naabutan kong nagpapa tan skin pa din sila ..
kaya tumuloy na ako sa loob ng hotel .
natuyo din ang scarf na nilabhan ko .
manipis lang naman kasi.
naupo ako sa kama namin at tinupi iyon.
narinig kong may nagpihit ng doorknob.
biglang pumasok sa loob ng kwarto si Jacey
na nakashades.
"taas ng araw sa kwarto ah .."
bungad ko sa kanya na papalapit sa kama
at umupo din sa tabi ko.
"anyare sa inyo kagabi ?
bakit mga lasing na lasing kayo..."
tanong ko ..
"ehh pano ba naman kasi, malupit yung kasamang
babae ni Cas ..
tsk.tsk.. #~#
nagdala ng limang red horse na malaki nung magkakasama na tayong lahat kagabi.."
sagot nito na nakatingin sa akin at nakakunot noo..
hinihimas niya din ang kanyang ulo ..
"bakit hindi man lang kayo nag abot sa aming dalawa ?"
angal ko .
"nakoo(!!) nang aakmang tatayo na ako para tawagin ka, pinaupo niya ako bigla.
at ang sabi ,
hayaan na lang kayo .
pinagbigyan ko,
ang wild niya kasi sabay abot ng isang baso na puno ng alak. lasing na lasing na siya kaya puro tig isang baso binibigay niya .
ang saya saya niya nga eh . ewan ko ba (!!!)
san napulot ni Cas yun !
kalooka !
parang hindi babae X) "
sagot ni Jacey ..
"ayy ganun ba .
sayang naman .
sino ba yung babae na sinasabe mo ?"
tanong ko ..
"pakibukas nga yung aircon Tay at magpapahinga na
ako .
habang tulog ka kanina, nagpasikat muna kami sa araw para mawala yung sakit ng ulo ..
kaso yung iba,
nananaginip pa ata sa labas hanggang ngayon.."
utos niya sa akin na siya namang sinunod ko ..
"yung babae sabi ni Cas kaninang umaga,
lumapit lang daw sa kanya kagabi at dinala siya sa gitna ng dance floor
para sumayaw ..
eh ito naman siyang loka loka, nag inarte kaya nung inalisan niya ito, panay ang buntot dito kahit saan .
kaya yun, sumama hanggang sa bonfire moment natin,
hinayaan niya na lang .."
kwento niya sa akin habang pabalik ako ng pag upo sa kama namin ..
"ohh limang bote lang naman nainom niyo ahh ??
bakit parang sakit na sakit kayoo ?
anyaree ?"
ang pagtatakang ewan x_x
"hayy nakoo tay (!!)
pagkatapos nung lima, nagdagdag pa siya ng lima pa ulit . ang tibay ng sikmura teh .
kaya nga nang uuwi na kami,
pinabayaan siya ni Cas
mag-isa haha =D"
sabi niya habang inaayos ang sarili para makahiga na at tinanggal niya ang shades niya.
"hiyang hiya nga si Cas sa pinag-gagagawa ni girl ehh,
haha xD"
hirit niya pa ..
"matulog ka na nga diyan.
mukha kang sinapian sa mukha mo.
ang laki ng eyebags mo
haha =] "
"at matutulog din ako,
wala naman din akong magawa.."
at humiga na ako sa tabi niya.
"osge, sweetdreams ateng ..
infairnes ah, gwapo ng kasama ko kagabi.."
humirit pa >_<
"ahh, lumapit lang yun sa akin kagabi sa may dalampasigan.
nawala kasi kayo kaya umalis na lang ako."
paliwanag ko na hindi naman dapat +_+
"ahuh .. akin nga eh, ang hinhin masyado,
pero ang sexy,
ewan ko ba, kinapitan ata ako ng pagiging lalaki ko , haha !"
sabi na at bibigay toh eh -_-!
"kulang ka lang sa landi ehh..
siya nga pinaka maganda kagabi ehh =D"
agree ko sa kanya ..
tiningnan ko phone ko.
mag 1 pm na.
"tulog na tayo Tay~
may hang over pa tayo mamaya, alam kong puyat ka din noh .
anong oras ka na umuwi kagabi ehh.."
sabi niya,
nanermon na,
nag aya pa ng gimik *~*
"oo nga ehh, hindi naman napansin ang oras ."
sagot ko sa kanya habang itinabi ang scarf sa gilid ko .
"tulog na , meron pa palang gimik mamaya .."
dagdag ko ..
bigla kong naipikit ang mata kong puyat ..
ganun din si Jacey,
nakapaharap siya sa akin at ako naman nakaharap sa gawing kanan ko .
at natulog na kami ..
