. Aish! maghintay ka ha, kakain tayo dun sa papasukan kong trabaho. Kunting hintay lang sexy kong tiyan. Maya maya naman ay tumigil na ang pagkalam nang aking tiyan. Kailangan pa pala ay bulahin ko pa.

Biglang nagring ang aking cute na cute na phone. Sinagot ko kaagad ang tawag nang weird kong kaibigan.

"Hellooo, this is Diyosa Josary speaking."

"Ikaw si Mayen? Meron--"

"LETSE KA, KAPAG DI MO TINIGIL YANG KAKAHANAP MO KAY MAYEN MASASAMPAL NA KITA!"

"HAHAHA joke lang, galit ka kaagad ih. Kamusta na ang paghahanap ng trabaho?"

"Hays wala pa, lagi na lang 'tatawagan ka na lang namin churot chorva' di pa sabihing 'bawal kasi dito ang dyosang katulad mo' duhhh di sila kawalan."

"Grabe naman yon, hindi pa ba sapat yung work experience mo?"

"Siguro hindi, kasi kung oo natanggap nako. Common sense huh?"

 "Nga naman anyways may alam akong resto na naghahanap ngayon nang assistant cook. "

"WHAAAAAAAAT? Lintek ka nagtanong ako sayo kagabi, sabi mo ay wala kang alam. Nakakasura ka talaga."

Chained by FoodWhere stories live. Discover now