Chapter 1

7 3 3
                                    

Zeshcha's POV

"Cha!, Bumaba ka na! 7:25 na o." Sigaw ni mommy sa baba.

"Bababa na po!"

"Tatanghaliin ka na naman niyan!" Pasigaw na sabi ni mama sa baba.

Pupunta ako ngayon sa School, kukunin ko yung schedule ko for the class next month.

"Kumain ka na jan, aalis na'ko. Siguro 12:00 midnight na'ko makakauwi."

"Ok, ilagay nyo nalang yung susi sa bag ko, baka makalimutan ko na naman yan."

Niligpit ko na yung pinag kainan ko. Wala ngayon si yaya, umuwi sa province nila. Mabait naman ako kaya ako nalang maghuhugas at magliligpit. Mwehehe.

Pumunta muna ako sa kwarto ko, para makapagbihis na. Pagkatapos kung magbihis bumaba na'ko.

Pagbaba ko nandun na sa labas si Kuya Ben, yung driver namin. Nilock ko yung pintuan at ang gate. At sumakay na'ko sa kotse.

****

Seconds---minutes----hours pass, nakarating na'ko sa campus. Medyo malayo kasi yung school namin.

Dumiretso na'ko sa Office ng head ng school namin.

Medyo marami ng naring students, tanghali na kasi akong nakarating.

Habang papunta sa office, nakita ko si Ms. Gonzales.. siya kase yung Head. Hinabol ko siya..

"Ms. Gonzalez!"

"Excuse me...Pardon me...Excuse me" nagsiksikan kase yung mga tao sa hallway kaya pinilit kung dumaan, dun kase dumaan si Ms. Gonzales.

Ng makalayo layo na ako sa mga nagsisiksikan na mga estudyante. Dumeretso ako sa office, di ko tuloy naabutan si Ms. Gonzales.

*Tok*tok*tok*

"Come in.." ng marinig ko ang boses ni Ms. Gonzales pumasok na'ko sa loob.

"Good Morning Ms, Kukunin ko po yung Sched. Para sa pasukan." Sabi ko.

"Oh. Wait. Take a sit, kukunin ko lang." Sabi ni Ms. Gonzales.

"Thank you po." Sabi ko.

"How's your mother? Kamusta kayo?" Sabi niya habang may kinukuha sa drawer ng table niya.

"Ok lang naman po kami." Sabi ko habang nakatingin sa kanya.

Si Mama at si Ms. Gonzalez ay Magkapatid. Hindi ko siya tinatawag na tita 'pag nasa Campus ako. Kung wala naman ako sa campus, at nasa bahay or anywhere dun ko lang siya tintawag na Tita.

"Here." May inabot siya sakin na green paper.

"Thank you po." Sabi ko habang nakangiti sa kanya.

"You're Welcome, my dear."

Si Tita Cherry Gonzales ang Head ng school namin. Mabait naman siya, pero napaka strict din. Strict kase siya sakin kase ako lang babae sa side nila mama.

Dalawa lang silang magkakapatid, at si mama lang ang nagkaroon ng anak sa kanila.

Hindi nagkaroon ng anak si Tita Cherry, dahil maagang namatay ang asawa niya dahil sa Car accident.

Nagpaalam na'ko sa kanya at lumabas na ng office.

Dumeretso na ako sa parking lot.

Hinanap ko yung sasakyan, at nasa dulo ito ng parking lot.

Pagkarating ko sa pinag park ng sasakyan, sinalubong ako ni Kuya Ben.

"Uuwi na po ba tayo Ma'am?" Ani niya habang pinagbubuksan ako ng pinto.

"Mag drive-thru muna tayo, medyo nagugutom na kase ako."

Pinaandar na niya ang sasakyan. Habang Nasa biyahe naka idlip ako.


*****



"Ma'am... nandito na po tayo." Nasa tapat ng gate na pala kami ng bahay. Naka tulog pala ako buong byahe.

"Kuya, hindi tayo nakabili ng pagkain nakatulog---" naputol ang sinabi dahil may inabot kase siyang paper bag sakin.

"Ako napo ang bumili para sa inyo Ma'am, mukhang ang sarap ng tulog nyo eh kaya hindi nalang kita ginising." Sabi niya habang kinukuha ko yung paper bag.

"Thank you talaga Kuya Ben." Nginitian ko siya.

"Wag mo na nga akong tawaging Ma'am kuya, Zeshcha nalang po."

"Sige" sabi niya habang nakangiti.

Matagal ng driver namin si Kuya Ben. Bata palang ako siya na ang driver namin.

Siya na ang naghahatid sakin noong Grade school palang ako. Nasa 40's na ata ang edad niya.

"Papasok napo ako.." nag thumbs up lang siya.

Pagpasok ko sa bahay pumunta muna ako sa kwarto ko para makapagbihis.

Tinignan ko orasan ko, 3:50 pa pala ng hapon. Dinaliaan ko na sa pag bihis, gutom na gutom na talaga ako.

Kinuha ko yung paper bag sa kusina.

Binuksan ko ang TV. At nonood ng palabas habang kumakain.

Tumayo ako para kunin phone ko sa kusina, baka naiwan ko dun.

"..wala?" Bat' wala sa kusina?

"Nasan ko ba yun nilagay?.."

Umakyat ako sa taas, baka sakaling nasa kwarto yung phone ko.

"..ayun!.. nandiyan ka lang pala---.."

May narinig akong nabasag mula sa baba.

12 midnight pa naman makakauwi si mama, ako lang ang tao dito.

"Sino yan..?" Nanginginig akong lumapit sa hagdanan at may hawak na walis.

Walang sumagot.

"Ma... ikaw bayan..?

Takot na takot na'ko, juice colored!.

*BOGSHH*

"Ano na naman yun..?"



Nang makababa na'ko...



"Walang tao.."



Pumunta ako sa kusina baka nandun.



INHALE..





EXHALE..



INHALE..





EXHALE..




INHALE..


Nang makapasok ako sa kusina...




"AHHHHHHHH!!!"

----

AUTHOR'S NOTE:

Abangan nyo po ang next update :>

Sana nagandahan po kayo..

Sino kaya yung nasa kusina ng bahay nila Zeshcha?

Abangan.. :>


Bakit Siya Pa?Where stories live. Discover now