Chapter 2
Kanina pa naglalakad si Stacey sa loob ng campus. Kanina pa din siya naiinitan. Ang lakas ng sinag ng araw. Para na siyang masusunog dahil sa init. Student Council President kasi siya. Pinapagala siya sa campus every Friday on purpose. Marami kasing nagka-cutting eh, especially dahil Friday ngayon.
Naghanap muna siya ng mauupuan dahil kanina pa siya kinakapos ng hininga. Para siyang tumakbo ng 200 meter dash dahil sa paghingal niya. Daig pa niya ang na-detention dahil sa pinapagawa sa kanya ngayon. She went to the canteen to buy some water dahil nade-dehydrate na sya. Kanina pa siya nauuhaw.
After she drank the water, she again, roam around the campus. Malapit ng mag-recess. Pagkatapos ng recess kasi ay a-atend naman siya ng klase. 3 hours lang kasi ang binigay na time sa pagro-roam niya sa campus which is a good news because she's really exhausted right now. If only she could see her face right now. Sure siyang ang haggard na niya.
*bell rings*
Phew! At last! Nasabi niya sa sarili niya nang magbell na. She went to the detention room and reported that nobody's been cutting at this time.
"Wala pong nag-cutting in the past few hours, Ma'am."
"Okay. Thank you Miss Chavez. You may proceed to your class now," the teacher said.
She slightly bowed her head before she went out. She went to her classroom and took a deep breath. Mabuti at hindi na mainit. May aircon kasi yung room nila. She took her notebook from her bag at started studying.
Pumasok na yung teacher nila sa English. Hindi siya masyadong nakakapag-concentrate dahil ang sakit ng ulo niya. Dahil siguro iyon sa init kanina. Parang binibiyak sa sakit ang ulo niya.
Pagkatapos ng klase niya sa English, lumabas na ng classroom. Pumunta siya sa garden to gather some fresh air kasi masakit talaga yung ulo niya. Gusto niyang matulog. Nahihilo na siya when some guy stood in front of her. Before she could utter a word, everything went black.
***
Nagising na lang si Stacey na nasa loob na siya ng clinic. She sat on the bed and the nurse came in.
"Okay kana ba?" The nurse asked her.
"Okay na po. Sino nga po pa lang naghatid sa akin dito?"
Before the nurse could answer her, someone came in and said,
"Ako." Then the guy who entered smirked.
Siya?! Ba't siya? Stalker ba 'to?
"Ikaw?!"
"At your service," then he winked at her.
"Ehem. Maiwan ko muna kayo," tapos umexit na yung nurse.
"Wala bang thank you diyan?" Sabi nung guy while wiggling his eyebrows.
"Tse! Hindi ko naman sinabi sayong dalhin mo ako dito eh! At saka, sino ka ba ha?!" Bunganga nga naman ni Stacey. Hahaha! She's so adorable. The guy thought. Never knew someone who don't know me.
"*pout* Kahit isang thank you lang kasi niligtas ko buhay mo?" Pagpapa-cute nung guy. "By the way, Trevor Kirk Hernandez, at your service Miss." Then he winked.
"Paki ko sa pangalan mo! Tse! Makaalis na nga," before she exited the clinic,
"Tss. Thanks."
Nagpasalamat din siya sa nurse nung nadaanan niya ito. May utang na loob pa din naman siya 'no. Kahit na ayaw niya sa mga playboy pero siya kasi ang naghatid sa kanya nung nahimatay siya. Sa susunod talaga magdadala na siya ng payong para hindi na siya masyadong mainitan. Baka mahimatay na naman siya ulit. Tss. Ayaw na niyang maulit yun 'no! Baka yung lalaking yun na naman ang makakita sa kanya while she is unconscious. Hindi naman sa feeling siya. Pero baka lang diba?
***
Natapos ang mga klase niya ng matiwasay. Ang hindi lang niya inaasahan ay ang makasalubong niya si err-- Trevor sa bukana ng pintuan sa classroom. Nilagpasan lang niya ito sa pag-aakalang hindi siya ang hinihintay ng binata. Pero hinabol siya ni Trevor at hinablot ang kamay niya.
