Through the years

1.3K 35 0
                                    

Simula ng araw na nagtapat si Knight prince ay nag aasam asam si Kei na makadaupang palad niya ito o makakita man lang ng maikling papel sa libro niya galing dito subalit dumating ang araw ng pagtatapos nila ng kolehiyo ay hindi na ito muling nagparamdam sa kanya.

Para ba itong naglahong parang bula simula ng magtapat ito ng pag ibig sa kanya.

Aaminin niya na nanghihinayang siya dahil hindi man lang niya nakilala si knight prince,

His poems...

His confession on air.....

And his beautiful voice....

Nagdala sa kanya iyon ng hindi maintindihang damdamin.

Five years had passed...

Sa simbahan sampung minuto bago magsimula ang seremonya ng kasal.

Kanina pa nakahimpil ang bridal car sa tabi ng simbahan, sa loob niyon naroon si Keitlene, napakaganda niya sa suot niyang wedding dress na design ni Allie Jhoy Allejo, the famous young designer.

Excited na siya sa pinakaimportanteng araw na iyon sa buhay niya, sa kanila ng kasintahan niyang si Liam Thurman.

Hinihintay na lang niya ang pagsenyas ng wedding coordinator niya sa kanyang paglabas, nae-excite na rin siyang makita ang husband to be niya.

Mula sa loob ng sasakyan ay nakita niya na marami ng tao sa loob ng simbahan.

Naroon ang pamilya niya, ang pamilya ni Liam, ang mga kamag anak nilang dalawa at malalapit na kaibigan.

She was too excited to get married with him.

Kahit na maraming pagsubok na dumating sa relasyon nila ay iyon at sa simbahan pa rin ang tuloy nila.

May mga pagkakataon rin na nagkakahiwalay sila nito dahil pa rin sa pagtutol ng tiyahin nito, until now kasi ay hindi pa rin siya nito gusto para kay Liam.

Gusto na rin niyang palayain noon si Liam at i-give up ito pero sa tuwing makikipag ayos na ito sa kanya ay hindi pa rin niya mapigilan ang damdamin niya.

Matagal na rin ang pinagsamahan nila ni Liam at nanghihinayang din siya kung sa isang iglap ay mawawala ito sa buhay niya dahil lang sa pagsuko niya sa tiyahin nito.

Pareho na silang stable sa trabaho, Liam and his family had sugar plantation in quezon province naibalik sa pamilya nito ang lupain matapos isanla sa tiyahin nito na halos umabot ng isang dekada, ang binata ang namamahala ng business ng pamilya nito samantalang siya naman ay nagtatrabaho sa isang agricultural farm kung saan dine develop ang mga inaaning palay.

At their age, nagpasya na silang magpakasal at masayang masaya siya dahil iyon naman talaga ang gusto niya.

Sinulyapan niya ang oras na nasa screen ng sasakyan, three minutes before nine thirty. Naiinip na siya sa loob ng sasakyan, dapat bago mag limang minuto ay pinalabas na siya sa sasakyan kaya naman nagtataka siya kung bakit hindi pa rin siya pinalalabas ng wedding coordinator niya.

Siguro naman ay naroon na rin si Liam sa loob ng simbahan.

Sa isang condo unit......

Naramdaman ni Einar ang paglundo ng kama niya pagkuwan ay sunod sunod na pagyugyog sa balikat niya.

Inis na tinapik niya ang kamay ng nambubulahaw sa kanyang pagtulog.

"Stop it!"

Inis na sabi niya habang nakapikit pa rin.

Hindi niya kayang imulat ang mga mata dahil antok na antok pa siya, ramdam din niya ang pananakit ng mga kalamnan niya.

Magdamag kasi siyang nasa gym pagkauwi pa niya ay uminom siya ng tatlong bote ng beer kaya masakit din ang ulo niya.

Ewan niya kung anong pumasok sa isip niya kung bakit iyon ang napag tripan niyang gawin kagabi.

