Chapter 2

11 0 0
                                    



Chapter 2: The Second Catastrophe

-----

SIX months na ang nakakalipas mula ng magsimula ang Hell Paradise Game at halos kalahati sa mga batang kasali ay wala ng buhay dahil sa pag atake ng mga experimental beast ang iba naman ay mas pinili na kitilin ang sariling buhay kesa ipagpatuloy ang laro na hindi nila alam kung ano ang kahahantungan. Ang laro kung saan nakataya ang iyong buhay, ang larong hindi nila alam kung paano tatapusin at ang larong maaring tumapos sa kanilang buhay.

Matapos malasap ang kahindik hindik na pag atake ng mga experimental beasts, ilan pa rin sa kanila ay piniling lumaban, ang dating labin limang grupo ay nabawasan nang tatlong grupo. Ang ilang campo naman ay halos nangalahati ang myembro. Sa labin dalawang natitirang campo, lima dito ang wala pang bawas at lumalaban para protektahan ang isa't isa.

Una ay ang Camp E1 na pinamumunuan ng isang lalaking Alpha na edad labing isa, meron silang limang chief, apat na bishop, pitong phoenix at tatlong hack hack. Ang campo nila ay binubuo ng 96 na myembro.

Ang ikalawa ay ang Camp G3, ang alpha nila ay syam na taong gulang na babae. May lima na phoenix, dalawang chief, dalawang bishop at isang hack. Ang pack nila ay binubuo ng 75 na babae.

Ikatlo naman ang Camp J6 na binubuo lamang ng anim na myembro, tatlong lalaki at tatlong babae. Ang kanilang Alpha ay lalaki na may edad na labing anim.

Ang pangapat na grupo ay ang Camp K7, ang alpha nila ay babaeng labing isang taong gulang. May anim na phoenix, apat na bishop, limang chief at tatlo na hack. Sila ay may 81 na myembro.

At ang panglima naman ay ang Camp S15, na binubuon ng 105 na myembro. Ang alpha nila ay isang lalaki na may edad na labing pito. May walong phoenix, apat na bishop, limang chief at apat na hack.

=Camp E1 Headquarter=

Malalim na ang gabi kaya naman karamihan sa mga batang myembro ng camp ay nagpapahinga na. May mangilanngilan naman na pares kung magronda sa paligid ng campo. Ang ilan naman ay nag-aayos ng mga kani-kanilang sandata na gagamitin kinabukasan.

Sa loob ng isang tent, nagpupulong ang matataas na official ng pack. May kakaiba na naman kasing nagaganap sa isla, hindi ito katulad ng dati na may naglalabasan na mababangis na experimental beast. Ngayon kasi ay parang binabagyo ang west part ng isla at hindi iyon tulad ng normal na bagyo.

Dahil ang campo ng E1 ay nasa northern part ng isla, hindi pa sila naaapektuhan ng disturbances. Kahit pa nasa kabilang panig sila ng isla ilang araw o oras lang ang bibilangin at masasalanta na rin sila nito.

"Alpha, there's a disturbance in the west part of the island. 3 packs are currently camping there, should we help them?" Tanong ng isang Phoenix, isang lalaki na may taas na 5'4 sa edad na labindalawa a half filipino half Russian.

Tatlong buwan na ang nakakalipas ng mag-suggest ang alpha ng camp G3 na tulungan ang isa't isa oras ng kagipitan, wala man itong pormal na kasunduan at pagsang-ayon alam nilang mas makabubuti nga iyon para mabawasan ang bilang ng mga batang namamatay dahil sa pag-atake.

"And why would we do that? Shouldn't be our first priority is the safety of our camp?!" Pagsalungat ng dalaga na may blonde na buhok na hanggang balikat- labing isang taong gulang, isang Chief, an American.

"But still, we need to help them. They're just kids like us! And surviving this hellish game with the other camps with small casualty will be the best option for all of us! Don't let our pride be the cause of the deaths of other children!" Sabat naman ng isang sampung taong gulang na babae, isa siya sa apat na magaling na bishop ng campo, an Australian.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hell Paradise GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon