Chapter 18: Lost Memory

4.3K 125 5
                                    



Minulat ko ang aking mata at napansin kong wala ako sa kwarto ko. Umupo ako sa pagkakahiga at agad na napahawak sa ulo ko ng medyo kumirot ito.

Bumukas bigla ang pinto at tumakbo papunta sa'kin sila Jessy at Chienna.

"Veronica dear! Nakakaloka kana ha! Ano nanaman nangyari sa'yo ha? Di na ko magugulat kung malaman na naman namin na hinimatay ka na naman." Binatukan ni Chienna si Jessy at tinulak palayo sa'kin.

"Okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo?" Nag-aalalang tanong ni Chie kaya umiling lang ako at ngumiti.

"Asan nga pala ko?" Sinimangutan ako ni Jessy at nag crossed arms.

"Nasa clinic ka! Alam mo nakakaloka ka na ha! Sa dinamidami ng lugar kung saan ka pwedeng himatayin ay sa CR pa ng mga lalaki!" Nakasimangot na sabi ni Jessy habang si Chienna naman ay nag pipigil ng tawa.

"Ano ba kasing ginagawa mo sa uhmmm CR ng lalaki?" Nahihiyang tanong ni Chienna.

Umiwas ako ng tingin at agad na bumigat ang loob ko dahil sa dalawa kong nararamdaman. Sakit at pag tataka. Tungkol sa engagement ni Valentine kay Kia at ang imaheng nakita ko.

"Hindi ko rin alam e." Tipid akong ngumiti.

Nag tinginan sila Jessy at Chienna na para bang nag-uusap sa isip nila. Pekeng umubo si Jessy na halatang halata kaya hindi ko maiwasan kumunot ang noo ko. Anong meron?

"M-may gusto nga p-pala kaming ipakilala s-sa'yo." Nauutal na sabi ni Jessy. Tumingin siya kay Chienna at parang may sinesenyas na hindi ko maintindihan. Agad na tumango si Chienna at umubo rin siya.

"*ubo *ubo pwede ka nang pumasok *ubo *ubo." Pag-ubo ni Chienna.

Biglang bumukas ang pinto at may nakita akong isang pamilyar na nilalang. Ngumiti siya at nag lakad palapit sa'kin.

Tinignan ko siya mula ulo hanggan paa pero hindi ko maalala kung sa'n ko siya nakita at nakilala.

Mahinang natawa ang lalaking nasa harapan ko na agad kong ipinagtaka. Umupo siya sa gilid ng hinihigaan ko at tumingin sa mga kaibigan ko.

"It's funny that she knows my name and have been searching for me but she looks like she doesn't recognize me." Nakangiting sabi niya sa kaibigan ko dahilan para lumabas ang malalim niyang dimple sa kaliwang pisngi.

Napakamot ng ulo si Jessy at nahiyang ngumiti naman si Chienna at pinandilatan ako ng mata.

"Sorry, pero hindi kita kilala mister." Sabi ko sa lalaking nasa paanan ko. Tumingin siya sa'kin at ngumiti.

"It's kinda funny because you don't know that i'm the one you're looking for." Lumaki bigla ang mata ko at nalaglag ang aking panga.

W-what?! T-talaga ba? Siya s-si...

"Surprised?" Nakangiting tanong niya, hindi ba siya nangangalay kakangiti?

Dahan dahan akong tumango at tumingin kela Jessy na natatawa sa reaksyon ko.

P-pero totoo? Siya ba si Shawn Gueverra? Matutulungan niya ba 'kong maka move on sa paasang si Valentine?

"Veronica dear, lalabas lang muna kami ni Chienna, ah?" Kumunot ang noo ni Chie kay Jess na halatang nagtataka.

"Huh? Ba't tayo lalabas?" Siniko naman siya ni Jess at may binulong bago niya tuluyang hinila si Chienna palabas ng kwartong ito.

Bumaling ang tingin ko kay Shawn na nasa paanan ko pa rin ngayon.

"How are you feeling? First step is already waiting for you."

Bigla naman akong napatigil. Ito na ang pinakahihintay ko. Ang maka move on kay Valentine dahil engage siya kay Kia at dahil hindi kami para sa isa't isa.

Pero bakit nag dadalawang isip ako kung itutuloy ko pa ba o hindi?

"Having second thoughts, eh?" Nahihiyang ngumiti naman ako sa kanya dahil totoo.

"Don't worry, it's okay. Hindi naman kita minamadali. Tara, physical combat is going to start already." Tinulungan niya 'kong makatayo at inalalayan ako sa paglakad paalis sa kwarong 'to.

Pero nakakailang hakbang pa lang kami nang bigla akong mapatigil at mapaluhod sa sakit ng ulo ko.

"Arrgghhh!" Napaungol ako sa sakit dahil parang binibiyak ang ulo ko.

"Veronica! What's happening?!" Nararamdaman ko ang mahinang pagyugyog ko ni Shawn sa balikat ko pero hindi ko siya masagot sa sobrang sakit.

"Hold on, okay? Tatawag ako ng nurse!" Naramdaman ko na umalis na siya sa tabi ko pero lalo lang sumakit ang ulo ko. Patagal ng patagal para na kong mamamatay.

Bigla akong napahinto at natulala pero patuloy pa rin ang sakit ng ulo ko.

Isang kwarto. Madilim. May natutulog na babae at may umiinom ng dugo niya sa may leeg.

Bigla akong napahawak sa leeg kong may marka na parang kinagat.

Hindi malinaw ang mukha ng babaeng nakikita ko pero alam ko kung saang lugar yun nangyari at kilalang kilala ko ang hubog ng katawan ng bampirang umiinom sa leeg ng babae.

Valentine.

Ito yung panahon na nag sleep over kami sa dorm ko...

Pero hindi lang kami ang nandon... Andon din si Kia.

Binura niya ang alaala ko kaya pala kinabukasan nagtaka ako kung bakit may kagat ako sa leeg.

B-bakit naman niya binura ang alaala ko? Y-yun lang ba ang nangyari? Wala na ba kong iba pang nakalimutan?

Kumalma na ko at nawala na ang sakit sa ulo ko. Pilit kong inaalala ang mga nangyari ng gabing yon pero wala na kong maalala...

Alam kong may kulang at aalamin ko kung ako 'yon.

Bumukas bigla ang pinto at agad akong lumingon sa pag aakalang si Shawn at mga nurse at doctor ang mga kasama niya pero hindi.

"Valentine."






•—•—•—•—•—•—•

Sorry for the late update! :(

Ito nga po pala explanation hehehe

Chapter 9 po yung part na kinagat siya ni Valentine habang 'tulog' siya pero gising po talaga siya no'n tapos po sa Chapter 10 ay nagising siya na hindi niya alam kung bakit may kagat ang leeg niya.

Sorry din dahil di po natuloy yung UD every week :(

So ayun po, Merry Christmas!🎄🎅

Vote & Comment❤️

She's the Vampire Queen (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon