5: the three victim

220 8 3
                                    

Chapter 5: the three victim

Bella's POV

Nakabantay kami--- sila dito sa open field. Hindi kasi ako makatingin baka masuka lang ako.

May dumaan na hangin at bumungad samin si Camm. "Oh anong sabi?" Tarantang tanong ko. "Pumunta daw kayo doon tapos sila Miss Sylvia at Sir Eron na bahala sa tatlo." Tumango lang kami at umalis na. Sa bilis nilang tumakbo ay nahuhuli na ako. "Everybody STOP!" sigaw ko at nagulat ako ng lahat sila ay huminto. "Hala anyare? Di ako makagalaw." Tanong ni Raine.

"She can command everyone, like Aphroditè and her descendants common ability. Dipende kung gaano kalakas yung command kung makakaya mong makagalaw o hindi." Sabi ni Drake. Napahinto naman ako dun? Weh?? Tumalikod ako at pinagmasdan sila. Hindi pa rin sila gumagalaw. Huweh? Talaga? Hindi nga sila gumalaw?

"Hey Bella can you just let us walk? Break this damn command!" Sabi ni Drake ulit. "Wait Drake diba dapat mawawala din to? Like pag nakawala tayo sa command nya?" Tanong ni Raine. "Malay ko ba baka tamad kayo kumawala." Sabi lang nya. " o masyado lang malakas yung command"

"Paano?" Tanong ko. Napapikit naman ito na sign na naiirita na. "Just... command..." Sabi nya ng nakapikit at nakakagat labi sabay simangot. May gad ang kyut!! Okay... concentrate daw Bella..

Pero dahil malakas ang topak ko ngayon ay naglalakad na ko paalis dun at papuntang office ni sir Bean. Kinuwento nila sakin yung tungkol doon nung nagbabantay kami. Tatlo silang headmaster-- mataas ang pwesto sa school. Si sir Eron, sir Bean at Miss Sylvia. Sabi nila si Sir Eron daw ang scientist dito sa school.. he can identify anything using his machine and brain. Sabi rin nila he's a mortal but he become an indirect descendant of Hephaestus dahil sa talino nyang pwedeng tumulong dito sa Semideus Academy. Si Sir Bean naman sabi nila may super strength, ability to control and summon lightning like Zeus. Syempre kasi anak nya ito.. yeah he's a son of Zeus.. swerte naman nya.. sya din-- isa daw sila sa first batch ng Alpha Elite. Hahahaaaaayyy grabe.. malakas din sya ah sabi din nila. Pati si Maam Sylvia naman ay daughter of Hephaestus daw. She can make weapons and armours like her papa. She's beautiful sabi nila hindi daw tulad ng papa nya--- not totally ugly. Yun daw kasi sabi sakanila kahit sa mga history.

√(^_^)

"Hey belle! You're seriously leaving us here?!" Sigaw ni Harina at nagulat ako ng hawakan nya yung kamay ko at pinag-intertwine.

*inhale*

*exhale*

Lumingon ako sa likod. Nakagalaw na rin sila at nakasimangot.

Napangiti naman ako. Ang c-cute nila..

Naglakad na ulit kami ng may sabihin si Blake. "Don't dare to freeze us again or I will kill you." Sabi nya kaya nilingon ko sya para makita ang masamang tingin nya sakin. "Weh?" Sabi ko. Umirap lang ulit sya. Yung totoo, bakla ba to? "I'm not gay!" Iritang sabi nya. Hala pano nya nalaman?

"You just murmured it loudly." sagot nya at naglakad na.

May gad!! Nakakahiya..

"Let's go. Sir Bean is waiting." Sabi ni Graye at nagpauna nang maglakad. Natigilan pa ako saglit. Sumunod na kami sa lakad nya.

"Dito na." Sabi nila sa tapat ng isang... wall? plain white wall to be exact?

"I thought sa office ni Sir Bean. Bakit dito?" Tanong ni Drake.

"Bakit tayo nasa harap ng wall? Kala ko ba office?" Tanong ko.

