11: Training Bella II

99 2 0
                                    

TUESDAY 2:45 am

Humikbab ako ng isa pang beses bago tuluyang bumangon.

Hindi ko alam kung matutuwa ako sa desisyon ni Shin eh.

Maaga daw kaming magsimula para daw may mahaba daw akong pahinga para sa mga susunod na araw kaya eto ako ngayon maaga gumising.

Pumikit ako habang dumadaloy sa katawan ko yung malamig na tubig. Ang sarap pa sanang magbabad kaso 3:00 daw dapat nandoon na.

Natapos akong maligo at nagbihis na ng black jeans at White longsleeve. Sinuot ko rin yung hoodie ko at converse then tada! Ready to go.

Tahimik yung mga naging hakbang ko para makalabas. Baka kasi magising pa sila.

Tumakbo ako ng makalabas na ako ng tuluyan.

Sabi nya sa training room daw at buti nalang nakabisado ko na yung daan dito.

Sinipa ko yung pinto ng training room. Kita ko na medyo nagulat sya. "You're 5 minutes late." Ngiting sabi nya. Ginantihan ko yung yung ngiti nya at pumasok na.

Hindi ko alam kung kakabahan ba ako kasi ang daming weapons dito at yung iba parang ngayon ko palang nakita.

"Let's start. Let's try this first." Sabay dampot sa isang dagger at hinagis sakin. Buti nalang nakaiwas ako pero nadaplisan pa rin talaga ako.

"Huhu wait lang tanggalin ko lang hoodie ko." Mabilis kong tinanggal yung hoodie at kasing bilis ni Camm, biglang may dagger na handa nang sugatan ako.

Hinagis ko yung hoodie at tumakbo na. Takbo lang ako ng takbo para iwasan yung mga daggers.

"What are you doing? Pick your weapon!" Sigaw nya sakin at tuloy pa rin sa paghagis.

Marami naman akong naiiwasan pero may tumatama pa rin talaga sakin.

"Huwaaahh!!" Huhu naiiyak na ko, ang dami ko ng sugat!!

Wala sa sarili ay dumampot ako ng baril at binabaril yung mga daggers na papunta sakin para lumihis yung direksyon nila.

"Nice choice.." Tuloy pa rin sya sa paghagis ng daggers. Hmmmmpp gusto ko syang barilin!

Hmmm try ko nga.

Binaril ko yung isang dagger na papunta sakin at mabilis rin syang binaril pero parang hindi naman sya tinablan. Narinig ko yung tawa nya.

"Trying to kill me huh? Hindi ako napapatay ng weapon na gawa ko." Napatulala ako saglit sa sinabi nya.

SYA MAY GAWA NITO?!

Dahil sa pagkalutang ay may dumampi saking dagger. Ish ang sakit.. Tinigan ko 'yon at mukhang malamin yung hiwa.

"At isa pa yung bala nyan ay hindi nakakapatay ng kakamp---- Bella?" Napatigil sya sa paghagis at lumapit sakin. "Ok ka lang?" Hinawakan nya ko pero agad nya akong binitawan..

"Aish. Bakit ang init mo?" Hawak nya sa kamay nya na dapat ipanghahawak nya sakin na ngayon ay medyo nasunog.

"Hey! Bella!"

Everything went black.

*

"Huhu Bella sure ka ok ka na?" Tanong ni Sunnie.

"Oo nga.. Ilang beses mo nang tinanong yan?"

"51" singit ni Graye na ikinatawa ko.

Pabalik na kasi kami sa dorm galing sa clinic dahil na nga sakin. Yung nahimatay daw ako. Ang sama nga nila kasi iniwan nila si Shin doon. Yes nandoon din si Shin dahil sa second degree burn nya. Sabi nila buti lang daw sakanya yun.

Nga pala 10 o'clock palang ngayon at sa maikling oras na yun, nakakapagtaka bakit ang bilis ko gumaling. Imagine wala na yung ibang cuts ko. Yung sa tiyan nalang yung natira, yung malalim.

Pagdating sa dorm ay para akong lumpo sa trato nila. Pano ba naman ayaw akong patayuin tapos gusto nila sila gagawa ng kailangan ko.

Wednesday 8:00 am

"Sure ka bang gusto mong magtraining ngayon?" Nag-aalalang tanong ni Camm sakin.

"Oo ngaa.. Tsaka pa'nong hindi ako o-ok sa ganung trato nila kahapon? Tsaka ayokong maiwan dito, baka maging lumpo ulit ako" hininaan ko yung huling sinabi ko. Tumawa naman sya ng unti.

"Sige na nga.. Pero pag nanghihina ka pa sabihin mo lang para makapagkahinga ka." Pi-nat nya yung ulo ko.

Nang makalabas na kami ay nag pout sya. "Ang hirap lumabas doon ah." Sabi nya at sinuklay yung buhok nya. Natawa naman ako. Totoo naman kasi.. Ang sakit lalo na sa tenga tung reklamo nila. Kesyo daw baka mapagod ako, kesyo daw baka madapa ako, kesyo daw pagpapawisan ako, kesyo daw baka mahimatay ulit ako at ang pinaka OA. Kesyo daw baka mamatay ako.

Kung hindi ko sila pipilitin 'di pa kami makakalabas.

"Pwede bang bisitahin muna natin si Shin?" Tanong ko kay Camm habang naglalakad kami papunta sa field. "Sige." Lumihis kami ng daan para pumunta sa clinic.

Pumasok kami sa cubicle ni Shin at naabutan namin syang nakasalip sa bintana habang nakatingin sa paso nya.

Wait, how did he get that ba?

