God gave me You

1.2K 38 0
                                    

"Fine, fine. I'm going. Just don't hurt yourself okay?"

Ekseheradong sabi ni Einar sa kausap niya sa kabilang linya

Kanina pa siya nakikipag argumentuhan dito at natitiyak niyang hinding hindi siya mananalo dito.

Nang magpaalam siya rito ay kaagad na bumangon siya sa kama at nagpunta sa banyo.

"Aish, my head...."

Bulalas niya ng maramdaman niya ang pagkirot ng ulo niya, bahagya niyang hinilot iyon, nararamdaman na niya ang bunga ng pag iinom niya.

Mabilis naman siyang nagbihis, kinuha niya ang hindi kalakihang traveling bag sa ibabaw ng closet niya pagkuwan ay binuksan iyon, tumambad roon ang kanyang wardrobe,

Ilang araw ba ako sa kanya?

Ah bahala na.....

Humugot siya ng ilang damit sa hanger at walang anumang inilagay sa traveling bag.

"Kung hindi lang dahil sa pagbabanta niya ay hindi talaga ako pupunta" bulong niya, Naalala pa niya ang huling sinabi nito.

"Kung hindi ka pupunta, hindi ako kakain, hindi ko iinumin ang mga gamot ko." banta nito.

His grandmother was so nice and sweet but she was so stubborn and will full sometimes, kilala niya ito kaya wala na siyang nagawa kundi sundin ang gusto nito.

Naalala rin niya ang pabahol na sabi nito.

"Mas mabuti kung dadalhin mo rin ang girlfriend mo dito hijo, mas matutuwa ako." his granny said.

"Impossible woman!" bulong niya at pinagpatuloy ang ginagawa,

Hindi na siya nagtataka kung kanino nagmana ang kapatid niyang si Eiren.

Pero magandang paraan na rin iyon upang makapag move on siya, sana nga ganong kadali lang iyon.

How could he forget the woman he loved the most?

Maya maya ay lumabas na siya ng unit niya, sumakay sa sasakyan niya at bibiyahe pa siya patungo sa batangas.

Natagpuan ni Einar ang sarili na binabagtas ang daan patungo sa simbahan, hindi pa rin pala niya matiis ang sarili, gusto pa rin niyang masilayan si Kei kahit sa huling pagkakataon.

"Oh dammit!"

Naibulalas niya at biglang preno ng mahagip ng mga mata niya ang pamilyar na bulto ng babae.

She was running with her bridal gown, crying then suddenly stumbled.

Kaagad niyang itinabi ang sasakyan.

Hindi siya maaaring magkamali, it was Keitlene, Kaizer's twin sister.

What the hell are going on here?

Kaagad niyang nilapitan ang babae, ganon na lamang ang pag aalala niya ng makita niyang namamaga na ang mga mata nito sa kaiiyak.

Halos hindi na rin ito makahinga sa sobrang pag iyak,

And where the hell that bastard?

He supposed to be here.

"Kei, what happened?" nag aalalang tanong niya sa babae,

Nang sulyapan siya nito ay lalo lang lumakas ang pag iyak nito pagkatapos ay mahigpit siyang niyakap.

God, he was very happy and sad at the same time.

First time lang siyang niyakap nito, kahit noong magtapos sila ng high school at kolehiyo, ni noong birthday niya ay hindi man lang siya nito niyakap bilang pagbati man lang.

Napakasaya ng pakiramdam niya pero ganon pa man ay hindi iyon isandaang porsyento dahil alam niyang may pinagdaraanan ito ng mga sandaling iyon.

He hugged her back, kung maaari lang sana na angkinin niya ang sakit na nararamdaman nito ay ginawa na niya.

He wiped her tears by his hands.

"Einar, nag back out siya sa kasal namin, hindi siya sumipot dahil hindi daw niya ako kayang pakasalan." Umiiyak na sumbong nito sa kanya, as if naging mabuti silang magkaibigan, kung babalikan nga niya ang nakaraan hindi naging maganda ang samahan nila.

He knows how Kei hate him, siya na raw ang pinakaayaw nitong lalaki,

Siya na ang pinakakabaligtaran ni Liam sa tuwing mauuwi sa asaran ang kanilang pag uusap.

Nagtagis ang mga bagang niya ng marinig niya ang sinabi nito.

Damn that bastard!

Itinayo niya ang babae ng maramdaman niyang may nakikiusyoso na sa kanila, isinakay niya ito sa sasakyan niya at pinaandar na muli iyon.

"Iuuwi kita sa inyo." Aniya,

Ganon na lamang ang pag iling nito

"Ayokong umuwi sa'min please." umiiyak na sabi nito.

"Saan kita dadalhin kung gayon? I'm going to my granny's house, hindi kita pwedeng isama doon."

"Please ayoko pang umuwi, ayoko rin na makakita ako ng lugar na magpapaalala sa kanya" anito,

Wala na siyang nagawa kundi isama ang babae.

Halos dalawang oras din siyang nag biyahe mula sa maynila papuntang dulo ng batangas kung saan nakatira ang kaniyang abuela at gaya ng inaasahan, pagkagulat at matinding sorpresa ang sumilay sa mukha ni lola Nat nang makitang may buhat buhat siyang babae.

Nakatulog ang dalaga sa biyahe at dahil na rin siguro sa pagod at kaiiyak.

"Oh my God, I told you to bring your girlfriend not kidnapping her." she commented horribly,

Kilala nito ang dalaga dahil madalas na makita nito si Kei noon at ang kambal nitong si Kaizer.

"Granny, I didn't kidnapped her." he answered,

Papasok na sila sa malaking bahay ng lola niya, nagtuloy tuloy siya hanggang sa makapasok sa isang silid.

"Hindi mo ba talaga siya itinakas?" muling tanong ng lola niya na nasa likuran niya at nakasunod pa rin pala sa kanya.

Masuyo niyang ibinaba muna ang dalaga bago humarap sa matanda.

"Why should I do that?" kunot noong tanong niya.

Kaswal na nagkibit balikat ang lola niya

"Well, alam ko naman ang lihim mo noon pa." anito,

Nilapitan niya ang lola niya at pinigilan sa mga sasabihin pa nito.

"Nah granny, kahit na gaano ko siya kamahal hindi ko magagawang itakas siya kung sa gagawing kong iyon ay lalo niya akong kamumuhian at iwasan, nagparaya ako dahil alam kong doon siya sasaya" Aniya na niyakag na ang matanda palabas sa silid na iyon.

Bago isinara ang pinto ay dagling sinulyapan pa niya ang dalaga.

Nang makitang mahimbing na itong natutulog ay isinara na niya ng tuluyan ang pinto.

Sa sala ay doon sila nag usap ng kanyang lola Natty.

"Oh my, she's in pain now, poor Keitlene." Komento ng lola niya ng ikwento niya ang sinabi sa kanya ni Kei kanina

Hindi pa niya alam ang totoong dahilan ng pag back out ni Liam sa kasal pero natitiyak niyang nagdurugo ang puso ni Kei ngayon.

"Damn that bastard! I'll break his bones for hurting Kei that much." He muttered,

Nang sulyapan naman niya ang lola niya ay kakaibang ngiti ang ibinigay nito sa kanya pagkuwan ay hinaplos ang mga kamay niya

"You're such a gentleman." Komento nito,

Natawa naman siya sa sinabi nito, kahit kailan ay suportado siya nito.

FLOWER PRINCE TRILOGY 3: Einar, My Knight PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon