Chapter 1: The First Gate of Hell
-----
"I don't wanna be here"
"Mama, gusto ko na umuwi"
"Okasan! Otosan!"
"Papa! Mama!"
"mangadto ta !!"
"Mitera!"
"Please save us!"
"La mère m'aide!!"
"Ich will nicht hier sein!"
"what the heck do you want from us?!"
"Jeg vil ikke være her?!"
"ik wil hier niet zijn!"
"thélo na páo spíti!"
"Ràng wǒmen qù!!"
"Quid heck sunt tibi a nobis!?"
"Watashitachi ni ikou! !"
maririnig ang iyakan at paghinging tulong ng mga bata sa loob ng warehouse, kung warehouse nga ba itong maiituturing dahil napakalaki kasi nito at nasamahigit 1500 bata ata ang nasa loob noon. tatlong araw na mula ng dalhin sila doon ng paunti unti at kanina lamang ipaliwanag kung bakit sila naroroon at ang mga patakaran na dapat nilang sundin. Sa sobrang daming batang nandoon at galing pa sa ibat ibang bansa maririnig mo ang paghingi nila ng tulong sa ibat ibang lenggwahe. Kahit mga dialekto na hindi mo pa naririnig ay mayroon din dun, ibat ibang kasuotan na kala mo ang iba ay galing pa tribo at mga natatagong kabundukan. Meron ka ding makikita na mga bata na galing pa sa mayamang pamilya damit sa uri ng pananamit nito, meron ding halos basahan na ang suot at may ilang kala mo ay galing sa loob ng preso dahil sa puros galos at pasa ang mga katawan.
Sa isang gilid, kapansin pansin ang limang bata na walang buhay ang mga mata at terno ang suot na puting damit. Tahimik lamang silang naka upo at walang mababakas na kahit anong emosyon sa kanilang mga mukha. May posas ang isang kamay ng mga ito at sugat sugat ang mga wrist na para bang pilit itong kumawala sa pagkakaposas. Kita rin ang mga lapnos at sugat ng mga ito sa ulo at leeg meron ding pasa sa braso at mga binti, kung titingan at susuriin ang braso at pulsuhan nila ay makikitaan din ito ng napakaraming bakas mula sa turok.
"please proceed to your camp and pack the supplies that you will be needed in order to survive the game" anang babae sa intercom. agad namang tumalima ang iba, habang ang karamihan sa mga bata na naroroon ay umiiyak pa dn. "In the next 3 hours we will open the gates and the game will start. Be sure to select a weapon that can help you protect yourself. Good luck players." patuloy pa ng babae, lalo namang umingay ang buong lugar dahil sa sinabi nito.
Makalipas ang isang oras ay nahati ang mga bata sa labing limag grupo. Kahit naguguluhan ang karamihan ay kumuha sila ng mga kagamit na pwede nilang gamitin, nakahilera ang ibat ibang klaseng armas sa gilid ng buong warehouse. Hindi man sigurado, kumuha sila ng mga armas na kaya nilang dalhin.
Katana, Falchion, Sabre, Battle Axe, Glave, Partisan, Multi-purpose AKM Type, Russian AK-47 bayonet, Soviet AKM type II, M5, M6, M7, M1 Garand, Schrade Cutlery - Old Timer Model 1520T Sharpfinger, 152 Old Timer Sharpfinger, SOG Knife, Glock Survival Knife (Feldmesser 81), pila, arrows, pugio, spear, bow, long bow, sling, musket, throwing spear, shuriken, kunai, axe, sickle, harpoon, javeline, kestros, BC-41, chains, V-42 Stiletto, FMFRP 12-80, Fairbairn–Sykes, M1917, bowie knife, at marami pang iba na nakikita lamang sa mga movies na ginamit ng mga gladiators at sa mga ancient wars.

BINABASA MO ANG
Hell Paradise Game
Science FictionHell Paradise Game, it is a survival game where in compose of 15 groups called CAMP/PACK. They were isolated in an island to survived the different man-made catastrophe. The 15 groups has different number of members, they were kidnapped or was bough...