"Hello Shin.." Bati ko kaya napatingin sila samin. "Hi there. Sorry nga pala sa nangyari. Buti nalang mabilis ka naka-recover." Ngiting sabi nya at umupo sa hospital bed.

"Ok lang yun. Ikaw ok ka na?" Tanong ko. Ngiti naman syang tumango. "Paano mo nga pala yan nakuha?" Tanong ko ulit sakanya, with a flip, nawala yung ngiti nya.

"sayo." Maikling sabi nya. Magtatanong pa sana ako kaso pinaalis na nya kami kasi daw may training pa daw kami kaya ngayon, nandito kami sa field.

Nawala saglit si Camm at dumating ng kay kasamang mga pagkain at beverages.

"You need to run around the field 150 times. Pero kung gaano ka kabilis sa unang takbo mo, dapat mabeat mo yun and so on. Ikaw bahala kung anong oras ka magsisimula. Pwede ka huminto at magpahinga o kumain o uminom pero may additional time yun. Pag hindi mo na beat yung oras, madadagdagan ng madadagdagan yung 150 mo." Explain ni Camm.

"Ready?------Uy bat' tumakbo ka?!" Tanong nya sakin ng tumakbo agad ako pagkatapos nyang magexplain. "Sabi mo kahit anong oras ko gusto so ngayon ako magsisimula!!" Sagot ko sakanya.

Nakatapos ako ng unang ikot with 9 minutes and 45 seconds daw kaya ngayon ay medyo binilisan ko na. "8 minutes and 30 seconds!"

Camm's POV

"5 minutes and 21 seconds!" Sigaw ko pagkalagpas nya sakin at nagstart ulit ng oras.

Nasa pang 89 na sya at simula kanina ay hindi pa sya humihinto. Desidido talaga sya..

At nagi-improove sya bawat ikot nya. Masasabi kong mabilis sya pero syempre mas mabilis ako. *wink*

"5 minutes and 20 seconds! Muntik na!" Sigaw ko ulit pagdaan nya.

Biglang dumilim at ewan ko kung namamalik-mata ako pero parang biglang bumilis si Bella at dumaan na sakin. Tinignan ko yung oras, "5 minutes and 11 seconds!" Sigaw ko. Oo namalikmata lang ako. Matagal pa rin naman yung time.

Kanina ko pa sya tinitignan. Sa laki nitong field, nagawa nyang takbuhin 'to at talagang pang-92 na sya.

Binuksan ko yung isang canned soda at ininom yun.

"4 minutes and 45 seconds!"

Binuksan ko yung isang box ng pizza. Hay ubos ko na yung pagkain hindi pa rin sya humihinto.

"4 minutes and 30 seconds!"

May tumabi sakin at kumuha rin sa pizza. "Plano mo talaga syang pagurin, Son of Hermes?" Tanong ni Graye.

"Ihh yan naman talaga yung training ko eh. Tsaka para masanay sya sa mabilisang kilos." Explain ko. Tinanguan nya ako ng isang beses.

"mabilisang takbo. Para kapag nandyan na yung kalaban, puro takbo lang katukad mo, ganun ba?" natatawang asar nya sakin.

"ang sama mo talaga!"

"totoo naman. Pero sige ikaw bahala." Sabi nya at umalis na. Sakto namang paglagpas ni Bella.

"4 minutes and 25 seconds!"




"4 minutes and 15 seconds!"

"4 minutes and 14 seconds!"



"3 minutes and 59 seconds!"

"3 minutes and 45 seconds!"

"3 minutes and 30 seconds!"

Nagulat ako ng bigal syang tumumba sa harap ko at hingal na hingal.

"Huy, ok ka lang? Gusto mo dalhin kita sa clinic?"

"Hindi okay lang. Penge nalang ako ng tubig." Kinuha ko yung isang tubig at inabot agad sakanya.

Nang maubos nya yung tubig ay humiga ulit sya.

"Buti tumigil ka." Medyo natatawang sabi ko.

Ngumiti sya. "Pagod na 'ko eh.."

"Halata naman.. Ano kailan ka babalik? 2 minutes of break is 5 seconds na ibabawas." Sabi ko sakanya. Tumango sya. "Sabihin mo ko pag 2 minutes na." Aniya.

"Sige." Pagkasabi ko ay lumamon na sya. Buti pala hindi ko inubos.. Akala ko kasi hindi na sya hihinto.

Pinanood ko sya kumain at masasabi kong maganda nga sya. No malice, lahat naman ata ng anak ni Aphrodite ay magaganda. She's very beautiful thou..

Narinig kong nagbeep yung stopwatch ko meaning ay tapos na yung 2 minutes nya. "Tapos na 2 minutes mo." Sabi ko.

"Hmm.. Sige!" Tumayo sya at pinagpagpag yung damit nya at nagsimula na ulit tumakbo. Mabilis sya pero masasabi kong mas mabilis yung kanina.

"3 minutes and 29 seconds!"

Nakita kong ngumiwi sya. Siguro dahil sa oras.. Sheesh baka hindi na nya ma beat sa susunod.

At tama nga hinala ko, "3 minutes and 35 seconds! Sorry pero dagdag isa yung ikot mo!"

Nung sinabi ko yun ay mas bumilis sya. Hanggang sa one round nalang at 2 minutes nalang ang time.

5..

4..

3..

2..

"1 minute and 58 seconds!"

"Wooh!" At bigla nalang syang tumumba.

**

A/n: Huhu eto na.. Two chapters! Sorry talaga kung late! Peace...

Semideus Academy: School Of Demigods (Slow Update)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora