Rain part 1
Hindi ako naniniwala sa love at first sight... siguro crush at first sight pwede pa.. 2nd year high school na ako, ako nga pala si taylor santos , 14 na ako.. friendly ako, mabaet naman kaso mukha daw akong masunget, siguro minsan talaga.. moody kasi ako eh.. hehehehe hindi ako matalino hindi rin ako bobo tama lang , hindi rin ako maganda, hindi rin naman ako panget tama lang din..
pag dating sa love hindi ako madaling mainlove chosy kasi akong tao. wala pa akong nagiging boyfriend hangang Mu lang ako.. hindi ko pa talaga na feel mainlove hangang sa may nakilala akong new student sa school ko.. hindi ko ineexpect na magugustuhan ko siya, na crush at first sight ata ako..
FIRST DAY OF SCHOOL :
mag isa lang ako nag lalakad sa hallway papuntang second floor dun kasi yung classroom namen, habang nag lalakad ako may nakita akong isang guy, hindi siya familiar saken new student siguro siya may kausap ata siya sa cellphone niya ang aga aga.. 6 30 pa lang nun, pero in fairness may itsura tinitignan ko lang siya hangang sa papa akyat na ako sa hagdan na crush at first sight ata ako.
as usuall ano ba ginagawa sa first day of school mag papakilala. sa isip isip ko sayang hindi ata siya regular. science section ata siya nice matalino.. matalino, mukha namang mabaet, seryoso at may itsura din ayos!
ewan ko ba, chosy ako pero nung nakita ko siya na feel ko na agad na ganung type yung gusto ko.. naghahanap lang talaga ako ng inpirasyon nakakasawa na din kasi yung mga tao sa school except sa mga pinaka mamahal kong tropa.. yung inspirasyon na may magpapakilig sayo yung magiging inspirasyon mo lang talaga..
break na din sa wakas makakalapit na ako sa mga tropa ko at thank God naman kompleto kami, magkaka classmate pa din ang tibay..
Gem: hello taylor (hug) miss na kita
taylor: (hug) miss na din kita, saya ng bakasyon mo ha.. pa china china ka pa din
Gem: syepre ganun talaga, tara puntahan naten si anru..
Anru: ui (beso beso) gara walang gwapo ngayon, except dun sa nakita namen ni Gem na new student..
Gem: oo nga taylor, grabe crush ko na siya hahahaha
anru: sayang dapat pumasok ka pa ng mas ma aga para sabay sabay tayo tas nakita mo siya.
Taylor: hay nako girls ayan na naman kayo boys boys na naman.. gwapo nga ba? baka naman isa lang yan sa mga siga dito. nako punta na nga lang tayo ng canteen
yung tinutukoy ni Gem at ni anru yun din yung nakita ko kaninang umaga.. edi ibig sabihin crush din nila yun.. madami din ako naririnig na madami daw nagkakagusto na dun.. agad agad hay campus crush ata to baka mayabang pero mukhang hindi naman. hay na ako ewan ko ba.. crush lang naman eh wala naman siguro masama na mag ka crush din ako dun..
lunch na, bumisita ako sa 3 kong bestfriends na science section.. nag usap usap. na miss namen yung isa't isa busy kasi ako nung summer eh hindi nakakasama sa mga gala ng tropa kaya grabe na lang nung nakita ko sila..
angel: taylor, halika may papakilala ako sayo daliiiiii..
taylor: ayoko pumasok diyan..
angel: may papakilala lang ako sayo.. new student, closed ko na agad siya :)
taylor: eh dito na lang nakakahiya noh
angel: ay sige na nga teka lang tawagin ko lang..
nung hinihintay ko si angel, nagulat ako sa kasama niya si crush.. omg ano gagawin ko.. mas may itsura pala siya sa malapitan.. di talaga ako mapakali, nag bublush na ako :"">.
angel: taylor, meet jeremy.. jeremy meet taylor.. bestfriend ko nga pala.. :)
jeremy: Hi taylor (nakikipag shake hands)
taylor: hello jeremy.. (ugh! kinakabahan ako, nakipag shake hands na lang din ako para di halata hahaha)
- sabay dumating yung dalawa ko pang bestie si jaja and ella. umalis tuloy si jeremy pero ayos lang naman. hinug ko na lang yung dalawa kong bestie at nagkwentuhan
Half day lang kami ngayon, mga 12 pinauwi na din kami.. nakita ko ulit siya kabilang building ng school sa elementary, nag seservice pa din kasi ako eh.. siya din pala nag seservice din, pero di ko naman siya malapitan ayoko maging feeling close.. kaya tinagal ko na lang yung pagmamasid sa kanya mukha na kasi akong stalker.
nakauwi na din ako, nag bihis at kumaen.. nagsulat ako sa diary ko kung ano nangyari ngayong araw na to..
June 21, 2010
- masaya ang first day ko, may mga bago naman, new friends na din.. mas naging okay tong araw na to nung may nakilala akong new student sa school.. he seems so attractive mas gaganahan na akong pumasok neto sawakas!.. pero secret ko muna to, ayaw ko muna may maka alam na iba..
sa paglipas ng mga araw nakakausap ko na siya.. mukhang comportable naman siya kausapin ako.. ako naman nahihiya. pero nagiging normal na lang din ako pero biglang may mga nang aasar nasamen.. hala, hindi naman ako nagpapahalata na may gusto ako sa kanya eh.. o dahil lagi ako bumubisita sa classroom nila tapos nakakausap ko siya.. kailangan ko na mag ingat..
--
next chapter
(hope you like it.. first time ko lang gumawa dito sa wattpad.. comment if you like it)
BINABASA MO ANG
if its meant to be it will be
Teen FictionHindi ako naniniwala sa love at first sight... siguro crush at first sight pwede pa.. 2nd year high school na ako, ako nga pala si taylor santos , 14 na ako.. friendly ako, mabaet naman kaso mukha daw akong masunget, siguro minsan talaga.. moody kas...