Hi guys! Second update na! Sana nagandahan lang kayo :>, enjoy reading!
****
"AHHHHHH!" sigaw ko habang hawak ko ang walis at sabay itinaas ito. Ipapapalo ko na sana ''tong walis sa taong nakatalikod, pero..
"HOY MANANG! Anyare sayo!?"
Hayst, Manang talaga!?
"KUYA DRAKE?"
"Ano yan!?" Tinuro niya yung walis na hawak ko na nakataas.
"Dust pan. Dust pan 'to kuya!" Kitang-kita naman niya na walis diba?
"Napakapilosopo mo talaga." Sabi niya habang naghuhugas ng kamay.
"Ipapalo ko sana 'to sayo eh." Sabi ko at itinataas-taas ko yung kilay ko.
Tumingin siya sakin..
"Ano!? Bat!?"
"Akala ko kase magnanakaw yung pumasok eh, kaya dapat ready."
MWEHEHEHE
"Itong napaka gwapong mukhang 'to, magnanakaw!?". Sabi niya habang nakaturo sa mukha niya.
"Oh bakit? Kamukha mo nga yung mga adik sa kanto eh."
Wahahaha.
"Ikaw talagang babae ka! Umalis ka nga diyan!"
Tinulak niya ko sa may lababo, kaya nasubsob ko yung mukha ko.
"Bakla! Bakla! Baklaaaa!" Sigaw ko sabay takbo sa sala.
Manang tawag niya sakin? Kaya Bakla din tawag ko sakanya. Kaya Patas na kami.
Sinamaan niya ako ng tingin.
Buti nga sa kanya.
Padabog siyang umakyat sa taas papunta sa kwarto niya.
Nakaganti din ako sakanya.
Palagi niya lang akong inaasar. Nung isang araw nga nung may bisita si Mama, business partner niya. Napahiya ako dahil sa kanya.
Flashback
Inutosan ako ni mama na magtimpla ng juice para may maiinom sila nung bisita na dumating.
Kaya nung nilagay ko na sa lamesa yung juice, umupo ako sa may katapat na upuan malapit kay kuya.
"Cha, kumuha ka ng makakain dun sa kusina.." sabi ni mama, kaya tumayo ako para kumuha.
"Ano yan? Bat may pula?" Sabi ni kuya drake o kuya bakla, habang nakaturo sa short ko.
Bat may... nung isang linggo lang ako nagkaroon ah....wala na dapat 'to..
Di kaya...
Tinignan ko yung upuan ko, at tumingin kay kuya, may itinuro siya.. Ketchup!?
ARRGHHHHH!!
NILAGYAN NIYA NG KETCHUP YUNG UPUAN!?
Tiningnan ko si kuya..
Nakakabwesit talaga!!
Nagsenyas lang si mama na umakyat nalang ako sa taas...
Sinunod ko nalang siya, baka kung ano pa ang magawa ko kay kuya, nakakahiya sa bisita ni Mama.
Nagbihis na'ko pagkarating ko sa kwarto ko.
END OF FLASHBACK
Para talaga kaming mga aso't pusa 'nung kapatid ko.
Ganyan naman lagi yun eh. Pero mabait naman yun, napaka strict din nun sakin. Pag may magtangkang lumalapit na lalake sakin sasamaan niya ng tingin, kaya ni isang lalake na lumalapit sakin, wala.
Napaka protective niya sakin. Pero nakakabwesit din minsan.
Pagkatapos kung magbihis, naisipan kung wag munang bumaba. Matutulog nalang muna ako. Tiningnan ko ang orasan sa bedside table ko, 5:45 na pala.
Humiga na'ko sa kama.
Umiinit pa ulo ko dahil sa kapatid ko.
Itutulog ko nalang 'to...
*****
YOU ARE READING
Bakit Siya Pa?
Teen FictionSa muli niyang pagmamahal, sa maling tao pa siyang umibig. Sa mga araw na sila'y magkasama, makalimutan pa kaya nila ang isa't-isa. Sa mga oras, panahon na sila'y maligaya. Sa mga pagsubok na dinaanan nila, magbabago pa kaya sila. Makakalimutan...