XI.

3 1 0
                                    

lumabas na lang ako ng pinto ng kwarto,

nakita ko siyang inaayos ang mga pinamili niya sa lamesang maliit sa sala .

mga beer at pulutan .

nakita niya ako sa tapat ng pinto ng kwarto niya.

"pa-....pasensya kung pumasok ako ng walang pahintulot.

nakita ko kasing bukas ang door knob kaya pumasok ako para ibalik itong scarf sayo kaso walang palang tao"

pangunguna kong dahilan sa kanya na nakatingin lang sa aking habang nagsasalita ako.

nakatingin lang ako sa kanya na kinakabahan.

"nag-abala ka pang ibalik yan,

sana itinapon mo na lang "

ngumiti siya ng kaunti

sabay tingin ulit sa inaayos niya at binuksan ang t.v pati dvd para manuod.

"dito ko nalang ilalapag, aalis na ako. Magandang gabi"

pagpapaalam ko sa kanya habang inilalapag ang scarf sa sofa .

"dito ka muna,

sabayan mo na lang akong uminom, diyan lang naman din ang tinutuluyan mo"

hmm .. ano ba yan -_-

hindi ako makatanggi .

tiningnan ko lang siya ng puno ng pagtataka .

"siguro naman walang masamang ayain ka manuod at uminom .

wag ka mag-alala hindi kita lalasingin "

sabay ngiti ng bahagya .

nilapitan niya ako at hinawakan ang wrist ko saka

pinaupo sa sofa niya.

"ano bang gusto mong panuorin??"

tanong niya sa akin .

"hmm .. horror na lang kung meron kang cd nun .."

sagot ko .

lumapit siya sa tabi ng t.v .

dun nakalagay lahat ng cd na mayroon siya .

kinuha niya ang isang lagayan ng cd na makapal at binigay sa akin ..

" pili ka na lang kung anong napupusuan mo "

bumalik na siya sa ginagawa niya .

nakalabel ito na 'horror' sa gilid .

siyempre binuksan ko ito.

ang dami o_O

tiningnan ko isa-isa at may isang nakapukaw ng pansin ko dahil design palang nakakadiri na ..

naisara ko agad ang cd book .

"ikaw na lang pumili "

tumayo ako sabay balik ng lagayan ng cd sa dating kinalalagyan .

"okay" tipid niyang sagot.

bumalik ako sa kinauupuan ko.

natapos na siya kaya siya na naghanap .

hindi ko nakita ang cd na napili niya kaya nanatiling akong tahimik.

umupo siya sa tabi ko at saka naglagay ng alak sa baso namin .

pagkatapos lagyan, inabot niya sa akin ang isang baso na puno at purong alak .

tiningnan ko ang alak pagkatapos ay sa kanya,

dahil isang baso 0~0

hindi ako lalasingin pero

ano toh ??

inalok pa uli ng kamay niya para kuhain ko,

kaya kinuha ko na lang .

"salamat .

stress reliever na din "

pagpapasalamat ko sa kanya, na may kaunting ngiti lamang.

nagsimula ang palabas.

hindi ko na tinanung kung anong title ng pinapanuod namin.

kain ng pulutan at inom lang ang ginagawa namin habang nanunuod.

tahimik lang kaming dalawa.

sa tuwing mauubos ko ang nasa baso, nilalagyan niya ito.

hanggang sa matapos ang palabas,

nanatili akong nakaupo tahimik at tiningnan na malapit na maubos ang aking alak at makakauwi na din ako.

pinatay na niya ang t.v gamit ang remote at napansin sigurong paubos na ang nasa baso kaya nilagyan niya ulit .

"nakakarami na ako,

last na yan ahh ."

reklamo ko na soft and cold na boses ..

"ihahatid na lang kita sa kwarto mo, total andyan ka lang naman =)"

sagot nito .

well, nakuha niya ang punto kaya pinagpatuloy ko .

medyo inaantok na ako kaya naman sumandal muna ako sa sofa at habang iniiot ng daliri ko ang yelo sa baso .

binuksan niya ang music player niya and he play the song "Could this be love " ng The Wanted .

Tiningnan ko ang player at nakita ko ang album nito .

bumalik ako sa kaninang posisyon at pumikit ng kaunti.

naramdaman kong kinuha na niya ang baso kahit hindi pa ubos .

"tama na . pahinga ka na "

sabi niya sa akin habang inililigpit ang mga pinagkalatan namin .

"sige "

agad-agad kong sagot dahil pagod ako .

pinabayaan niya lang ako sa sofa na matulog .

Summer ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon