Alaga.
Josary's POV
"Galit na?" tanong ko kay Manong. Close na kami ni Manong haha, nakakatawa nga, kaya pala siya ganun kasungit dahil idol daw niya si Bebe boss sa kasungitan. Mamaya makikilala niyo rin ang aking Bebe boss, magsusupersaiyan siya sa harap ko.
"Kanina ka pang hinahanap, Miss ka na ata." Haha ayan ang gusto ko kay Manong ih, pinapagaan ang loob ko. But honestly kinakabahan ako nang sobra. Di dahil sa papagalitan ako dahil sanay na naman ako dun. Kundi dahil kapag lalapit siya sakin, as in sobra talaga akong kinakabahan to the point pa na di ko pwedeng ipahalata kasi baka magbago ang pakikitungo niya sakin. Atsaka sa harap niya lang ako nagiging mabait. Aish!
"Sige Manong, makikinig pa ako ng sermon nang aking mahal." Pagpapaalam ko kay Manong. Goodluck sakin. Fighting!
"JOSARYYYYY LATE KA NA NAMAN?! Aish! KAILAN KA KAYA MAGBABAGO, FOR GOODSAKE MAGBAGO KA NA." Mahal na mahal talaga ako ni Bebe boss ultimo gusto niyang magbago ako para sa future namin.
"Sorry po." Bulong ko habang nakayuko. Hays kay bebe boss lang talaga ako ganito.
"Ayan ka na naman sa paawa mo!"
"Sorry." pabulong ko uling sabi na nakayuko pa rin. Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga, di ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. Dahil ramdam ko ang titig niya sa akin na parang sinusuri ang buong pagkatao ko.
Naglakad na siya palayo sakin, at saka ako lumingon sa kanya. Naabutan ko ang paggulo niya sa kanyang buhok. He's so damn hot, Shet!
Nang makarating na siya sa cashier table, bumalik ang tingin niya sakin. Sa sobrang gulat ko, napatakbo agad ako sa kusina. Shet! Nakita niya kaya yung malalagkit kong tingin sa kanya? Ayan kasi, Josary di ka nag iingat, baka kung anong isipin niya.
"Oh, Josary you're here." Ani Sandro na naghihiwa nang sibuyas, habang nakatitig na naman sa kagandahan ko. Lagi niya yang ginagawa, ewan ko ba dyan hahaha. He's weird as always.
"Mahiwa ka naman." Sagot ko at saka siya nilampasan patungo sa kitchen sink. Sumalyap uli ako sa kanya, at naabutan ko ang pagkunot nang noo niya. Kaya nagkunot din ako nang noo pabalik. Ano yun? Kunutan lang kami dito hahahaha.
"You're apron?" napatingin naman ako sa suot ko. Ow shet! I forgot to wear it, yeah! Napapaenglish talaga ako nang di oras sa tuwing kaharap ko ang Sandrong ito, englishero kasi ang gagi haha. Dumiretso agad ako sa locker ko bago pa makita ni Bebe boss na wala akong apron at hairnet na suot. Baka maturn off yun sakin, pag nagkataon. Thanks to Sandro, he notice it. Shet! English na naman.
Pagkatapos kong isuot ay bumalik na ako sa sink, para magsimula nang magtrabaho, kailangan kong magpabida kay bebe boss haha.
"Two carbonara for table 2" sigaw ni Owner Chef Gene kay Carlo na nakaassign sa mga noddles, nagtataka kayo kung sino si Chef Gene? He is my bebe boss hehehe.
Pinagpatuloy ko lang ang paghuhugas ng mga plato. At nang matapos ako ay agad naman akong tinawag ni Sous Chef Mikael.
"Serve mo muna yung drinks."
At saka ako dumiretso sa mga drinks. Pagkagawa ko nang drinks nila ay agad ko ding dinala ito sa table 2.
"Two Carbonara for table two is ready."
Then kinuha ko na ang Carbonara at isinerve ng maayos sabay ngiti . "Enjoy your meal, any additional order pa po?" banggit ko nang hindi inaalis ang pretty smile ko.
"Wala na." sabi nung lalaki.
"Okay po." then dumiretso na ako sa kabilang table, para kunin ang mga plato at linisin yung lamesa para sa susunod na customer. Pagkalagay ko sa sink ay agad akong sumulyap kay Bebe boss na ngayon ay pawis na pawis dahil sa kanyang niluluto.
YOU ARE READING
Chained by Food
RomanceIsang assistant cook na may playful personality at isang magaling at masungit na owner/chef ng isang restaurant. Magkasalungat na personatlity pero pagtatagpuin ng dahil sa pagkain at pagluluto. Makukuha kaya nila ang tamang recipe ng kanilang love...