Chapter 3
Sabado ngayon at maaga akong ginising ng mga pinsan ko para sa dinner mamaya na plinano ni lolo nung nakaraang lunes kung kailan ako nagkaroon ng napa kalaking bukol sa noo and it was like a nightmare to me.
Nung nalaman ng pinsan ko ang nangyari ay hindi ko alam kung natuwa ba sila at sinapit ko yun dahil tinakasan ko sila nung araw na yun o nagalit dahil sa sinapit ko pero parang mixed emotion ang naganap sa kanilang tatlo nung nakita akong may bukol sa noo.
But for me, I felt mad and happy at the same time and I don't know why is it like that. Baka epekto ng pagkakatama ng bola sa noo ko, imagine softball pero bakit parang thankful pa ako? Weird.
Napa lingon ako sa pinto ng may kumatok doon. Dali dali akong tumayo para pagbuksan kung sino man yun at iniluwa doon ang mga pinsan kong naka ngiti ng malapad. Kunot noo ko silang tiningnan isa isa na ngayon ay nasa kama ko at preskong naka upo.
"Bakit kayo naka ngiti ng ganyan? May nangyari ba?" Tanong ko habang nasa hamba pa rin ako ng pintuan ko.
They're giving me goosebumps, kung maka tingin talagang nakaka kilabot lalo na ang pag ngisi nilang tatlo.
"Bakit ba?" Naiinis na tanong ko ulit pagka tapos kong sinara ang pinto.
"Ikaw ah, there's something about you that we don't know." Naka ngising sabi ni Jyne habang binibigyan ako ng maka hulugang tingin.
Napa isip ako sa sinabi niya. "What do you mean?" Tanong ko pa.
Ngumisi ulit sila ng sabay kaya napa irap ako sa inis. Seriously? What's with them? They're creeping me out.
"Wala ka bang naaalala?" Naniniguradong tanong ni Checa ngayon.
"Magtatanong ba ako kung mayroon at alam ko kung bakit kayo nagkaka ganyan?" Inis na sagot ko na nagpatawa pa sa kanila.
Ano bang hindi nila alam tungkol sa akin ngayon? Wala rin naman akong matandaang iba bukod sa nangyari sa akin nung lunes.
Napa tigil ako nung maalala ko yun. Could it be about that? Tiningnan ko sila ngayon na naka ngisi pa rin.
"Wait, tungkol ba to sa nangyari sa akin nung lunes?" Tanong ko. "Wag mong sabihing alam na ni lolo ang tungkol dun? You didn't tell him right?" Sunod sunod na tanong ko.
Hindi pwedeng malaman ni lolo ang tungkol dun dahil iba talaga siya magalit pag may hindi magandang nangyari sa isa sa amin.
"Uh? Ano ka ba, syempre hindi namin sinabi yun at baka damay damay ulit tayo." Sagot ni Jyne. "Ayoko ng mapagalitan noh, sawa na ang beauty ko dun at tingin mo ngingisi ngisi kami ngayon kung alam na niya?" Dagdag pa niya.
"Then why are you guys acting like that? What is this exactly all about?"
"Come on Keiy, its all about them." Sabat agad ni Checa.
"Them?" Ulit ko. Sino?
"Exactly pinsan! Yung mismong nagdala sayo sa clinic nung lunes remember? Sila na yun yung pinag uusapan natin nung nasa classroom pa tayo bago kapa matamaan ng bola." Pahayag ni Jyne.
"Ang swerte mo girl!" They said in unison while hugging me tight.
Isa isa kong inalis ang mga kamay nilang nakapulupot sa akin. "Ano ba naalibad baran ako sa inyo." Ismid ko. "Ano naman kung sila? I don't care about them dahil mas masahol pa sa aso ang ugali." Dagdag ko sabay batok ni Jyne sa ulo ko.
"Ano ba?!"
"Naririnig mo ba ang sarili mo Keiy? At naku pag narinig yang sinabi mo ni lolo talagang malalagot ka ng husto." Gigil na saad niya.
YOU ARE READING
PERFECTLY, IMPERFECT
Fiksi Umum"We maybe imperfect for each other, but damn I Love You perfectly."