"Sabi ni Sir Bean sila nalang daw bahala dun sa field at sabi nila sa lab nalang ni Sir Eron tayo pumunta and this is his laboratory." Sagot ni Camm sa tanong naming dalawa ni Drake.

"At paano naging laboratory ang isang pader?" Tanong ko.

Nagsmirk naman sya at lumapit sa pader. "Watch and learn kung paano kaadvance ang technology." Sabi nya. May hinawakan syang pader at umusog ito at unti-unting bumukas ang pader.

0-0

Wow.

Just wow...

Secret laboratory?

"See? Nganga ka? Just Technology." Sabi ni Camm kaya nabalik ako sa katinuan. "Tara na. Baka tumulo pa laway mo." Asar nya. Nginitian ko lang sya. Hmm.. ma-try ko nga yung ability ko.

'Stop, Camm, and don't move. Don't move unless i command you to move'

Sabi ko. Huminto naman sya. "Damn! Bella!" Sigaw nya. Binelatan ko sya. *evil laugh*

Tumawa sila at naglakad na. "Hey guys! Don't leave me here! Hey help me! Waahh bella sorry na!" Naiiyak na sya.

"Huy Bella. Pakawalan mo na yun. Kawawa naman." Sabi nya.

"Aayieee pinagtatanggol nya.. crush mo?" Umiling sya nang pagkabilis-bilis habang namumula ang mukha. "Hindi ah!" Sagot nya. Ngumiti ako at tumawa ng onti. "Hahaha sige na nga. Nagbibiro lang naman ako." Explain ko. Ngumiti sya ng matamis.

'Move.'

Tumakbo si Camm at sumunod samin. "Huhu akala ko mamamatay na ko!" Naiiyak na sabi nya. Kumapit sya sa braso ni Raine na agad naman syang tinulak. "Ang OA mo! Sana pala natuluyan ka!" Inirapan nya si Camm. Nag pout naman si Camm at nauna samin.

Tumingin ako sa loob nitong laboratory. maganda ang loob. White na white at malaki. May nakita akong lalaki na siguro nasa mid of 30's na nakasuot ng lab gown at nakatayo sa gitna habang may ine-examine at nakasilip sa microscope. "Nandito na kayo Alpha Elite. Especially you Bella Nicole, the new girl of A.E." seryosong sabi nito habang may sinulat sa papel. Nagulat ako ng tumingin sya sakin.

"Come here and look at the bodies." Sabi nya at lumapit naman kami. Grabe talaga yung nangyari sakanya naging plastic na dahil WALA nang natira sa loob nila.

"Kilala ko na kung sino ang tatlong biktima. First yung babae, she's Everest, daughter of Iris, goddess of the rainbow and messenger of the gods. She's in Class A Silver" Sabi ni Sir at tinuro sa may mahabang buhok. Masasabi ngang babae sya dahil doon. Wait naaalala ko sya, yung girl na nagtampo dahil sa nakuha nyang rainbow na daggers.. awwwwee sayang ang cute pa naman nya..

"Second si West. Yung lalaki sa dulo. He is a Son of Euterpe, muse of Lyric Poetry. He's in Class B Silver" familiar yung name nya..

"The last one ay etong nasa harap ko. Sya si Ester. The new oracle of apollo. I hope kilala nyo na? He's in Class C Silver" eto ding isa..

Aahh.. nag 'oohhh' rin kanina si Sunnie ng sabihin yung tungkol sa 'the new oracle of apollo thingy' eeerrrr. Basta dugo-dugo pa rin sila.

"At sa tulong ng I.D, mas madali ko silang nakilala. Tingin ko ay magwawala ang mga gods pag nalaman nila to."

Seryosong sabi ni Sir habang isa-isa kaming tinitignan. Nasesense kong may iniisip syang masyadong seryoso at medyo na rin galit sya. "May pag-uusapan tayo Alphas. At Sir Bean's office." Sabi ni Sir sa sobrang seryoso. Masama kutob ko dito alam nyo yun?

Nagkatinginan kaming lahat at nagpunta na kami sa office ni Sir Bean.

*****

Semideus Academy: School Of Demigods (Slow Update)Where stories live. Discover now