"Uy, sandali lang. Uuwi ka na ba sa inyo? Agad-agad?" Instead of answering, she just rolled her eyes at him at grabbed her wrist away from his hand. And just like that, she walked away. Bahala na ang reputasyon na 'yan! She thought.
Nang dumating siya sa parking lot ay wala siyang nadatnan na sundo niya. She was pissed. Hindi niya alam ang gagawin niya. She can commute but too hustle. Pagod na pagod na siya para mag-commute. Maybe she'll just wait for a while.
Umupo siya sa waiting shed at sumandal dun sa wall sa gilid. Ipinikit na niya ang mga mata niya nang maramdaman niyang may tumabi sa kanya. She didn't mind though. She kept her eyes shut. Pagod talaga siya. Feeling niya magkakasakit siya.
"Okay ka lang?" She startled a bit when the guy beside her spoke. Bakit guy? Halata kasi sa boses. She looked at him and rolled her eyes.
"Mr. Playboy," mahina niyang bulong na narinig ni Trevor.
"Hoy, hindi ako playboy 'no. Sadyang habulin lang ng babae." Tapos tumawa ito ng malakas. Okay, halakhak. Tss.
"Conceited much?" She, again, rolled her eyes at him.
"Napansin ko lang, kanina mo pa ako niro-roll eyes diyan. Bahala ka, mahanginan pa 'yan. Forever ka na talagang duling." Tapos tumawa na naman ito. Naiinis siya sa tuwing naririnig niya ang tawa nito. Parang naiinsulto siya.
She stood up and was about to go when Trevor pulled her wrist, AGAIN. Nakaka-imbyerna na, ah!
"Will you please stop pulling me?!" Hindi na niya mapigilan ang nararamdaman niya. Magkasamang inis at pagod na naging galit.
"Woah, chill. Wait lang. Ano? Hatid na lang kita sa inyo? Mukhang wala kang sundo eh," she just glared at him and left. Mabuti't hindi na siya nito pinigilan.
Pero yun ang akala niya. Habang naglalakad siya pauwi, naramdaman niyang parang kanina pa sumusunod sa kanya yung kotseng pula. She tried to run but then again, mas bumilis pa ang takbo ng kotse. She stopped and the car also stopped. Naiinis na siya! Lumingin siya at pinuntahan yung kotse. Hindi niya makita kung sinong nasa loob dahil tinted yung kotse.
Dinuro-duro niya yung window ng kotse habang sumisigaw. "Hoy, ikaw! Sino ka ba?! Sinusundan mo ba ako?!" Binuksan nung taong may-ari ng kotse ang bintana at naku naman talaga! Ugh! Ba't ba 'to sumusunod?!
"Ano na naman?!" Tumawa ito at sinabing 'Hop in'. Pero instead na sumakay, lumakad siya palayo dito. Sinundan siya nito ng sinundan.
"Hoy! Sumakay ka na lang kasi," tumingin siya sa paligid at napansing marami nang tumitingin sa kanila. Namula naman siya at pumasok na lang sa sasakyan. Hinila niya ang kwelyo nito at aambahan sana ng suntok. Hinarang naman agad ni Trevor ang kamay niya. Nasa gilid pa din sila ng kalsada.
"Hoy, hoy! Easy ka lang. Grabe 'to! Akalain mo 'yun, isang goody-good girl sa campus when in fact amazona naman pala?" Tapos humalakhak ito. She pouted.
"I know you're tired. Just rest." She looked at him.
"Alam mo ba kung saan bahay ko?"
"Of course I do!" His smirked was the last thing she saw before she drifted to sleep.
![](https://img.wattpad.com/cover/128651985-288-k702671.jpg)
YOU ARE READING
Rejecting Mr. Playboy
JugendliteraturA story about a girl who don't believe that playboys change. That playboys are doomed to be playboys for a lifetime. But what if she fell in love with a playboy?