~INSPIRED BY TRUE LIFE STORY~
Bilang isang babae naghahangad ako ng isang magandang relasyon. Isang relasyong ipagmamalaki ko sa lahat, yung ikaw na ang pinaka-maswerteng babae sa balat ng lupa dahil may isa kang perfect boyfriend.
Boyfriend na ipagtatangol ka sa lahat.
Boyfriend na gagawin saiyo lahat.
Boyfriend na ibibigay sa iyo lahat.
Boyfriend na ipaglalaban ka sa lahat.
Boyfriend na ipagmamalaki ka sa lahat.
Boyfriend na mamahalin ka ng sobra.
Boyfriend na walang hiya na hawakan ang iyong mga kamay sa harap ng lahat.
Boyfriend na ikaw lang sapat na.
Boyfriend na kahit maraming iba, ikaw at ikaw lang sa puso niya.
Ang sarap sana sa feelings kung meron akong boyfriend na ganyan, pero alam mo yung masarap sa feelings talaga? Yun yung ikaw ang gumagawa niyan sa kanya.
Ako lagi yung nagtitiis.
Ako lagi yung umiintindi.
Ako lagi yung nagpapangiti sa kanya.
Ako lagi yung sumusunod saan man siya pumunta.
Ako lagi yung unang hahawak sa kamay niya sa publiko.
Ako lagi yung naga-adjust.
Ako lagi yung nangaaway kapag may dumidikit sa kanyang iba.
Ako lagi yung umiiyak, nagmamakaawa, at gumawa ng paraan para maayos pa namin yung relasyon namin.
At ako yung mahal na mahal siya.
Nakaka-tanga diba?
Dami ng nagsabi niyan saakin.
Ang tanga ko daw, ang bobo ko, manhid at masochist.Pero naniniwala kasi akong kapag mahal mo kahit nasasaktan kana patuloy mo parin siyang mamahalin at tatangapin.
I'm not denial, nasasaktan talaga ako kaya lang sobra ko talaga siyang mahal para pakawalan siya.
High school kami ng una kaming nagkakilala ay mali ako lang pala ang nakakakilala sa kaniya, anyway sa isang project naging magka-team kami. Sobrang gwapo niya, pinaguusapan siya ng mga girls classmates ko noon kaya kapag may bago sa kanya laging kong alam. Pero hindi niya ako napansin, natapos ang high school life ko ng hindi man lang siya nakausap kahit simpling hi-hello lamang.
First year college. Hindi siya nag-aral at puro barkada ang inatupag, kaya kapag dumadaan ako sa may tindahan malapit sa bahay nila dahil yun ang tambayan nilang magbabarkada eh lagi ko siyang nakikitang may kaakbayan. Nalulungkot ako kapag nakikita ko yun, wala naman akong magawa dahil wala akong karapatan diba? Naging masaya lang ako nung may isang araw na bumili ako sa tindahan na tinatambayan nila at pinansin niya ako. Lasing siya non tinanong niya kung sino daw ako at bakit ngayon lang niya ako nakita, alam mo yung feeling ko that time? Ang saya na masakit. Ang saya dahil kinausap na niya ako for the first time at lasing pa siya, masakit lang kasi in four years 'di pala niya ako kilala.
Tangna lang kasi ako matagal ng crush siya tapos ako, bwisit! Kikilalanin palang pala. That year, iniyak ko yung sakit. Lahat-lahat. Imagine naging masaya pa akong kinausap niya ako hindi pa ako nakatulog sa tanong niya na ' Who are you? ' ibang klase.
Second year. Akala ko naka-move on na ako, masakit parin palang isa kalang hangin sa kanya. Isang araw kalahati ng year ko sa second year college, nakita ko siya sa gate at sakay ng isang motor. Ang astig niya alam niyo ba? Grabe yung kilig ng girls na dumadaan pero ewan ko kung feeling lang ba ako dahil kita kong nakatingin siya saakin. Lalagpasan ko sana ngunit sinundan niya ako at ang sumunod na eksena ang dahilan kung bakit naging exclusively dating kaming dalawa.