"Oppa! Wake up!" wika ng pamilyar na boses

Akala niya ay nananaginip lang siya kaya hindi niya iyon pinansin, hinampas muli niya ang kamay nito at bumiling ng higa.

"Hindi ka gigising ha?" narinig niyang sabi nito, nawala ito saglit sa tabi niya.

"Kuya Einar! Gumising ka!!" sigaw nito sa tainga niya

Sa sobrang gulat ay napabalikwas na siya ng bangon.

Paano'y isinabay nito ang matinis na boses sa pagpapatunog nito ng cymbals, daig tuloy niya ang pinasukan ng bubuyog sa loob ng tainga sa sobrang sakit niyon.

Hindi maipinta ang mukha niya sa sobrang inis ng tingnan niya ito

"Ano ba?!" angil niya at binalingan ito

"Annye!" she greeted him na para bang walang nangyari.

"Eiren? What are you doing here? kailan ka pa nakauwi?"

Binitawan nito ang cymbals niya at binuksan ang kurtina ng bintana na inireact niya.

"Hey, close that damn curtain." Utos niya

Hindi naman siya sinunod nito

"Kauuwi ko lang kaninang umaga, may pupuntahan tayong importante kaya tumayo ka na dyan at magbihis." Anito na may inilabas sa handbag

Inihit siya ng ubo ng maamoy niya ang sweet perfume nito na umalingasaw sa buong silid niya.

"Hey, you know I hate your perfume, too sweet" nakangiwing komento niya

"Mas ayoko naman ng amoy ng kwarto mo, amoy alak." Nakangiwi ring sabi nito na tinakpan pa ang ilong.

Nakasimangot na tinaboy niya ito,

"Okay, sige matutulog pa ako. pumunta ka na sa pupuntahan mo." aniya na muling nahiga, nagkumot pa siya upang hindi na siya nito maistorbo pa.

"Hindi pwede, tumayo ka na dyan." anito na hinigit ang gamit niyang kumot,

Inis na sinulyapan muli niya ito.

"Saan ka ba kasi pupunta?" tanong niya sa kapatid,

Eiren Park was her little sister, she was eighteen years old at kahit na seven years ang gap nila ay para silang magkasing edad lang kung magusap.

"I'm going to granny's house, remember birthday niya next week kaya umuwi ako pero bago iyon aattend muna ako ng kasal ni ate Kei, gusto kong makita kung gaano siya kasaya ngayong araw." tila pang aasar pa nito,

Sa narinig ay nawalan na siya ng ganang makinig.

Nahiga muli siya at pinikit ang mga mata.

"Hindi ka ba pupunta sa kasal niya? Kaibigan mo si kuya Kaizer at naroon din ang lahat ng host men well except with my Reed and Jared dahil simula ng magtapos kayo ng college ay hindi na siya bumalik pa dito sa pilipinas." Anito

"Hindi, tinatamad ako at inaantok, kung gusto mo pumunta ikaw na lang." aniya na ibinaon sa unan ang mukha.

Narinig niya ang pagbuntong hininga nito.

"Bitter." anito at naramdaman niya ang pagtayo nito,

"Tatawagan ko si kuya Trevor para sunduin ako dito pero hindi ka pwedeng hindi sasama sa batangas, magtatampo si granny." sabi nito,

Nang marinig niya ang pagbukas at pagsara ng pinto ay napabuntong hininga siya.

"She will get married any moment now; I know she will be the happiest woman and I'm happy for her." bulong niya,

Liar!

Aminin mo na kasi na nasasaktan ka kaya ka ganyan!

Kung masaya ka para sa kanya bakit hindi mo siya puntahan at saksihan ang kasal niya?

Inis na dumapa siya sa kama, masaya ako para sa kanya, ayoko lang pumunta dahil....dahil......baka....ikamatay ko.

"Aissh!" inis na ibinaon niya ang ulo sa unan at pinilit na ipinikit ang mga mata para matulog muli

FLOWER PRINCE TRILOGY 3: Einar, My Knight PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon