Chris' POV
Sa wakas at nakabalik din ako dito after 2 years. Si dad kasi medyo mahiyain kaya kinailangan pang ako ang makipag usap sa aming clients.
Namiss ko itong school na ito at siyempre, namiss ko siya. (Kilig face) Kay tagal ko din siyang hindi nakita at nakausap. May boyfriend na kaya yun? Haha. Malamang walang magtatangkang lumapit doon. Eh ang galing kaya sa wrestling nun. Pero di siya uubra sa akin. I will always be on top of her. Kilala nyo na kung sino siya?
Sino pa ba edi si Megan Cruz.
Malamang iniisip mo na bakit kelangan ko pang maging mortal enemy niya eh gusto ko nman siya. Simple lang. Mas madali kasing tumatatak sa isip ng tao ang pangalan ng mga taong galit niya. At dahil din dito kaya madalas kaming magkapartner kapag may contest sa lahat ng sections dahil top one and two kmi ng 9A. Ayos di ba? So mga boys, alam na ah. ;)
"Class!" napalingon ako. Nakita kong papunta na rin sila Meg kaya pumunta na rin ako doon. Tumayo. ako sa tabi niya. Inirapan niya lang ako. Haha. Iyan ang gusto ko sa kanya, kaya di ito basta basta nilalapitan ng mga lalaki eh.
"Toss coin tayo, Heads sa group one at Tails sa group two." Hinagis ni ma'am yung barya sabay lapag sa kanyang braso.
"Heads!" Ibig sabihin sila Megan ang una. Napa smirk na lng ako. "Ha! Makikita mo! Matatalo kita!" sabi ng magandang babaeng nasa tabi ko. Si Megan. Nakapamewang siya. Nag cross arms ako at ngumiti. "Well goodluck.... Miss Rank 2."
Nagformation na sila. Nagsimula na rin yung tugtog. We're all in this together yung kanta.
Di ko masyadong napanood yung performance nila as a whole. Kasi, sa kanya lang ako nakatitig the whole time. Ang galing niya. Nagtumbling. Nagsplit. Nagbending. At sumayaw.
Natapos din ang performance nila at alam kong kami na ang susunod kaya nag ayos na ako.
Megan's POV
"Ano, wala kang masabi" sabi ko kay Ford. Pabalik na kmi sa may bleachers. Ngumiti siya. "Wag ka munang magpakasaya." Aba, tapang nito ah. Arrgg.
Pumunta na yung group two sa gitna ng gym. May nasa gitna sila. At yung iba nman ay nasa gilid.
Nagsimula na yung tugtog. Magic yung title ng kanta. Si Ford yung nasa gitna. Tila kinokontrol niya ung ibang members papunta sa center. Yung parang robot na galaw. Alam niyo yun?? Tpos bigla silang tumalon at sumayaw. Grabe, sabay sabay silang lahat. Nagbago yung kanta, naging Pump it. Remixed yung song nila. I wonder kung ilang kanta ang nagamit nila. Sa part na ito nagbebreak dance yung mga lalaki habang naghehead bang yung girls. Tpos dahan dahan lumapit yung mga babae sa boys at nagsexy dance. Nagbago na nman yung kanta, hindi ko alam yung title pero familiar ito sa akin. Nagbago muli yung kanta, We can't back down by Camp rock nman. May nagasplit, nagbending at mga tumalon na babae sa ere. Tpos sabay sabay ulit silang sumayaw. At ang ending nila, nagform sila ng pyramid. Wala si Ford sa pyramid. Hinanap ko siya. Nandun siya sa likod ng pyramid. Anong ginagawa niya doon.Tumakbo siya tpos tinalunan yung pyramid nila. A- A-- A--- Ang galing!!!! Almost 15 feet yung taas nun ah.
Mukhang talo na nman ako :((
"Okay." Tumayo si ma'am Lisa. May hawak siyang papel sa kanyang kanang kamay. "Natapos ko na kayong bigyan ng iskor ayon sa criteria. Ang panalo sa activity na ito ay ang group---"
To be continued.....

BINABASA MO ANG
The Unexpected Love
RomanceSi Megan Cruz ay isang matalinong babae. Palagi siyang nagta-top sa klase. As in Always. But all of a sudden, everything changed. Nagsimula lahat ito ng maging kaklase niya si Chris Ford. Si Chris ang kauna unahang nakatalo kay Meg. At mula noon, na...