Heart break lll

109 6 17
                                    


Sa oras na ito mahal.

alam kong magi-iba na.

Sa oras na ito mahal alam kong hindi na tayo magiging tulad ng dati.

Sa oras na ito mahal alam kong sa kanya ka na.

Sa oras na ito mahal alam kong mas masaya ka na sa piling niya.

Ang sakit mahal.

Ang sakit na natapos nalang ng ganito ang lahat.

Ang sakit kasi akala ko tayo hangang huli pero iiwan mo rin pala ako para sa iba.

Ang sakit kasi pinaasa mo ako na merong forever sa mundo, na meron tayo hangang sa bawiin ang ating buhay.

Ang sakit kasi ikaw naka move on na, ako hindi pa.

Ito ako mahal.

Ito ako mahal umiiyak...

Umiiyak na sana tumigil ng magdugo ang puso kong sinugatan mo.

Umiiyak na sana tumigil na ang hapdi na pinadama mo.

Umiiyak na sana tumigil ng tumibok ang puso para saiyo.

Umiiyak na sana tumigil na sa pagtulo ang luha ko.

Mahal kita.

Mahal na mahal kita.

Pero hindi pala sapat na mahal kita para manatali ka.

Hindi pala sapat na mahal kita para hindi kana maghanap ng iba.

Hindi pala sapat na mahal kita para maging masaya ka.

Hindi pala sapat na mahal kita para mahalin mo din ako.

B*llsh*t mahal!

B*llsh*t kasi ikaw tangna nagpapakasasa sa buhay mo ngayon pero ako na stack sa nakaraan, mga pangako mo na hangang ngayon iniintay ko.

B*llsh*t kasi, masaya ka pero ako lumuluha sa sakit.

B*llsh*t kasi, kahit anong pilit ko minamahal parin kita.

Ikaw alam mong tapos na pero ako ito umaasa na baka pwede pa.

Ikaw alam mong may iba pang pwede diyan pero ako ikaw lang ang laman.

Bakit ganon? Lalaki ako.

Lalaki na hinahanap ng mga babae na magbibigay sa kanila ng forever pero nakatagpo ako ng taong hindi pala ako sasamahan forever.

Isang lalaking nagmahal pero pinagpalit.

Isang lalaking binihus lahat pero hindi pala sapat.

Isang lakaking handang ibagay lahat pero hindi minahal.

Babae lang ba ang niloloko?

Hindi. Pati mga katulad ko, katulad kong seryoso pero hindi sineryoso.

Babae lang ang nasasaktan?

Hindi. Pati mga katulad ko, katulad kong binigay na talaga lahat lahat hindi parin sapat.

Sabi niyo ang lalaki manloloko, gago, siraulo, babaero at peste sa buhay niyo.

Pero bakit nilalahat?

'Yan tuloy, ako'y iniwan ng aking minamahal.

HEARTBREAK ( O N E S H O T )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon