Chapter 3
Nandito na sila sa tapat ng bahay nila Stacey ngunit hindi pa din ito nagigising. Hindi alam ni Trevor kung anong gagawin niya. Gigisingin niya ba ito o ibubuhat na lang hanggang loob ng bahay nila? Ay, bahala na nga!
He tried to wake her up pero mukhang pagod na pagod talaga ito kasi ayaw nang gumising. Malalim na din ang paghinga nito. He was left no choice but to carry her. Bahala na kung anong sasabihin ng Mama ni Stacey. Hahaha!
He stopped the engine and went to the other side of the car. He got her out and carried her in a bridal style. Nag-door bell si Trevor habang buhat-buhat niya si Stacey. Buti na lang at magaan lang ito kung hindi ay baka nabali na ang mga buto niya.
Naghintay pa siya ng ilang minuto bago siya pinagbuksan ng pinto ng Mama ni Stacey. She looked like in her mid-40's pero maganda pa din ito. Parang older version ito ni Stacey.
"God! Anong nangyari sa kanya?" Her mother asked. She's already panicking.
"Oh, she's just asleep, Tita," he smiled at her.
"Pwede mo ba siyang ihatid sa room niya?" He nodded his head at sumunod sa Mama ni Stacey.
Inilapag niya dahan-dahan si Stacey sa kama nito upang hindi ito maistorbo sa kanyang tulog. Bumaba lang saglit ang Mama ni Stacey para kumuha ng maiinom. He took a glance at his wrist watch and found out that it's already 7 in the evening. He glanced at Stacey who looked very cute because of her position. She was curled up as if she was cold. Oh, right! Maybe she was really cold.
He went to her and pulled her blanket to her body. Tinitigan niya ito. She really looked cute! He thought.
He was caught off guard when Stacey moved her head sideways. Mas natitigan niya ng maigi si Stacey dahil sa posisyon ng ulo nito. Nasa gilid kasi siya ng kama nito habang nakatingin sa kanya kaya nawindang siya dahil sobrang lapit ng mukha nila and Stacey isn't aware of it. She pouted her lips at medyo kumunot pa yung noo niya. He smiled at what he saw. Kung hindi pa kumatok ang Mama ni Stacey ay baka hindi na niya ito titigilan sa pagtitig.
"Here's the juice Trevor. Thank you nga pala sa paghatid sa anak ko ha?" He smiled at her.
"No problem, Tita," he tooked one glance on Stacey tsaka bumalik ang tingin niya sa Mama ni Stacey. "Aalis na din po pala ako kasi baka hinahanap na ako nina Mama," he continued.
"Ay, oo nga pala! Naku, baka mapagalitan ka. Strict pa naman si Chasty lalo na pagdating sa only son niya," natawa ang Mama ni Stacey habang siya'y kumamot na lang sa ulo niya habang nakangiti ng awkward dito.
Naguguluhan ba kayo? Well, magkakilala silang dalawa ng Mama ni Stacey na si Lisa. Magkasosyo kasi sa negosyo ang Mommy ni Trevor at ang Mama ni Stacey. Mag-best friends din sila noong high school hanggang ngayon kay malaki ang tiwala niya kay Trevor kahit iniwan niya ito kanina ng silang dalawa lang sa kwarto habang siya'y kumukuha ng maiinom ni Trevor. So, that explains everything.
"Send my regards to your Mom," pahabol pa nito. Ngumiti lang si Trevor at umexit na.
Nakaalis na si Trevor at nakarating na sa bahay nila. Sinalubong siya agad ng Mommy niya ng isang batok.
"Aray, My! Grabe 'to. Kararating ko nga lang nambabatok na agad. Haist," he kissed her Mom's cheek saka lumakad papuntang sofa.
"Saan ka nanggaling bata ka, ha?! Alam mo bang kanina pa kita hinihintay?! Alalang-alala ako sayo! Sa'n ka galing?" Bulyaw ng Mommy niya sa kanya habang ito'y nakapamewang.
He laughed at his Mother's reaction which earned him a glare from the latter. "Okay, okay. I went to Tita Lisa's house. Hinatid ko lang si Stacey kasi nahimatay siya kanina sa school at hindi pa din kasi siya kinukuha ng sundo niya kanina kaya nagmagandang loob akong ihatid siya. Nakatulog siya sa sasakyan kaya pinapasok ako ni Tita. Alangan namang ilapag ko lang sa labas si Stacey My, diba? Kabastusan 'yun! Turn-off ako kay Tita niyan," his Mom was relieve. Only child si Trevor kaya ganyan.
Tumabi yung Mommy niya sa kanya. "Hinatid lang ba talaga?" Pang-aasar nito.
Tumingin si Trevor sa kanya. "Of course! Ano pa bang gagawin ko dun? At saka, wala akong gusto sa kanya 'no!" Defensive niyang sabi na ikinatawa ng Mommy niya.
"Why so defensive? Wala nga akong sinasabing may gusto ka sa kanya 'e." Napa-shit naman siya. Nawindang din dahil na-realize niyang defensive nga ang tono ng pananalita niya.
"Basta, wala akong gusto dun. You know me, Mom. I don't stick with one girl only," saka pumanhik sa kwarto niya. Sinigawan pa siya nito na tumigil sa pagiging playboy ngunit tumawa lang siya. He was born like that. A playboy. But he knew someday that someone will come to re-born him.
***
Nagising si Stacey dahil sa sinag nga araw na tumatama sa mukha niya. Napansin niyang nasa kwarto na niya siya. Teka, sinong naghatid sa akin?
Bumaba siya at nakita ang Mama niyang naghahain ng pagkain.
"Oh, gising ka na pala. Gigisingin na sana kita pagkatapos ko dito 'e. Sige, kumain ka na 'nak." Ngumiti ang Mama niya kaya't napangiti din siya. How she love her Mom.
Umupo na siya at naalala ulit kung sinong naghatid sa kanya. Si Trevor kaya?
"Ma, sino nga palang naghatid sa 'kin?" Tinignan siya ng Mama niya at ngumiti.
"Oo nga pala, si Trevor yung naghatid sayo hanggang kwarto mo kasi nakatulog ka kagabi sa sasakyan niya. Hindi kita kayang buhatin kaya siya nalang yung naghatid sayo sa kwarto mo." Wait, kilala ni Mama si Trevor? At nakapasok siya sa kwarto ko?!
"Ma! Ba't mo pinapasok sa kwarto ko? At saka, ba't mo alam pangalan niya?" Nagpakilala kaya ito sa ina? Ano kayang pinagsasabi ni Trevor kagabi habang tulog siya?
"Ano ka ba! Anak yun ng business partner ko na si Mrs. Hernandez. Akala ko alam mo?" Nag-pout naman siya. Hindi niya kasi alam at wala siyang panahong alamin.
"Hindi ko po alam eh." Sumubo siya ng pagkain at may naalala. "Ay, Ma! Aalis nga po pala ako ngayon. My bibilhin lang po sa mall," paalam niya sa Mama niya.
"Oh, sure. Basta mag-ingat ka, okay?" Tumango siya dito at binilisan ang pagkain para makapagbihis na.
Matapos magtoothbrush, maligo, at magbihis ay ready to go na siya. Nagpaalam na siya sa Mama niya at pumasok sa sasakyan nila. Na-late pala ng dating yung sundo niya kahapon kaya hindi siya nasundo. Nasiraan kasi yung sasakyan nila pero okay naman na ito ngayon.
Sinabihan niyang sa mall siya ihatid. Traffic pa kaya nagpahinga siya saglit. Sumandal siya sa upuan at nag-cellphone. May nag-pop up na message from unregistered number.
In-open niya ang message at binasa ito.
---
From: +639090909090Hi Ms. Chavez! I can see you right outside my window. Mall ka din ba? :-)
---
She looked at her right side. Nakita niya yung pulang sasakyan na sumusunod sa kanya kahapon which is Trevor's car. Naka-open kasi yung window niya kaya siguro siya nakita nga damuho. And wait, sa'n niya nakuha ang number ko?
YOU ARE READING
Rejecting Mr. Playboy
Fiksi RemajaA story about a girl who don't believe that playboys change. That playboys are doomed to be playboys for a lifetime. But what if she fell in love with a playboy?