Chapter 21: Headmaster

5K 189 151
                                    


Hawak ni Queen ang kamay ko hila hila ako papunta sa office ng headmaster ng huminto ako sa paglakad.

"U-uhmm Queen... Bakit niyo po ako gustong isama sa meeting niyo ni headmaster?" Nagtataka kong tanong.

Ngumiti siya sa'kin at pinagmasdan ang mukha ko.

"Sa totoo lang... Hindi ko rin alam. Ang gaan gaan kasi ng loob ko sa'yo. Tsaka sa tingin ko ay kailangan ko rin ng tulong mo."

Ngumiti nalang ako sa kanya kasi hindi ko alam ang sasabihin ko at nahihiya ako sa kanya..

Pero natuwa ako nang sabihin niyang magaan ang loob niya sakin. Napangiti ako bigla. Magaan din po ang loob ko sa inyo, Queen.

Pagpasok namin sa office ng headmaster ay ganun pa rin ang itsura nito tulad pa rin ng una kong punta dito.

"Queen Tiana! Masaya ako at nakapunta ka dito at.. May dala kang bisita." Ngiting sabi ng headmaster at nabaling sakin ang atensyon niya.

"Bakit naman ako hindi makakapunta? Tsaka nakasalubong ko kasi 'tong magandang dilag na ito kaya naisipan kong isama siya kasi sa tingin ko ay may maitutulong siya." Ngiting sabi ni Queen.

"Sabagay..." Mahinang saad ng headmaster.

"Upo kayo."

Umupo sa single sofa ang headmaster sa tapat namin habang kaming dalawa ng Queen ay nagtabi sa sofa niya. Masaya akong kasama ang Queen ngayon dahil sino bang hindi di ba? Si Queen Tiana yan e.

"Headmaster, gusto ko sana na dito maganap ang kasal at sana ay mangyari ito within two or three months? Pero pwede ding at the end of the month din. The earlier the better." Queen said happily.

Gulat akong napatingin sa kanya at parang tumigil ang mundo ko. T-tama ba ang narinig ko? Tungkol kaya 'to kela....

Yumuko ako at tinignan ang sahig. Nagsimula nang bumilis ang aking paghinga at sinusubukan kong pakalmahin ang sarili. Veronica, chill... Relax!

"Hija, are you listening?" Sabay hawak sa balikat ko. Pag angat ko nang tingin ay nasalubong ko ang nag-aalalang mata ni Queen.

"Ah.. Pakiulit nalang po..." Nahihiyang tugon ko.

"Ang sabi ko bagay ang anak kong si Kia at Valentine 'di ba? They're the perfect match!"

Napalunok ako at ngumiti nalang.

"Queen, I think mas maganda kung at the end of the month nalang ganapin ang kasal nang dalawa dahil tulad ng sinabi mo, mas maaga mas maganda." pag sang ayon ng Headmaster. At ngumiti ito sakin ng may halong pang asar???

"Ikaw hija? Alam kong close kayo ni Valentine dahil nakikita ko kayo minsan. Come on wag ka na mahiya let us hear your thoughts." Malumanay niyang sabi.

Should I really tell them what my thoughts are? Ugh! I need Shawn! Hindi ko alam kung sasabihin ko ang totoo na mas maganda kung matagal pa ang kasal kasi..

Kasi baka may pag-asa pa ko o sasang-ayon ako na ikasal sila sa katapusan ng buwan at iiwas nalang ako pero...

"Opinyon ko lang po ito.. Pero para po sa'kin ay mas maganda kung matagal pa po sila ikasal. Para naman po maenjoy nila ang freedom na meron pa po sila lalo na't hindi pa po sila kasal." Normal kong sabi sa harapan nila pero sa totoo lang ah kinakabahan ako.

Nakita ko naman na parang napaisip sila sa sinabi ko.

"Headmaster, i think she's right. Babalik nalang ulit ako pag tamang panahon na." Sabi ni Queen at mahina pang natawa.

"I'll get going." Tumayo na siya at tumingin sakin. Mga mata niyang sinasabi na 'halika na. I wanna spend more time with you.' Pero biglang nagsalita ang headmaster.

"Ms. Villanueva, let's talk. You may go now, Queen." Tumayo ang Headmaster at nag bow sa Queen.

The Queen smiled at us bago siya umalis.

Agad na tumingin sa'kin ang headmaster at ngumiti ng kakaiba. More on pang-asar na ngiti kaya napaiwas ako ng tingin.

"Hindi ako tulad ng Queen, Ms. Villanueva. I know the reason kung bakit ayaw mo muna sila magpakasal. At hindi dahil sa bata pa sila at para maenjoy ang buhay na hindi pa sila kasal ang dahilan." Mapang asar nitong sabi kaya napatingin ako sa kanya.

Naiinis ako kasi totoo ang sinasabi niya argh! Naramdaman kong namumula na ang buong mukha ko pero pinipilit ko pa rin hindi mag paapekto.

"Po? Hindi ko po alam kung anong sinasabi niyo..." Pag-mamaangmangan ko.

Umiling-iling ito at sumipsip sa wine niya. Nagulat nalang din ako nang may hawak na siyang wine. Well, perks of being a Vampire.

"You can't fool me and you can't fool yourself either."

Napaiwas ako ng tingin at napag isipan na lumabas na dito. I can't believe na may ganitong side pala ang headmaster!

"Mauuna na po ako." Tumayo ako at bubuksan na sana ang pinto nang may sinabi siya.

"Have faith in him. Everything happens for a reason."

Agad akong lumabas at napahinto nang makita kung sino ang nasa harapan ko.



—•—•—•—•

Kung meron pang nagbabasa ng story ko ay Hi sainyo!

I love you❤️

pero i just wanna be honest na parang hindi ko na kayang ituloy 'tong story na 'to. Ayun skl hehez

God bless!

She's the Vampire Queen (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon